Chapter 3: Equivocal

12 1 0
                                    


Crisline's Point of View

"Sir, eto na po lahat" bagot na bagot na sabi ko kay sir nang maipasa ang lahat ng requirements na pinapagawa niya. May charts, collage, short stories na 3 pages at breif research. May mga PT pa na dapat kong gawin pero sa susunod ko na gagawin iyon, gaya nalang ng reporting.

"I'm glad you made it. Akala ko hindi mo gagawin" iling-iling na sabi ni sir sa akin.

Nagpaalam naman ako agad sa kanya upang pumunta sa canteen. Monday na ngayon. Sa saturday at sunday, ginugol ko ang oras ko sa pagawa ng requirements. Vincent also helped me about my research. May laptop naman siya at printer sa bahay nila kaya hindi ko na tinanggihan.

"Ate, bubble gum po" sabi ko sa nagtitinda. She gave me the bubble gum. Kinain ko rin ito at umupo sa bench dito sa school.

I saw some of my classmates happily chatting with their friends. Nakita ko si Celine. She's my classmate and only bestfriend before. Hindi ko alam ang nangyari pagtungtong namin ng highschool. Hindi na niya ako tinuring na kaibigan. She even told me that I'm miserable.


Napabuntong-hininga nalang ako at kinuha ang libro at kunyaring nagbabasa. Maybe I should use to it. Kailanman, hindi nila ako magugustuhan.

"Alone?" Napatingin ako sa taong nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Hmm"

"Here" inabot niya sa akin ang chips at kinuha ko naman iyon saka nagpasalamat sa kanya. I was eating it while pretending to read. Sumusulyap-sulyap pa ako sa gawi ni Celine at mga barkada niya. Ganitong-ganito ako pagsapit ng recess. Nalulungkot, kasi walang makasama.

"Masyado kang halata" Napatigil ako sa sinabi ni Vincent. Kinunotan ko siya ng noo.

"Ano?"

"Baliktad ang libro mo"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at dali-daling sinirado ang libro. Napapahiya kong ibinalik ito sa bag.


Antanga mo Crisline!


"Hahaha. Don't worry ako lang naman siguro ang nakakita"

I highly doubt that. Maraming mga kaklase namin ang napapatingin sa aming gawi kasi alam kong naninibago pa rin sila gayong si Vincent ang palagi kong kasama.

"C'mon, pulang-pula ang mukha mo oh. Hahahahaha"

Napasimangot ako at iniwan siya doon. Narinig ko pa ang pagtawag niya ngunit patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa women's comfort room. Walang tao. Tanging ako lang ang nandito.

I saw my reflection in the mirror. Napapikit pa ako at napabuntong-hininga. Baka kung anong isipin ng lalaking iyon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Celine. Hindi siya ngumiti nang makita ako. She walked beside me and stared herself at the mirror.

"Wag mo nga akong titigan." Istriktang sabi niya sa akin. Hindi naman siya ganito noon. Hindi ko alam kung bakit siya nagbago at bigla nalang akong iniwan.

"Sorry" napapahiyang sagot ko dito. Naghugas siya ng kamay pagkatapos ay pinunasan ito ng tissue.

"Vincent is handsome right?"

Napatigil ako at napalingon sa kanya.

"I like him" I gave him a half smile at naglakad papuntang pinto. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin 'to. I don't care after all.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now