Chapter 18: Flashbacks

5 0 0
                                    


Crisline's Point of View

Hindi ako lumabas ng kwarto. Nakahilata lang ako sa kama at parang tangang namumula kakaisip sa nangyari kanina lang. Hindi ako ganito. Hindi dapat ako magpaapekto.

Pagkatapos kong kumain, dumiretso agad ako sa kwarto. Kahit na tinatanong ako nila Kia at Sam sa nangyari, hindi ko sila sinasagot dahil sa hiya at inis sa sarili.

I looked at my hands. Vaughn loosely wrapped my hands with gauze bandage around the burns, except my legs of course. Hindi naman talaga siya ganun kalala pero ibang-iba ang reaksyon niya kanina. Napabuntong-hininga ako. I didn't tell him about my purpose. May ipapakiusap sana ako pagpunta nila sa outside world. Sana hanapin niya si mama at ipaalam na nandito ako sa Greawelt.

Mag-iisang buwan na ako dito. Alam kong susubukan na niya akong hanapin. Wala na akong contact sa kanya kasi nga nawala ang phone ko dahil sa insidente.

*Tok*tok*tok

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Napalunok ako agad.

"Cris! Hey!"

Nabunutan ako ng tinik nang marinig ang boses ni Kia. Parang nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi si Vaughn ang nasa likod ng pintong iyan kahit na alam kong imposibleng pumunta siya dito.

"Okay ka na? Narinig namin kay Vaughn ang nangyari. Sorry sa mga tanong namin kanina hehe." Napakamot pa siya ng ulo nang pinagbuksan ko siya ng pinto. Naka-pajamas na siya. Muntik ko ng makalimutang dito nga pala siya matutulog.

"Pasok ka muna."

Ngumiti siya at pumasok sa kwarto. Umupo siya sa kama at hinarap akong nakangiti.

"Alam mo bang pulang-pula ang mukha ni Vaughn nang ikuwento niya sa amin ang nangyari? HAHSHAHAHA"

Nanlaki ang mga mata ko kaagad at napalunok. Shit! Wag mong sabihing sinabi niya ang lahat ng nangyari.

"A-Anong kinuwento niya sa inyo?" Kinakabahang tanong ko. She smirked at me.

"Sabi niya, ang tanga mo raw dahil nabiktima ka sa sarili mong kilos. Hayst! Sabi niya pa siya raw ang gumamot sa'yo. Pinagalitan niya nga kami e. Bakit daw ikaw ang pinahatid namin ng pagkain. Yun lang naman."

I swallowed hard.

"Yun lang?"

"Oo, yun lang."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti hindi niya kinuwento lahat ng detalye. Shit! Nakakahiya yun. Naniniwala naman akong hindi niya ikukuwento yun. Hindi siya ganong klaseng tao.

Humilata si Kia sa kama ko at napatitig sa kisame.

"Wala ka bang nararamdamang kakaiba?"

Natigilan ako sa tanong niya. Nararamdaman?

"I mean, sa katawan mo? Nagbabasakali lang ako kung may signs ba ng pagbabago dahil baka lalabas na ang abilidad mo."

Bumalik sa alaala ko ang mga nakikita ko. Mga dahilan kung bakit takot na akong pumikit dahil ayokong magkatotoo iyon. Kahit na alam ko namang hindi ko iyon mababago.

"Wala." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Tumango siya sa sinabi ko.

"I see. Basta, wag kang magdadalawang-isip na sabihin sa amin ha?"

"Oo naman."

Natigil lang kami sa pag-uusap ni Kia nang may kumatok sa pinto. Narinig ko kaagad ang boses ni Sam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now