Daniela's Escort: Six

1K 42 6
                                    

Ken's POV

Tinalikuran lang ako ni Daniela. Kita nyo yun? Attitude diba.

Bigla namang tumakbo papalapit sakin si Bea. Iba na ang damit nito at may nakalagay ng panyo sa likod nya. Napangiti naman ako, mukhang nagkasundo sila ni Daniela.

"Kuyaaaaa." hinawakan ko naman ang ulo nya.

"Kuya nakita ko na si Ate Crush, hahaha naunahan kita." bigla naman akong napaupo.

"Bea, ssshhh. Wag na wag mong sasabihin sa kanya na crush ko sya. Secret natin yun eh." sabay kamot ko sa ulo ko.

"Ay hehehe. Tara kuya, kain na tayo." hinila naman nya ko sa table ni Daniela. Nagulat ako ng makitang napakadaming pagkain dito.

"Kain na." Narinig kong sabi ni Daniela habang nagpupunas ng bibig. Galing na siguro ito sa lababo dahil basa na ang kamay nito.

"Kuya ano yung dala mo?" napabaling naman ang tingin ko kay Bea ng magsalita ito. Masyado ko ng tinititigan ang mukha ni Daniela habang nililigpit nya ang ilang plastik ng pagkain sa table.

Kinuha ko naman ang paper bag na yun at iniabot kay Bea.

"Halaaaa hahahaha. Dalawa na ganto ko Kuya. Binilhan ako ni Ate Crush nito kanina." sambit nya habang binubuksan ang paper bag.

Bigla naman syang tumakbo sa gilid ng sofa at may kinuha don.

Totoo ba to? Binilhan sya ni Daniela ng teddy bear? Hahaha mukang nagpapalakas to sa kapatid ko ah. Hahahaha.

Masyado na naman akong nangangarap.

Napatingin naman si Daniela kung nasan si Bea. Nakita ko syang ngumiti.

Eto ang unang beses ko syang nakitang ngumiti. Halos isang taon na din akong nagtatrabaho sa kanya pero ngayon lang talaga.

Bigla naman akong napatingin sa dibdib nya. Napalunok naman ako ng makita yon. Nag iwas ako ng tingin ng tapunan nya ko ng isang tingin.

Kinakabahan ako, susme.

---

Daniela's POV

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero parang gusto kong sunggaban si Ken. Kitang kita kasi ang hulma ng katawan nya dahil basa ang damit nya.

Napapalunok na lang ako. Hindi ako pwedeng magpa-session ngayon dahil may bata.

Nabalik ako sa ulirat ng maramdaman kong may humihila ng damit ko.

"Ate Crush, pwede bang pahiramin mo din ng damit si Kuya? Basang basa kasi sya eh." Nakangiting sabi nya sakin.

Bakit ba hindi ko kayang humindi sa batang ito. Kinuha ko ang kamay nya tsaka kami pumunta sa kwarto ko. Pumasok kami sa walk in closet ko. Kumuha ako ng isang white polo, medyo malaki din kasi ang isang to. Minsan ay tiniterno ko ito lalo na pag nakasando lang ako.

Binigay ko iyon kay Bea at lumabas na sya. Sinundan ko naman sya at nakita kong iniabot nya ito sa Kuya nya. Napatingin naman sakin si Ken at tumango nalang ako.

Pumasok na muna ko sa kwarto ko at saka naligo. Grabe, hindi ko alam pero biglang uminit ang paligid.

---

Pag labas ko ay nakita kong malinis na ang lamesa. Nandun nalang yung mga pagkain hindi pa nabubuksan. Nakaupo lang silang magkapatid sa sofa.

"Anong ipapangalan mo sa kanila?" rinig kong sabi ni Ken kay Bea.

Nilabas ni Bea ang bigay ko at idinikit ito sa bigay ni Ken.

"Etong bigay ni Ate Crush, Si Choy. Tapos etong bigay mo si Chow. Ok ba yun kuya?" sabi ni Bea. Bumubungingis na naman sya. Bigla naman syang binuhat ni Ken at inupo sa hita nito.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now