The Killer App 17: The Night To Remember

456 31 0
                                    

The Killer App 17: The Night to Remember 

Nakahanda na ang lahat, isa-isa nang nagsisipasukan ang mga estudyante ng Hillstone Academy ng oras na iyon. Mayroon na lamang limang minuto bago magsimula ang Party. 

"Girl, you look gorgeous!" pagbibigay pugay pa ni Princess sa suot ni Anastacia ng gabing iyon. 

"Thanks, you look Fabulous too." sagot naman niya rito nang dumating bigla si Dorothy. 

"And you." sabi ni Anastacia kay Dorothy while pointing her out. 

"You look horrible! My God, Dorothy mukha kang namatayan!" sumagot naman kaagad si Princess ng minutong iyon. 

"Girl, mamaya pa mamatay okay? Huwag kang advance." sabi pa niya rito. 

Hindi na lamang sila pinansin ng dalaga at pilit na tinitext si Heaven at sinasabi na huwag na itong tumuloy pa. 

"Okay, the party is about to start…" sabi ng Emcee ng oras na iyon nang biglang iniluwa ng pintuan sina Topaz at Heaven na kung saan nakuha ng dalawa ang atensyon ng lahat. 

"Attention seeker talaga." inis pang sabi ni Anastacia ng minutong iyon. 

Saka siya lumapit sa mga kaibigan at binati ito. 

"Hi guys, ang ganda ng suot niyo. Kaso, parang hindi bagay sa inyo." sabi pa ni Heaven sa mga kaibigan niyang babae. 

"Oh really? Alam mo kung saan nababagay iyang suot mo? Sa kabaong! Doon iyan mas nababagay." sabi ni Anastacia sabay tawa pa nito ng malakas. 

"Heaven, let's go. Huwag mo nang patulan." sabi ni Topaz hanggang sa dumating na ang mga lalaking kaibigan nila. Sina Byrne, Dalton at Terrence. 

"Nakakatawa!" sabi ni Heaven sabay tatalikod na sana ng marinig pa niya ang sinabi ni Princess. 

"Rest in peace!" saka siya nagbabye dito. Tinitigan niya ito ng masama at nabaling naman ang tingin niya sa kaibigang si Dorothy na nasa likod nila, tahimik at parang malungkot. 

Hanggang sa nahawakan ni Terrence ang braso ni Heaven kaya napahinto ito sa paglalakad. 

"Bitawan mo ako, Terrence." sabi pa niya rito habang pinanlakihan niya ito ng mga mata. 

"I just what to say na ang ganda mo tonight." sabi pa ni Terrence saka niya binitawan ang braso ng dalaga, saka na siya hinila ni Topaz ng minutong iyon at pumuwesto na sa isang lamesa. 

Nang biglang namatay ang ilaw, at nataranta ang lahat, habang hindi naman binitawan ni Topaz si Heaven at hinawakan ito ng mahigpit. 

Maya-maya ay napansin niya ang isang til kulay pula na ilaw na nakatutok sa balikat ni Heaven. Kaya, inilabas ni Topaz ang baril at nagpaputok ito sa itaas at nagkagulo ang mga tao sa loob ng bulwagang iyon. Doon na nagkaroon ng pagkakataon na hilain ni Topaz si Heaven at dinala sa likod ng stage. 

"Omg! What happened!" nanginginig na sabi ni Heaven. Halatang natakot ito sa mga nangyari. 

"Sino iyong nagpaputok?" 

"Ako." 

"A-ah?" pagtataka pa ni Heaven ng minutong iyon. Bagamat hindi niya makita si Topaz ay ramdam naman nito ang mabilis na tibok ng puso ng binata. 

"May gustong pumatay sa iyo." napakunot ang noo ni Heaven. 

"Anong sabi mo?" 

"Hindi coincidence ang mga nangyayari, okay. May gustong pumatay sa iyo, Heaven." giit pa ng binata sa kaniya. 

"At ikaw iyon." siya pa tuloy itong napagbintangan. 

"Nagpapatawa ka ba?" 

"Mukhang ba akong nagpapatawa? Seryoso ako, Topaz. Kakasabi mo lang, may dala kang baril para ako, patayin ako?" napailing na lamang si Topaz at maya-maya ay muntikan na silang matamaan ni Heaven mabuti at naiyuko kaagad niya ang ulo ng dalaga kundi sabog na ang ulo nito. 

"What the fuck!" sigaw pa ni Heaven. 

"Ano? Naniniwala ka na?" 

"Fine. Pero, bakit ako?" pagtataka pa ni Heaven ng minutong iyon. 

"Hindi ko alam pero kailangan muna nating makaalis dito. Mukhang sniper ang killer mo at nasa malayo siya. Mukhang gumagamit din siya ng night vision." nanlaki ang mga mata ni Heaven sa mga naririnig niya mula kay Topaz. 

"Sure kang wala kang kinalaman dito?" 

"Hindi mo parin ako pinagkakatiwalaan?" 

"Hindi ko alam. Nalilito na ako, i should call my Mom." kaso biglang kinuha ni Topaz ang cellphone ng dalaga at hinagis ito palayo. 

"What the fuck! Bakit mo hinagis?" galit na sabi niya rito. 

"Para hindi ka niya o nila matrace, okay?" sagot ni Topaz at saka na sila umalis sa lugar na iyon. 

"Unbelievable!" tanging nasabi na lamang ni Heaven ng minutong iyon. 

Pumasok sila sa isang room at doon nila nakita sa isang bintana na nakasakay ang mga kaibigan ni Heaven sa loob ng isang Van palayo sa eskwelahan, at iniwan siya ng mga ito. 

Napaluha si Heaven ng minutong iyon at inabutan siya ni Topaz ng panyo. 

"Punasan mo na iyang luha mo, dahil kinakailangan nating makaalis dito." sabi pa ni Topaz at sumilip ito sa may bintana at nakita nito ang lugar na maaari nilang pagtaguan, ang gubat.

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon