Daniela's Escort: Four

817 39 6
                                    

Daniela's POV

Nakangiti lang sya habang nakatingala sakin. Ang cute naman nitong batang 'to.

Aaminin ko, nawala ang init ng ulo ko ng makita ko sya.

Actually, ayoko ng bata. Masyado kasi silang maingay. Malikot. Madungis.

Pero, etong batang 'to iba. Mala-anghel ang mukha.

"Nasan si mommy mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala na po akong Mommy, si kuya po ang kasama ko. Andun po sya oh." Sabay turo sa katapat ng Department Store.

Siguro ay may inaasikaso ang kuya nya.

"Bakit mo pala tinitingnan yan?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Kanina ko pa po kasi yan nakikita. Parang lahat ng bata dito ay may ganyan." sabi nya sakin at saka bumalik ang tingin sa puting teddy bear na yun.

"Gusto mo?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ang buhok nya. Napakalambot.

Tiningnan nya lang ako. Ngumiti naman ako.

"Tara, bilhin natin." umiling naman sya.

"Oh bakit? Papagalitan ka ba ni Kuya mo?"

"Hindi po."

"Isipin mo nalang bibigyan kita nyan, kasi cute ka." sabi ko sa kanya habang nakaupo na ko sa harap nya. Kahit hirap na hirap akong umupo dahil sa heels ko.

Ako kasi nahihirapan sa tuwing titingala sya eh.

Ngumiti lang sya sakin. Pinisil ko naman ang pisngi nya.

Naisip ko tuloy, mas gusto kong magkaron nalang ng anak kesa sa asawa.

Kinuha ko ang kamay nya tsaka ko sya inaya sa loob. Nakangiti lang sya.

Habang binabayaran ko ang nakuha namin ay nakatitig lang sya sakin.

"Ang ganda mo po talaga ate crush." natawa naman ako sa sinabi nya. Alam ko namang maganda ko pero pag bata kasi ang nagsasabi nakakaramdam ako ng kilig.

Kids never lie eh.

Binalik ko na sya sa bench na katapat ng Department Store dahil dun daw sya iniwan ng kuya nya. Yakap yakap nya na ngayon ang paper bag na may lamang white teddy bear.

"Hey, little. I have to go. May importante pa kong gagawin eh." Sabi ko sakanya pagbitaw ko sa mga maliliit nyang daliri.

"Hindi nyo na po iintayin ang kuya ko, ate crush?" matamlay na ang mata nya. Ang tagal naman kasi ng kuya nito, nakabili na kami lahat lahat, eh wala pa rin.

"Nako, I really have to go na eh. Sana makita pa kita soon. Mag bobond tayo next time ha?" nakangiti naman syang tumango.

"Im Daniela, and you are?" sabi ko sa kanya habang nakalahad ang kamay ko. Nginitian nya lang ako.

"Bea Stefanie Chan" ang ganda naman ng pangalan ng batang ito. Pero teka? Bakit parang pamilyar sakin ang pangalan nya. Parang nakita o nabasa ko na somewhere.

"Osya, see you around. Bye." ayoko pa sana syang iwan dahil wala syang kasama kaso may kailangan pa kong kunin sa condo. Kung kailan nag eenjoy ako tsaka may abalang dadating eh.

---

Naglakad na ko palabas ng mall, papuntang parking lot. Hinahanap ko ang susi ko sa bag ko ng may maramdamang sumusunod sakin.

Oh baka guni guni ko lang, napakadaming tao rito kaya siguro may kasunod lang ako maglakad.

Ng makapa ko na ang susi ko ay saka hinanap ng mata ko ang kotse ko.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now