Chapter 17: Interactions

8 0 0
                                    


Crisline's Point of View

I woke up late. Late na rin kasi ako nakatulog kagabi. Habang nagtotoothbrush, sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila tungkol sa mga nakikita ko. Hindi rin kasi ako sure kung ito na ba ang abilidad ko. One thing, nandito na si Vaughn. Three weeks na mula nong pumunta siya dito, napaka busy niya siguro.

"Goodmorning Cris!" Masiglang bati ni Sam nang bumaba ako sa living room. Naabutan ko siyang nagkakape sa sala.

"Goodmorning Sam."

Dumiretso ako sa kitchen para magtimpla. Nakita ko si Kia na may dalang almusal at pabalik na sa living room. Ngumiti siya kaagad nang makita ako.

"Goodmorning Cris! Nakatulog ka ba ng maayos?" Nakangising tanong niya. Napakunot ang noo ko. Mukha siyang nang-aasar.

"Okay naman. Goodmorning din"

Nakita ko si Vaughn na nagluluto. Hmm, marunong pala siyang magluto. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagtimpla na lang ako ng chocolate milk.

"Nakatulog ka ba kagabi?" Nabigla ako nang magsalita siya. Kakalapag ko pa lang ng chocolate milk sa mesa.

"Ahmm oo naman." Hindi makatinging sagot ko. Nakita ko siyang inilapag ang bacon at hotdog sa mesa. Sunod niyang inilapag ang kanin.

"Eat." He said. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ako kumakain ng umaga" Nakita ko ang pag-iba ng expresyon niya sa sagot ko. Tinitigan niya ako ng mariin.

"You should eat. You're getting skinnier than before"

Napakunot ang noo ko. Sobrang payat ko ba? Hindi naman ah. Normal naman ang katawan ko.

Kumain na lang ako. Sabay kaming kumain ng almusal. Tinanong ko pa siya kung bakit hindi niya niyaya si Kia at Sam pero sabi niya kumain na ang dalawa sa living room.

It would be better if they're here with us. I felt like I'm gonna out of breath. Hindi siya nagsasalita. Napakatahimik.

Ako ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan. Vaughn insisted to wash the dishes but I didn't let him. Siya naman ang nagluto kaya ako naman ang maghuhugas.

"May importante kaming sasabihin sa'yo" Sam said. Kakaupo ko pa lang sa couch.

"Ano 'yon?"

"May importante kaming pupuntahan ni Vaughn, Cris. Aalis kami sa Greawelt at babalik sa outside world."

Napatingin ako kay Sam nang sabihin iyon. I glanced at Kia, silently listening at my side.

"Tungkol ba 'to sa ama niya?" I asked, glancing Vaughn. He was staring at the empty table.

"It's not about his father. It's about of his secret business. Lingid sa kaaalaman ng ama niya ang negosyong ito, Cris. Vincent also know about this. Minsan bumibisita kami don."

Napatango ako sa sinabi niya.

"Vaughn and I will be out for 3 days. Bukas ang alis namin."

Napatingin ako kay Kia nang hindi siya banggitin ni Sam.

"Hindi ka sasama?" Tanong ko sa kanya.

"Of course not. Sino ang makakasama mo dito? Hay! Ikaw talaga."

Napailing-iling nalang ako. She's right. Wala pala akong kasama kung silang dalawa ang sasama kay Vaughn.

Sparks of Imagination Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz