Daniela's Escort: Five

848 40 3
                                    

Ken's POV

Napatingin naman ako sa phone ko ng may biglang magtext. Nakita kong si Daniela ito.

"Nako Daniela, hindi kita mapupuntahan ngayon." bulong ko sa sarili ko.

Pag open ko ng text nya ay literal na nanlaki ang mga mata ko.

Paano?

Agad agad kong tinawagan si Daniela pero hindi nya ito sinasagot. Jusko, paano ba to. Malapit na ang sched ko sa gym.

Nagdesisyon na lang akong pumasok na lang muna sa gym na pinagtatrabahuhan ko bago ko sunduin si Bea. Tutal na kay Daniela naman sya. Hindi ko alam pero bigla akong naging kumportable ng malaman kong nasa kanya si Bea.

Pero aaminin ko, may parte sakin na medyo kinakabahan din. Baka sungitan nya ang kapatid ko. Baka kung anong gawin nya kay Bea.

Pero wala akong magagawa, kailangan ko talagang pumasok ngayon.

Tinawagan kong muli si Daniela pero hindi nya talaga sinasagot ang tawag ko.

Dumiretso na ko sa Timog kung saang gym ako nag pa-part time. Malapit lang naman sa SM North kaya di naman nako masyadong nahirapang makarating dito.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita ang kliyente ko. Agad ko naman syang pinag warm up.

Napatingin ako sa frame ng mag asawang may ari ng gym na ito. Si Mr and Mrs Chan. Nakakatuwa kasi ang love story nila.

Dito rin kasi sila sa gym nagkakilala sabi ni Manager.

Binaba ko na ang gamit ko pati na rin ang paper bag ng white teddy bear ni Bea saka itinext si Daniela.

"Salamat Ma'am. Sunduin ko na lang po sya dyan mamaya." text ko sa kanya. Agad ko naman ng pinuntahan ang kliyente ko at sinimulan na ang trabaho ko.

---

Daniela's POV

Nagising ako ng marinig kong may nagtext.
Pagtingin ko sa phone ko ay napakadaming missed calls ni Ken.

Malamang ay nag aalala na ito sa kapatid nya. Hahayaan ko nalang si Bea ang mag explain sa kanya. Wala akong oras makipag kwentuhan sa kanya.

Nakita ko namang tulog na tulog pa rin si Bea. Grabe, napagod nga siguro ang batang ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din ako. Pagkatapos ko kasing itext si Ken ay binuhat ko rito sa kama ko si Bea para mas maging kumportable sya.

Ipinikit ko nalang ulit ang mata ko.

---

Nagising nalang ako ng may kumakalabit sakin. Si Bea pala.

"Ate crush, gabi na po. Baka hinahanap na po ako ni Kuya." napaupo naman ako sa sinabi nya. Kitang kita ko sa mukha nya ang kaba.

"Don't worry Bea. Your Kuya will pick you up later." bigla namang nagningning ang nga mata nya.

Bigla naman akong napatingin sa kanya ng may marinig ako tumunog.

Napahawak sya sa tyan nya. Mukang sikmura nya nga ang narinig ko. Tiningnan ko naman ang oras.

Mag aalasyete na pala ng gabi. Masyado kaming nag enjoy sa pagtulog. Napatingin din ako sa balcony. Rinig na rinig ko kasi ang buhos ng ulan.

Kinuha ko ang kamay nya tsaka ko sya hinila sa labas. Umupo ako sa sofa at hinawakan sya sa pisngi.

"Anong gusto mong kainin? Mag papa-deliver na lang tayo." nakangiti kong sabi sa kanya. Bukod sa wala naman kasi akong stock ng pagkain dito ay hindi rin ako marunong magluto. Lumaki kasi akong puro order at deliver lang ang inaasahan.

Daniela's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon