Chapter 8 : A Night with Them

2 1 0
                                    


Crisline's Point of view

"Here, coffee"

Agad akong napatingin kay Kia nang nilapag niya ang kape sa mesa. Hindi ako nagsalita, nanatiling nakatikom ang bibig dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila.

I glanced at Vincent. He is serious and worried, leaning on the wall while looking at me. Napatingin ako kay Sam na tahimik lang na nag-cecellphone sa kabilang sofa.

"Are you okay?" Tanong ni Vincent sa akin. Hindi ko alam kung pang-ilang tanong na ito. Kanina pa nila ako tinatanong kung okay ba ako, o hindi.

I smiled a little bit at tumango. I heard his sigh. Kia sat beside me at tahimik na umiinom ng kape. Ininom ko ang kape ko at nag-isip kung paano ako makakatakas sa hotseat ngayon.


I'm super doomed.


Nang magkalahati na ang kape ko, biglang nagsalita si Kia.

"I know you're confused Cris. We're sorry for not telling you the reason why we moved out."

Napatingin ako sa kanya. She was looking at the table.

"Matagal na rin kaming magkakilala ni Vincent. Sorry kung delayed ko nasabi." She laughed a little bit.

Tumango ako sa sinabi niya at pilit na ngumiti. Hindi ko gustong ipa feel sa kanya na kailangan ko ng explaination pero base sa kilos kong pagpasok sa bahay ni Vincent, parang ganon nga ang ipinaparating ko.

"I know you have a lot of questions in your mind Cris. Just spit it out." Seryoso si Vincent nang sinabi iyon.

Napalunok ako. Sam gave me a convincing smile then faced his cellphone again. Alam kong ayaw niyang mangealam.

"I-I just w-wanted to know the reason behind your transfer, the both of you." Maingat na sabi ko sabay sulyap sa kanya at kay Kia.


Kia smiled at me and held my hand.


"Sorry. We can't tell you that." Malungkot niyang sinabi iyon.

Ayaw ko ng manghimasok. Siguro may malalim na dahilan iyon. I need to accept it.

Vincent cleared his throat. Napatingin kami sa kanya.

"We're here because of something Cris. May naiwan akong ibang bagay dito. I think, it will take 2 days before I totally move out here with Kia." Mataas niyang paliwanag sa akin.

"Dito rin muna kami matutulog Cris. Wanna sleep with me?" Sam said playfully, trying to lighten up the mood.

"Gago!" Vincent hissed. Umiling-iling nalang si Kia sa sinabi ni Sam, while Sam just chuckled at ibinalik ang tingin sa phone. Inubos ko nalang ang kape at ibinalik sa saucer ang cup.

"I want to spend time with you Cris. Dito ka na lang kaya matulog?"

Nabigla ako sa suhestiyon ni Kia. She smiled at me then glanced the other two.

"It's okay for me, para naman makasama ko rin si Cris." Sam said, smiling at me.


Vincent glared at him.


"Hindi ikaw ang sasamahan niya! Ako lang! Wag kang epal!" Kia exlaimed. Natawa nalang si Sam.

"Okay lang ba sa'yo?" Tanong ni Kia sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Masaya akong inalok niya ako upang makasama siya nang maikling panahon.

"Babalik muna ako sa bahay para makapagbihis" Sabi ko sa kanya.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now