Chapter 16: Settled Ties

12 1 0
                                    


Crisline's Point of View

Madaling sumapit ang gabi. Celine insisted to cook for dinner. Pumayag naman ang dalawa pero nag volunteer akong tumulong. Wala naman akong masyadong ginagawa at gusto ko ring kausapin si Celine.

Naghuhugas ako ng pechay kasi magluluto kami ni Celine ng tinolang manok. She was silent, naninibago ako. Nong nasa school pa kami, palagi niya akong tinatarayan pero ngayon nagbago talaga ang pakikitungo niya sa akin.

"Masaya akong ligtas ka." Panimula niya. Hindi ako nakatingin sa kanya.

"Sorry sa mga nagawa ko sayo. Sana patawarin mo ako, Cris." Sinserong saad niya. Napatigil ako sa ginagawa at hinarap siya.

"Napatawad na kita, Lin. Nalaman ko sa kanila ang lahat. Alam kong ginawa mo 'yun dahil tungkulin mo."

"No. Hindi ko 'yun ginawa dahil lang sa tungkulin ko 'yun. I did it because I cared for you. Totoong tinuring kitang kaibigan pero napilitan akong dumistansya sa'yo dahil may nakahalata na sa ginagawa ko. Simula non, palagi na akong umaabsent at hindi na kita nakakasama."
Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti.

"Naiintindihan ko. Sorry din dahil hindi kita inintindi. Inakala kong masama kang tao."

"Maldita naman talaga ako diba? Inaway pa nga kita e"

"Sira! Tatanggapin ko ba ang pagkikipagkaibigan mo kung hindi ka mabait sa akin?" Natatawa kong sagot sa kanya.

Niyakap niya ako pagkatapos. Natawa pa kami sa isa't-isa nang maging emosyonal siya. Nahawa na rin ako agad.

Pinagpatuloy namin ang pagluluto namin hanggang sa umabot ang kuwentuhan namin tungkol sa kanila ni Kia.


"Hindi ba kayo good terms ni Kia, Lin?"


Natigilan siya sa ginagawa niya. Ngumiti siya ng pilit sa akin.

"Hindi talaga kami magkasundo noon, Cris. Lahat ng mga bagay, pinagtatalunan namin nong mga bata pa kami. Mas lalo lang lumala nong nalaman niyang may gusto ako kay Vincent at nagseselos ako sa kanya dahil palagi silang magkasama."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko, parte 'yon sa pagpapanggap niya tungkol sa pagkagusto niya kay Vincent. Hindi ko akalaing totoo pala 'yun. Kinakabahan tuloy ako kung ano ang magiging reaksyon niya pag malaman niya ang sinabi ni Vincent sa akin nong insidenteng yon.



"E si Kia ba, may gusto kay Vincent?" Maingat na tanong ko sa kanya.


"Idunno. Pinagseselos lang naman niya ako pag magkasama sila noon. Hindi ko rin alam kung may gusto ba siya sa lalaking 'yun. Tsk."

Napayuko na lang ako. Siguro mahirap para sa kanya na ang lalaking gusto niya ay namatay dahil sa sarili niyang abilidad.


"Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko, Cris." Naluluhang sambit niya. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.


"Pinatay ko siya."



Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya 'yon ginusto, hindi niya sinadya at aksidente lang ang nangyari dahil ako naman dapat talaga ang mamamatay at ako naman talaga ang may kasalanan.


Niyakap ko nalang siya at umiyak lang siya ng umiyak. Naiiyak din ako at the same time, masaya. It's been a long time since she cried at my shoulders. Hindi madaling paiyakin si Celine. She's a strong woman and I really admired that part of her.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now