The Killer App 3: The Show

1K 58 2
                                    

The Killer App 3: The Show

Lunch break na noong muling nabuksan ang usapan mula sa nangyari sa mga kaibigan nilang sina Terrence at Penelope. 

"Hindi ko gets, kung pagnanakaw ang motibo ng krimen, bakit walang gamit, pera o alahas na nawala?" nagpapakaimbestigador na naman si Princess ng minutong iyon. 

"The fact na pumunta si Terrence doon, gulo na kaagad iyon. Alam niyo naman na magkaaway ang pamilya nila Terrence at Penelope, hindi ba?" sabi pa ni Dorothy na sinang ayunan naman ni Heaven. Sabi nito, una palang binalaan na nila si Penelope na huwag nang ituloy ang pakikipagrelasyon kay Terrence dahil gulo nga lang ang mangyayari at heto na nga ang naganap.

Sumingit naman si Dalton sa sinabi ni Heaven, at sinupalpal ito ng binata. 

"Nagmamahalan sila, Heaven. Hindi pa ba sapat iyon? Problema kasi sa iyo, walang nagkakagusto sa iyo. Panay ka kasi antay sa Prince Charming mo na darating para sagipin ka. Hoy, magising ka na Miss Sleeping Beauty, hindi totoo ang pangarap mo." nainis si Heaven ng minutong iyon at hinagis niya ang cheesecake na inorder niya kay Dalton ngunit nakailag naman si Dalton at saktong tumama ang cake sa mukha ni Topaz nang dumaan ito ng oras na iyon. 

Nanlaki ang mga mata ni Heaven at napatingin siya kay Dorothy ng minutong iyon, saka siya napakagat labi at tila kinakabahan sa mangyayari. 

"Oh, no more Pretty Boy." tawang tawa na sabi ni Miles ng minutong iyon. Saka dahan-dahan tinanggal ni Topaz ang cake sa kaniyang mukha at nakita niya na tumatawa ang grupo ng mga pamilyar na mukha sa kaniyang harapan. 

Biglang binato ni Topaz ang inorder niyang spaghetti sa ulo ni Miles at sinapak ito, natumba kaagad ang binata. Sunod naman niyang sinipa ay si Dalton at lumipad ito sa kabilang lamesa at nangiwi sa sobrang sakit ng katawan, nagsigawan naman ang mga babae habang tumayo si Mikee at akmang sasaksakin sana si Topaz kaso nakita ito ng binata at naiwasan niya ito, saka niya sinuntok sa mukha ang binata hanggang sa dumugo ang ilong nito. 

"Mister Reyes, enough!" malakas pang sigaw ni Mrs. Delfin ng minutong iyon at tumigil na si Topaz saka siya dahan-dahan na humarap sa teacher nila. 

"Go to my office, now! And you, you lahat kayo, go to my office!" sigaw pa nito. Saka siya padabog na umalis. 

Inabutan ni Heaven si Topaz ng panyo habang nasa likuran nito si Dorothy na takot na takot ng minutong iyon at panay ang bulong kay Heaven na huwag nang lapitan ito, pero hindi ito pinansin ni Topaz at naglakad na ito palabas ng cafeteria. 

Nakasalubong pa nila Anatacia at Bryne ang dugyot na itsura ni Topaz ng minutong iyon nang lumabas ito mula sa Cafeteria. 

"Mukhang nagsimula na ang Show ah?" sabi pa ni Bryne nang pagpasok ay nagulat siya nang makita na ang mga kaibigan niya ay nakasalampak sa sahig at bugbog sarado. 

Hindi makapaniwala si Mrs. Delfin sa kaniyang nasaksihan. Maganda ang record ni Mister Reyes mula sa dati nitong eskwelahan, mataas ang grade at maganda ang pakikisama sa mga schoolmates niya, kaya nga bukod sa mayaman ito ay bukas palad nilang tinanggap ito, pero sa kaniyang nakita kanina, parang nagtaka siya. 

"Mister Reyes, kinakausap kita." hindi sumasagot si Topaz ng minutong iyon, hanggang sa biglang pumasok si Heaven. 

"At sinong nagbigay pahintulot sa iyo na mag-interrupt habang may kausap ako?" galit na sabi ni Mrs. Delfin sa dalaga. 

"Mam, sorry. Pero, wala pong kasalanan si Topaz, it was an accident po talaga." saka nagpaliwanag si Heaven sa totoong nangyari. 

"Miss Zabala, thank you sa mga sinabi mo pero it doesn't mean na wala kang kasalanan sa mga nangyari, because of your act. It went worse, see?" tumango-tango lang si Heaven habang pinagmamasdan niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang lalaking tahimik lang na nakaupo sa harapan ni Mrs. Delfin. 

Inutusan ni Mrs. Delfin na samahan si Topaz sa clinic dahil napansin nito ang dugo at sugat sa kamao ng kaklase. Pero, ayaw sumunod nito sa kaniya. 

"Uy, saan ka pupunta?" dire-diretso lang sa paglalakad si Topaz ng minutong iyon, isinuot pa niya ang earbud niya para hindi marinig ang nakakairita raw na boses ni Heaven. 

Sinundan ni Heaven si Topaz hanggang sa makarating ito sa dulong bahagi ng Campus, sa may gubat at natatakot si Heaven sa lugar na iyon, sa tagal niya sa Academy, hindi niya pa nararating ang lugar na iyon, kasi bali-balita na may mga hayup raw na nakakatakot ang itsura ang makikita doon, kaya tinawag niya si Topaz. 

"Uy!" saka huminto sa paglalakad si Topaz, nakahinga ng maluwag si Heaven dahil hinihingal na rin siya sa kakasunod rito. 

"Saan ka pupunta?" inis na tanong niya rito, pero hindi parin siya kinikibo nito. 

"Pipi ka ba? Hindi ka ba marunong magsalita? Kausapin mo naman oh!" pagmamakaawa pa ni Heaven sa kaniya hanggang sa muling naglakad si Topaz at sa sobrang inis ni Heaven ay tinanggal niya ang sapatos na suot at hinagis niya kay Topaz, laking gulat niya nang nasalo ito ng binata kahit nakatalikod siya. 

Tapos dahan-dahan na humarap si Topaz at muli na naman niyang nakita ang nag-aapoy na mga mata ng binata. Kinabahan siya para sa kaniyang buhay, paano kung bigla siyang sugurin ni Topaz at pagbubugbugin siya nito. 

Naglakad ito palapit sa kaniya, gustuhin man ni Heaven na maglakad ay di niya magawa, hindi niya mautusan ang dalawang paa niya na maigalaw ng minutong iyon. Tila para bang nastack ito sa kaniyang kinatatayuan. 

"Lord, kayo na pong bahala sa buhay ko." hanggang sa maramdaman niya na hinawakan ni Topaz ang kaniyang Paa at dahan-dahan na ipinasok ang paa nito sa kaniyang sapatos.

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon