Chapter 7: The Unknown Identity

2 1 0
                                    


Crisline's Point of view

Monday na naman. Pumasok ako ng maaga sa school. I was just sitting on my chair while waiting for our teacher to arrive.

Nakarating din kaagad ang teacher. Habang nagbubuklat ng textbook niya, napatingin ako sa table ni Vincent at Kia.

Wala na naman sila...

Napabuntong-hininga ako. Nasisiguro kong may problema talaga sila ngunit hindi ko alam kung ano. Hindi ko din matukoy kung coincidence lang ba ang mga naging sugat nila o baka magkasama talaga sila sa oras na iyon, nong bumalik na sugatan si Vincent at pumasok sa bahay.

Iyan ang palaging bumabagabag sa isipan ko. I am worried. Lalong-lalo na kay Kia dahil napaka unusual ng mga nangyayari sa kanya.

"Before anything else, I will announce something to all of you." Anunsyo ni sir sa amin.

"Kia and Vincent will going to transfer to another school."


Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay sir sa sinabi niya. Unti-unti ring binalot ng mga tanong ang classroom namin.

Hindi ko iyon inaasahan.

"May I know the reason sir?" Tanong ni Celine. Noon ko lang siya nakitang seryoso.

"For now, I can't tell you the reason. Wala ni isa sa kanilang nagsabi ng rason sa akin."

Napayuko ako. May mali talaga. Umiling-iling na lang ako saka napatingin kay Celine na nakatingin din pala sa akin. Iniwas niya ang tingin sa akin kaya ibinalik ko nalang sa guro ang paningin.


Sinikap kong makinig sa discussion pero lumalakbay sa kung saan-saan ang isip ko. Puro tanong na wala ni isang sagot ang bumabalot sa isip ko.

Natapos ang lecture ni sir ng dalawang oras kaya umalis din kaagad ako sa room para mag recess. Pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan sa classroom, napatingin ako sa babaeng naghihintay malapit sa pinto.


"Kailangan kitang makausap" nagulat ako sa tono ng pananalita ni Celine. Seryosong-seryoso siya ngayon.

Sinundan ko ang lakad niya. Napakunot ang noo ko nang mapagtanong sa likod kami ng classroom papunta. Sa favorite spot ko.

"Bakit dito?" Mahinang tanong ko sa kanya. Akala ko tatarayan niya ako pero hindi niya iyon ginawa. She sat on the ground where there are some bermuda grass. She tapped her side as a sign for me to sat beside her.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. She was looking at the sky while I was looking at her. Napayuko ako nang bumalik ang mga alala namin noon. Iyong mga sandaling magkasama kami simula pagkabata.

"I'm sorry"

Hindi ko alam kung para saan ang mga salitang iyon pero batid kong may malalim iyong ipinapahayag sa akin. Kahit na anong tago niya ng emosyon, nahahalata ko pa rin. After all, siya pa rin si Celine na bestfriend ko noon.

"Sa tingin mo, ano kaya ang dahilan ng dalawang 'yon?" Tinutukoy niya ang tungkol sa pag transfer ng dalawa.

"Hindi ko rin makitaan ng dahilan" I answered honestly.

Hinarap niya ako at binigyan ng nag-aalalang tingin. Bigla akong nagtaka sa iniasta niya sa akin ngayon. She held my shoulders.

"Please be safe always" she calmly said.

"No matter what happen, please live" This time, seryoso na talaga siya at makikita mo ang pag-aalala sa mga mata niya. Peke ang naging ngiti ko at binigyan siya ng naguguluhang tingin.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now