Chapter 13: Our Hero

2 1 0
                                    


Crisline's Point of View

Magdamag akong nagmukmok sa kwarto. Sam asked me earlier kung san daw ako kakain, sinabi ko sa kanyang dito na lang sa kwarto. I can't stand eating with them. I feel embarassed.

Sumagi sa isip ko si mama. Gusto kong ipaalam sa kanya na wala ako sa bahay at nasa di-pamilyar na bahay ako ngayon. I lost my phone because of that incident. Hinahanap niya kaya ako?

Naisipan kong lumabas ng bahay. Gusto kong maglibot man lang para mabawas-bawasan ang pag-iisip ko ng marami. I was about to touch the door knob when it suddenly opened. Napaatras ako nang makita ang mukha ng lalaking pinagluluksaan ko ng mahigit dalawang araw na ngayon. No, I'm wrong. This man was his twin brother.

Umiling-iling ako at pilit na ngumiti sa kanya. He was just in his usual face, walang pinagbago ang seryosong tingin.

"A-Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, hindi siya tiningnan.

"Is the bedroom comfortable?" He asked. Tumango ako sa sinabi niya habang nakatingin pa rin sa sahig.

"Go downstairs if you feel bored here. We also want to talk you about something."

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman sa sinabi niya. Bakit parang nangyayari ang lahat ng 'to dahil sakin? Am I that bad enough?

"We're waiting." Umalis din siya matapos sabihin iyon. Umupo ako sa kama at hindi alam kung ano ang dapat na gawin. I am scared. Hindi ko alam kung bakit parang ayokong bumaba don at makinig sa sasabihin nila. Parang may bagay na hindi ko dapat malaman dahil tiyak na mababago ang buhay ko kapag malaman ko iyon.


Hindi rin ako mapakali at paniguradong kakainin lang ako ng konsensya ko sa loob ng kwartong ito kaya napagpasyahan kong lumabas na lang at pumunta sa sala.

Naabutan ko si Sam na may tinatype sa cellphone niya. Tinanguan niya ako nang magtama ang mga tingin namin. Wala si Kia. She never talked to me. Mas lalong nadagdagan ang lungkot ko sa ginawa niya. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon.

I saw Vaughn sitting on the couch. Hindi siya nakatingin sa akin. He was reading some papers in his hands. Hindi na lang ako nagsalita at umupo na lang sa couch sa harap nila.

"Do you want me to tour you outside Cris? Masyadong busy si--" Sam glanced at Vaughn. Kumunot ang noo ni Vaughn at sumuluyap sa akin panandalian pero agad ding ibinalik ang paningin sa mga papeles.

"May chinicheck lang ako. You can tour her outside if you want. I'll just call you if I'm done with this." Vaughn said calmly. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Ibang-iba siya kay Vincent. From personality, looks and the way he talks. Sa unang tingin palang magkaiba talaga sila. Vincent is friendly and knows how to mingle with others. Messy ang hair niya at ipinapakita niya ang mga ngipin niya sa tuwing ngumingiti siya sa ibang tao, which is kabaliktaran naman kay Vaughn. He is so serious and calm. Hindi mo mababasa ang iniisip niya dahil iisa lang ang tinging ibinibigay niya. Nasa ayos ang buhok niya at formal na formal siya kung magsalita. He was like holding a big authority against everybody.

"Cris? Hey?! Nakikinig ka ba?" Sam slightly touched my shoulders. I blinked my eyes and looked away from Vaughn that was now looking dead serious at me. Hindi ko namalayan na masyado na akong nakatitig ng matagal sa kanya.

"Let's go?" Yaya ni Sam. Tumango ako sa kanya at sumunod sa kanya papalabas ng bahay.


Nakita ko agad ang fountain. Hindi iyon pinansin ni Sam at patuloy lang siyang naglakad papunta sa bahaging gilid ng bahay. I was wearing slippers and I barely feel the bermuda grass in my feet. Sam suddenly stopped after seeing 6 small metal chairs and one metal table. Ngumiti siya ng malungkot na para bang may naalala siyang masayang pangyayari noon.

Sparks of Imagination Donde viven las historias. Descúbrelo ahora