The Killer App 23: It's Just a Kiss

451 29 0
                                    

The Killer App 23: It's just a kiss 

Hindi maalis sa isipan ni Heaven ang mga nangyari kanina. Kung paano dumikit ang labi ni Topaz sa kaniyang labi at gumalaw ito sa loob ng kaniyang bibig. 

Nakagat niya ang ilalim ng kaniyang labi habang binabalikan ang oras na iyon at kahit nakababad siya sa bathtub ay para bang ang init parin ng pakiramdam niya. 

"Miss Heaven, nakahanda na po ang Dinner." boses iyon ni Aling Emelda. Bigla siyang napatayo at sumilip sa pintuan ng banyo saka niya sinagot ang matanda. 

"Opo, sorry po." humingi pa ito ng paumanhin ng minutong iyon. 

"Okay lang po, take your time." sabi nito bago niya muling sinarado ang pintuan ng kwarto nito. Doon na siya nakahinga ng mabuti at saglit na sumandal sa pader ng banyo at muling huminga ng malalim. 

"Wala kang nararamdaman sa kaniya. It is just a kiss, Heaven. Okay?" sabi pa niya sa kaniyang sarili bago siya muling bumalik sa shower room at nagbanlaw na ng kaniyang katawan. 

Pagkababa niya mukha na namang may fiesta sa dami ng mga pagkaing nakahain tapos nakaupo na si Topaz ng minutong iyon habang kinakausap si George at tila para bang may pinipirmahan itong mga dokumento nang mapansin ni George ay bigla itong napatingin sa Dalaga at sinabi sa kaniyang Master Pierre, ayun kasi ang tawag niya rito na mamaya nalang nila ito ituloy. Sinabi naman ni Topaz na sumabay na itong kumain sa kanilang hapunan dahil hindi naman nila kaya itong ubusin pero humindi si George, nasa tradition na raw kasi na hindi sila maaaring sumabay kumain sa kanilang mga Amo. 

Nalungkot namam si Heaven ng marinig iyon, sa ganitong panahon nangyayari pa pala ang ganoong bagay. 

"Kumain ka na." walang emosyong sabi ni Topaz kay Heaven habang ipinagpapatuloy nito ang kaniyang ginagawa sa harapan ng Laptop. 

"Okay," sagot naman ni Heaven saka na siya nagsimulang kumain ng mag-isa. Oo, para na rin siyang kumakain ng mag-isa dahil ang lalaking nasa harapan niya mukhang walang balak na kausapin siya. 

Padabog na sumandok ng kanin at ganoon din ng ulam si Heaven, pinapatunog pa niya ang mga kubyertos niya habang kumakain at tila nilalakasan pa niya ang tunog ng kaniyang pagnguya para mapansin lang siya ng binata pero wala. Tila parang hangin lang o anino lang ito sa kaniyang harapan. 

 Hanggang sa napansin ni Topaz na tila parang may gustong sabihin si Heaven sa kaniya. 

"May gusto ka bang sabihin?" saglit niyang binitawan ang laptop at sumubo muna nga pagkain. 

"Ah? Ako, may sasabihin? Ano naman ang sasabihin ko?" nagkunwari pa ito na hindi siya nagpapapansin. 

"Kasi ang ingay mong kumain. I assume na baka may gusto kang sabihin?" 

Naiinis na siya rito. Bakit parang siya lang itong apektado sa mga nangyari? Bakit parang lumalabas na gusto pa niya iyong nangyari sa kanila? 

"Wala huwag mo nalang akong pansinin. Gawin mo nalang ang ginagawa mo, baka importante iyan." sabi pa niya habang nakangiti sa harapan ng binata pero sa loob loob nito naiinis na talaga siya. 

"Sorry ah. Importante lang kasi talaga ito. May nagsabi kasi sa akin na isang kaibigan ano raw iyong plano ko after all of this, so ginagawa ko na." napakunot ng noo si Heaven sa narinig niya, alam kasi niya na siya ang pinaparinggan nito. 

"So, may plano ka na? At wala kang balak na sabihin sa akin?" inis na sabi ni Heaven rito. 

"Dapat ko bang sabihin sa iyo? Ano ba kita?" napaisip si Heaven sa sinabi nito, ano nga ba silang dalawa? 

"Ewan." sagot ni Heaven. Ewan. Isa sa napakagulong salitang naimbento sa mundo. Ang salitang ito ay pwedeng positive o hindi. Kagaya nalang ng tanong ng binata sa kaniya, ano nga ba siya nito? 

"Tsk. Kumain ka na." 

"Nawalan na ako ng gana." inis na sabi nito saka niya inirapan ito, napangisi naman si Topaz ng makita niya iyon. 

"Kung tungkol ito sa nangyari kanina, kalimutan mo na iyon. It's just a kiss." 

Nayabangan naman si Heaven sa narinig niya rito. 

"Anong sabi mo?" 

"Bakit ba gustong gusto mo na inuulit ang mga bagay?" pansin ni Topaz, hindi niya alam kung bingi ba ito o sadyang nang-aasar lang ito o baka naman nagpapapansin? 

"I know. Its just a kiss. Wala lang iyon. Hello, hindi naman ikaw ang first kiss ko, normal lang iyon. Wala iyon sa akin, don't worry. Okay lang ako, uhm mauna na ako ah? Busog na kasi ako." sabi ni Heaven saka na siya tumayo ng minutong iyon na kung saan ipinagtaka naman ni Topaz. 

Hindi talaga niya maintindihan ang mga babae. Sala sa init, sala sa lamig. At bakit kinakailangan niyang mag-explain kung wala naman talaga? 

Nang napalingon siya sa cellphone niya na nasa gilid niya, nang hawakan niya ito at binasa. Muli na naman kasing mayroong pumasok na assignment para sa taong nagngangalang Heaven Eulour Zabala. Muli siyang nag-alala sa kaibigan kaya dali-dali itong umalis sa kinauupan niya para puntahan si Heaven at sabihin ang balitang kaniyang natanggap. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon