The Killer App 26: Revenge

438 32 0
                                    

The Killer App 26: Revenge 

Magkakausap sina Dalton, Princess, Anastacia, Dorothy, Bryne at Terrence sa video call. Binalita kasi ni Terrence sa kanila na failed na naman iyong assignment at naiinis na si Terrence dito. 

"Oh, guys sabi ko sa inyo e, na siyam ang buhay niyang si Topaz e. Ayaw niyong maniwala." gusto pang gawin magaan ni Princess ang usapan pero wala sa mood noon si Terrence. Napansin naman kaagad ni Dalton na makalat ang kwarto ng kaibigan. Halatang nagwala na ito kanina pa bago pa siya tumawag sa kanila. 

"Kung ang mga killers nga na iyon hindi sila mapatay, ano pang silbi ng app na iyan?" sabi naman ni Bryne. 

"Just keep on trying, like i said. Unlimited naman iyan, I'm sure sa dami ng mga killers sa App na iyan, marami pa tayong chances na mapatay ang gagong iyon." Positibong sabi pa ni Anastacia hanggang sa napansin nila na tahimik lang ay hindi kumikibo si Dorothy. 

"Girl, kasama ka ba namin?" tanong ni Princess. 

"Guys, itigil na natin ito." napakunot naman ng noo si Dalton sa narinig niya mula sa kaibigan. 

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Dalton sa kaniya. 

"Baka sign na ito na tumigil na tayo." sagot niya ulit sa kaniyang mga kaibigan. 

"Dorothy, walang titigil okay? Matatapos din ito at babalik tayo sa normal." sagot ni Terrence. 

"P-paano kung balikan nila tayo?" nag-aalalang sabi ni Dorothy sabay tingin sa gilid nito at napansin naman ni Dalton iyon pero hindi pa sinabi. Napansin rin kasi niya na nanginginig ang katawan nito at tila para bang natatakot at panay nga ang tingin nito sa kaniyang gilid. 

Nang tumunog ang Doorbell ng unit ni Princess at sinabi niya sa mga kaibigan niya na baka raw iyon na iyong inorder niyang pizza, kaya tumayo muna siya at lumabas sa kwarto niya saka siya pumunta sa pintuan. Sumilip siya sa may butas at napansin niya ang isang lalaking may dalang bag at nakayuko ito ng minutong iyon saka niya ito pinagbuksan. 

"Okay, kuya you can put it there nalang sa mesa." utos pa ni Princess habang hinahanap niya ang wallet niya na naiwan niya sa couch kanina at nang nakita na niya ito, dumukot siya ng isang libo at sinabi na… "Oh Kuya, keep the…" tapos nahulog sa sahig ang wallet at ang isang libo. 

Bumilis ang tibok ng puso ni Princess, bigla siyang nanlamig at pinagpawisan at nangangatog ang tuhod sa sobrang takot. Paano na naman, nakatutok sa kaniya ang isang silencer. 

"T-Topaz…" nauutal na sabi niya ng minutong iyon habang binabanggit ang pangalan ng kaniyang kaklase. 

"Kilala mo pa pala ako?" ngiting sabi ni Topaz ng minutong iyon. 

"P-paano…" tila nagtaka siya kung paano nalaman ng binata na nandito siya ngayon at isa pa sa ipinagtataka niya, wala sa mga kaibigan niya ang may alam sa condo unit niyang ito. 

"I have my ways, Princess." ngitinv sagot nito sa kaniya. 

"Uhm," huminga siya ng malalim, pilit niyang kinalma ang sarili niya ng minutong iyon. 

"Okay fine. Anong kailangan mo?" nagawa niyang maibalik ang composure niya at matitigan ng maayos sa mata nito si Topaz.

"Hmmm, maniningil lang." simpleng sagot ni Topaz sa kaniya. 

"Sa pagkakaalam ko, wala akong utang sa iyo." sagot niya rito sabay taas ng kilay.

"Talaga? Iba kasi iyong sa pagkakaalam ko." 

"Problema mo na iyon, okay. Pwede ka nang umalis!" pagtataboy pa ni Princess sa kaniya saka siya tumalikod kaagad naman siyang sinugod ni Topaz at tinutok sa mukha ng dalaga ang baril na hawak niya. 

"Ibang klase ako magalit, Princess kaya kung ako sa iyo, makikipagcooperate ako." nanlilisik na mga matang sabi ni Topaz sa dalaga. Nang minutong iyon, halos mapaihi na sa salawal niya si Princess dahil sa sobrang takot. 

"A-ano bang gusto mo?" 

"Bumalik ka sa kwarto mo at harapin mo ang mga kaibigan mo na parang walang nangyari." sabi ni Topaz, pero alam ni Princess na may hidden agenda ang gustong mangyari ni Topaz sa kaniya. 

"Yun lang?" saka tumango lang si Topaz sa kaniya. Dahan-dahan namang pumasok si Princess at nasa likod naman niya si Topaz saka ito umupo sa upuan niya sa harap ng study table niya. Gusto kasi ni Princess ang madilim kaya nakapatay ang ilaw ng oras na iyon at tanging ilaw lang ng Laptop ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto. 

"Oh, sa lahat ng nagpadeliver ng Pizza ikaw nag hindi masaya." napansin ni Bryne ang pagkabalisa ng mukha ni Princess ng minutong iyon. 

"Sorry, uhm… "

"Okay ka lang, girl?" tanong naman ni Anastacia. Saka tumingin siya sa gilid nito at tila napansin ni Anastacia na may tinitignan si Princess sa gilid nito at nabatid niya sa itsura ng mukha nito ang pangamba. 

Nang biglang natumba ang ulo ni Princess sa harapan ng camera at nagulat ang mga nakapanood sa kaniya lalo na si Dorothy na napasigaw pa ng minutong iyon at napaiyak at nagleft sa video call. 

"Problema ng isang iyon?" inis pang sabi ni Bryne habang kinakalikot nito ang tenga niya na nairita sa pag sigaw ni Dorothy. 

"Uy, Princess! Okay ka lang?" tanong ni Dalton. 

Hanggang sa maya-maya ay tumulo ang dugo sa ulo ng kaibigan. At doon napasigaw si Anastacia at nasuka naman si Bryne habang nanlaki ang mga mata nina Dalton at Terrence. 

Biglang napansin ni Terrence na nagtatype ng message si Princess. 

Hanggang sa nabasa nilang lahat ang mensahe nito. 

"Who is next?" saka na nagleft si Bryne, Anastacia, Dalton at naiwan si Terrence na nakatingin parin sa harapan ng camera habang pinagmamasdan siya ng Killer ni Princess na walang iba kundi si Topaz. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon