Chapter 9: His Other Side

2 1 0
                                    


Crisline's Point of View

Nagpaalam ako sa kanilang tatlo bago ako pumasok sa school. Nagliligpit ng mga gamit sila Vincent at Kia samantalang si Sam ay naglalaro lang ng games sa cellphone niya. Sabi nila bukas ng gabi ay aalis na sila.

Walang masyadong nangyari sa school. Nag lecture lang si sir at wala akong balak na makinig sa pinagsasabi niya sa harap. I was too occupied by my thoughts. These past few weeks, masasabi ko talagang parang may kakaiba at may nababago sa buhay ko.

Napatingin ako sa seat ni Celine nang namalayang absent siya. Napabuntong-hininga nalang ako nang bumalik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kahapon. She said, she will going to leave this world. Seryoso ba talaga siya tungkol doon?

Sumapit ang lunch break pero hindi ako nagbaon. Umuwi ako sa bahay kasi feel ko lang umuwi at don kumain. Napasulyap pa ako sa bahay ni Vincent saglit saka tuluyang pumasok sa bahay ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung dadalaw ba ako sa bahay niya o hindi. I'm sure na busy sila ngayon.

Kumain na lang ako ng lunch bago ako nag ready ulit para umalis. Pumunta ako agad sa bahay ni Vincent at kumatok.

Walang sumagot. Nilibot ko ang paningin sa bahay niya pero mukhang walang tao kaya napabuntong-hininga na lang ako.


Hindi pa naman siguro sila nakakaalis?


Umatras nalang ako at lumayo sa bahay niya. But I suddenly stopped when I remembered something. I want to make sure about it. The next thing I noticed, I was running into the spot where I saw Sam for the first time.

Habol hininga kong narating ang kakahuyan na iyon. Inangat ko ang tingin sa kahoy na inakyat ko nong nakaraang araw. Napangiti ako saglit. Napakagandang kahoy talaga. Nakakagaan ng pakiramdam.

Naputol lang ang sight seeing ko nang biglang umihip ang hangin ng napakalakas. Inayos ko ang palda kong nahahanginan at napatingin sa deriksyon kung saan nanggaling ang malakas na hangin na iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. Napakunot ang noo ko nang maaninag ang isang kuweba. Hindi ko ito nakita noon dito. I took a step forward.

Funny. Alam kong isa itong kuweba pero walang itong lagusan papasok. May nakaharang sa harapan nito. Napailing-iling na lang ako. Na curious ako bigla.

How can I go inside? Napatitig ako sa harang nang lagusan. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para abutin ito at hawakan.

I was about to touch it when I heard someone called my name. Napatigil ako at napatingin sa likuran ko.


"Cris?"


Gulat akong napatingin kay Sam. Naguguluhan niya akong tiningnan. Napako ang tingin ko sa kamay niya nang may hawak siyang metal dagger. Domoble ang kaba ko. Nakita niya ang reaksiyon ko kaya bigla niya itong tinago. He smiled awkwardly pero hindi pa rin nawawala ang naguguluhan niyang tingin sa akin.

"It's a toy" he said pertaining to the metal dagger.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit.

Napalunok ako ng matindi. Hindi ko rin alam kung bakit ako napadpad dito. Dinala ako ng sarili kong paa dito. Hinarap ko siya at pilit na ngumiti.


"Ah, w-wala. May nakita lang kasi akong-"
Ibinalik ko ang tingin sa kuweba. My jaw litteraly dropped.


Walang kuweba. Puro kakahuyan lang ang nakita ko. Kumalabog ng husto ang puso ko. Paanong?


"Cris? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Sam. He held my shoulders and faced me.

"Bakit nawala?" Mahinang bulong ko habang nakatingin sa lupa. Namamawis na ang ulo ko at kamay. Hindi ako makapaniwala.

Bigla siyang natahimik at naitanggal niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya. Nagbago ang reaksiyon niya at nakakunot na ang noo niyang nakatingin sa akin, hindi makapaniwa.

"Nakikita mo?!" Naguguluhang tanong niya. Mababasa mo ang gulat sa mga mata niya.

"Nakikita ang ano? Ang alam ko lang, may kuwe---"

"Sam! Cris!" Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang seryosong tawag ni Vincent. Kasama niya si Kia sa likod niya at pilit ang naging ngiti niya nang makita ako.

"Bumalik na kayo don." Seryosong saad ni Vincent. He's mad.

Napakamot ng ulo si Sam at sinulyapan ako. Tumango ako at sumunod sa kanyang maglakad.

I glanced at Vincent. He is staring at me seriously. Napalunok ako. May nagawa ba akong mali? Gusto ko lang naman silang hanapin pero hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito.


Napayuko na lang ako habang sumusunod kay Sam. Tahimik kaming apat, hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ni Vincent. I looked at Vincent and he's glancing at the other two, trying to say something. Tumango ang dalawa saka kami iniwan at pumasok na don sa bahay.

Hinarap ako ni Vincent saka seryoso akong tiningnan. I tapped my shoes for me to break the silence. Hindi ko alam kung bakit siya ganito. May mali bang hanapin sila?

"You're already late for your first class period, Cris. Umalis ka na."

"Hindi mo ba ako sisigawan o pagsasabihan?" I asked out of blue. Hindi ko alam kung bakit ko iyon tinanong sa kanya.

"Bakit ko naman 'yun gagawin?" Nagtatakang tanong niya pero hindi pa rin mawawala ang seryosong kilos niya.

"You look mad." Simpleng sagot ko. Nakita ko siyang umiwas ng tingin saka bumuntong-hininga ng malakas.

"I am just worried. Sige na. Pumasok ka na."

Inakbayan niya ako saka tinulak ang likod ko, a sign para umalis na ako at pumasok sa school. I looked at him and he just smiled.

"We'll wait for you. See you later, Cris" nakangiting sabi niya. He was showing his cute contagious smile. Napangiti ako at tumango sa kanya. At first he was kinda shocked when I smiled at him, but then he raised his hand and bid goodbye at me.

Tumalikod ako at naglakad sa kanya papalayo. This is the second time where he showed his other side. He looked so different and serious. At masaya ako na hindi iyon nagtatagal. Everytime he looked serious and mad, I thought of someone.




Someone I had known...

















yet I can't remember.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now