Chapter 5: Connections

7 1 0
                                    


Crisline's Point of View

"Okay class, please pair yourselves with one of your classmates. We will going to perform our Physical Fitness Test."

Nasa court kami ng school. Kaming section lang ang nandito kasi Physical Education namin ngayon. Wednesday din kaya sakto lang dahil naka PE uniform na kaming lahat.

"Pair tayo"

"Sige"

Iyan ang mga linyahang naririnig ko sa mga kaklase ko. By pair ang gagawing PFT pero heto ako ngayon nakatunganga, hinihintay na may pumili sa basurang katulad ko.

"Hey Cris partneee--"

"Tayo nalang Vince" pagputol ni Celine sa sasabihin niya. Alam kong may ibang kahulugan iyon. She even smirked at me while holding Vincent's arm.

"Ah...w-walang partner si Crisline eh" sagot ni Vincent sa kanya. I can feel his uneasiness. Papalit-palit pa ang tingin niya sa akin at kay Celine.

"Puwede naman siyang maghanap ng iba"

"I'm okay with that" pagsang-ayon ko sa sinabi ni Celine. She raised her eyebrow at me, while Vincent creased his forehead.

"I'm her partner"

Napalingon ako sa nagsabi non. Nanlaki ang mata ko nang tumabi si Kia sa akin. She smiled at me then faced the two.

"Okay lang naman siguro sa'yo diba, Vince?" Pormal na tanong ni Kia sa kanya. Nakita kong napabuntong-hininga si Vincent saka mahinang tumango.

Pumalakpak si Kia saka hinarap ako at hinila papalayo sa dalawa. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa pulsohan ko.


Bakit ako pa?


Marami akong gustong itanong sa kanya. Bakit ako pa ang napili niyang partner e puwede namang ibang kaklase nalang namin na mas close niya at matatalino pa?

"Okay lang ba sa'yo?" Tanong nito sa akin.

Tumango ako ng mahina bilang tugon. As if naman may choice ako sa kanya. Mas mabuting huwag nalang akong mag complain. Nakakahiya naman kung ganon.

"All of you will have this paper." Sabay pakita ni Miss ng kalahating bond paper sa amin. Isa-isa naman niya kaming binigyan ng ganon.

"Please fill in that form."

Napatingin ako sa form na ibinigay ng guro. Maraming test ang gagawin namin. Nahahati sa dalawa ang PFT. Ang part 1 ay Health Related Fitness Test kung saan kukuhanan ang Height, Weight, Waist circumference, Heart Rate, number of Push ups and Curl ups at ang BMI namin. Ang part 2 naman ay Skill-Related Fitness Test kung saan may 40 meter sprint, Basketball pass, Standing long jump, Hexagon Agility Test, Stick drop test, Stork Balance and Paper Juggling. Sa totoo lang, nang mabasa ko lahat ng 'to, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Hindi ko madalas ginagawa 'to. Baka mawalan pa ako ng malay mamaya.


Pinagtipon-tipon kami ni Miss kasama ang mga partners namin. Napatingin ako sa harapan sa di kalayuan sa puwesto namin at nakita sila ni Celine at Vincent na nag-uusap. Nakita kong napatingin si Vincent sa akin. Naputol lang ang tinginan namin nang magsalita si Kia sa tabi ko.

"Start na tayo" sabi niya. Tumango ako at sinundan siya papunta sa corner kung saan kukuhanan ang weight at height namin. Si Kia ang kumuha ng sakin at ako naman ang kumuha ng kanya.

Nagtuloy-tuloy lang kami ni Kia. Siya ang partner ko bawat Test na ginagawa namin. Sa push-ups at curl-ups mahina ako. Lampas sampu na kay Kia pero sa akin, nasa otso lang. Mahina talaga ako.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now