The Killer App 6: The Killer Party Part One

694 37 1
                                    

The Killer App 6: Killer Party Part One

Kanina pa hinahanap ni Dorothy ang kaniyang bestfriend at birthday celebrant na si Heaven. Sabi ng Mommy nito baka raw nasa kwarto nito pero nang pumunta siya roon ay wala naman ito. At nang makasalubong niya sina Anastacia na kadarating lang ng minutong iyon ay natanong niya kung napansin ba nila si Heaven.

"Nandoon siya sa labas. I think she's waiting for someone. Someone special?" maarte pang sabi ni Anastacia.

Saka pinuntahan ni Dorothy ang kaibigan sa labas, at tama nga si Anastacia at natagpuan niya ito roon. Nakaupo sa hood ng kotse nila.

Tumabi si Dorothy sa kaibigan na nakatingin sa langit ng minutong iyon.

"Sa lahat ba naman ng may birthday ikaw ang pinakamalungkot." sabi pa niya rito.

"Girl, hindi ako malungkot. Masaya nga ako e, kasi nandito kayo." ngiting sabi pa ni Heaven sa kaniyang kaibigan, natouch naman si Dorothy sa kaniyang narinig pero parang ramdam niyang may kulang ito.

"Parang ang plastic. Baka naman, may iba kang inaantay." tinignan siya ng masama.

"Sino?"

"Uhm, katulad niya?" sabay turo sa isang kotse na huminto sa kanilang harapan at napatayo ng maayos si Heaven at nag-ayos ng sarili niya. Maya-maya ay lumabas na mula sa kotse nito si Topaz, pero ipinagtaka ni Dorothy ang lalaking kasama nito.

"Hans Bryle?" wika pa niya.

Napansin na ni Topaz si Heaven at Dorothy na nakatayo sa harapan ng isang kotse. Namangha siya sa gandang taglay ni Heaven ng minutong iyon. Simpleng puting dress lang ang suot nito at kulay asul na dollshoes.

Tapos, narinig niya si Hans na nagdadalawang isip na tumuloy, kanina pa niya sinasabi ito sa loob ng kotse. Hindi naman siya inimbitahan ni Heaven o ng mga kaibigan nito, kaya nahihiya siya pero isinama parin siya ni Topaz. Sinabi nito na, huwag siyang mag-alala kasi hindi naman niya ito, iiwan.

"Hey, Pretty Boy." bati pa ni Dorothy kay Topaz pero tinitigan lang siya nito at hindi kumibo at tumingin kaagad siya kay Heaven saka binati ito.

"Happy birthday, Heaven." sabi pa ni Topaz saka siya humalik sa pisngi nito at inabot ang regalo nito.

"Thanks," nahihiyang sabi ni Heaven.

"And you?" sabi ni Dorothy sabay turo nito kay Hans Bryle. Na biglang nataranta ng minutong iyon ay lumapit kay Heaven at binati ito sabay abot din ng regalo nito.

"Tara, pasok na tayo! Magsisimula na ang party." sabi ni Dorothy saka na siya naunang pumasok at sinundan naman siya ni Heaven at ganoon din ang dalawang binata.

Pumunta na kaagad si Dorothy sa maliit na stage at kinuha ang microphone at tinest muna ang tunog nito. Tapos, winelcome niya ang mga bisita ng kaniyang bestfriend. At saka niya inabot ang microphone sa birthday celebrant.

"Thanks bestfriend, uhm. Good evening to each and everyone. Salamat sa pagbigay ng inyong oras para makasama ako, mahal na mahal ko kayo, and enjoy the party!" welcome speech pa niya para sa mga bisita niya saka siya bumaba at nilapitan isa-isa ang kaniyang mga bisita.

Hindi kalayuan sa pwesto nila Dalton ay nandoon nakatayo sina Hans Bryle at Topaz na nagmamasid sa mga tao sa paligid.

"Are you okay?" tanong ni Topaz kay Hans.

"Uhm, yeah." nahihiyang sagot nito.

"Umiinom ka ba?" tanong ni Topaz rito at umiling siya.

"Okay, siguro naman juice pwede na sa iyo?" saka siya yumuko.

"Stay there, okay?" saka umalis si Topaz at pumunta sa may loob para kumuha ng pagkain, doon lumapit sina Miles at Dalton kay Hans Bryle habang si Anastacia at Princess ay sinundan naman si Topaz.

Pagkakuha ni Topaz ng isang basong orange juice at pizza ay akmang pabalik na siya kaso naharangan siya nina Anastacia at Princess ng minutong iyon.

"Hi, Pretty Boy." ngiting bati pa ni Anastacia sa kaklase.

"Good evening, Anastacia." sagot naman Topaz.

"You drink?" tanong ni Princess saka napatingin si Topaz sa kaniya.

"Yes i am," malamig na tugon nito.

"Uhm, ganoon ba? So, hindi mo naman siguro hihindian ang offer kong ito." tumalikod si Princess at naglagay ng alak sa isang baso, pero mayroong bagay siyang inilagay rito at napansin ito ni Heaven ng minutong iyon. Saka inabot ni Princess kay Topaz.

"For Heaven!" sabi pa ni Topaz bago niya nilagok ang isang maliit nabasong inabot sa kaniya ni Princess.

Saka ngumiti ang dalawa, habang napailing naman si Heaven sa kaniyang nakita.

Samantala, sina Dalton at Miles naman ay kinamusta ang mag-isang si Hans Bryle ng minutong iyon. Nanginig ang katawan ng binata habang palapit ng dalawa.

"Hey classmate," bati pa ni Miles sa kaniya.

"H-hi…" nauutal na sabi ni Hans Bryle.

Nang biglang may ibinulong si Dalton kay Hans Bryle na kinataas ng kaniyang balahibo tapos nagkatinginan ang dalawa habang nakangiti.

Pumunta sa banyo si Hans Bryle dahil sa bulong sa kaniya ni Dalton ay nagsusuka na raw ang kaibigan niyang si Topaz.

Pero, hindi alam ni Hans Bryle ay sinundan siya ng dalawa sa loob ng banyo at laking gulat ng binata na wala naman pala ang kaibigan niya roon.

"Sabi niyo nandito si…" saka siya biglang sinugod ni Dalton at sinikmurahan ito. Napangiwi ito sa sobrang sakit at napadausdos sa sahig ng minutong iyon.

Lumapit pa si Miles at pinagsisipa itong si Hans Bryle sa tiyan hanggang magmakaawa ang binata. Nagtatawanan naman ang dalawa at parang musika sa kanilang mga tenga ang pagmamakaawa ng kanilang kaklase.

Saka hinubad ni Miles ang kaniyang suot na pantalon at inilabas ang kaniyang ari at saka niya pinaulanan ng ihi itong si Hans Bryle. Habang pinagtatawanan ng dalawa.

Hinanap naman ni Topaz si Hans Bryle ng minutong makabalik siya sa pwesto nila, napansin niya sa kabilang table na nagtatawanan sina Princess at Anastacia, at hindi naman maaninag ng kaniyang mga mata sina Dalton at Miles, kinabahan kaagad si Topaz ngunit biglang tumugtog ang isang slow dance song, na I'll make love to you. At saktong nabangga niya si Heaven ng minutong iyon.

"I'm sorry," paghingi pa ng tawad ni Topaz ng minutong iyon.

"It's okay," sagot ni Heaven. Lumapit si Dorothy kay Heaven at Topaz at sinabi na bakit hindi sila magsayaw dalawa. Nagkatinginan silang dalawa gustuhin man umayaw ni Topaz ay wala na siyang naging choice dahil itong si Dorothy ay kinuha ang kaniyang kamay at ganoon din ang kay Heaven at saka niya ipinaghawak ang dalawa at pinuwesto sila sa gitna.

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon