The Killer App 16: Warning

469 31 0
                                    

The Killer App 16: Warning

"Girl, kanina ka pa wala sa sarili. Akala ko ba tutulungan mo akong magpaganda, bakit ang pangit nito?" 

Kanina pa napapansin ni Heaven na wala sa sarili ang kaibigang si Dorothy. May school party kasi sila mamayang gabi, ayaw nga sanang sumama ni Heaven dahil mayroon din silang party na aatendan sana ng kaniyang Mommy pero pinilit siya ni Dorothy na pumunta doon. At dahil pinilit siya nitong pumunta doon, humingi siya ng tulong rito na pumili ng susuotin at ayusan na rin siya. Pero, kanina pa napapansin ni Heaven na tila parang ang lalim ng iniisip nito. 

Hindi kumibo si Dorothy at nakatingin lang ito sa malayo, hinawakan ng dalaga ang kamay niya at mamaya-maya ay nagsalita na rin ito. 

"Huwag ka nalang kayang pumunta sa party?" na ipinagtaka naman ni Heaven ng minutong iyon. 

"Are you sure, you're okay?" 

Hinawakan ni Dorothy ang kamay ni Heaven at tumingin ito sa mga mata ng kaibigan. Gustong-gusto na niyang sabihin ang balak ng mga kaibigan niya sa kaniyang buhay, pero natatakot rin siya para sa kaniyang sariling buhay. 

"Listen to me. Kahit na anong mangyari, mahal na mahal kita okay." sabi ni Dorothy saka siya niyakap ng mahigpit nito at bigla nalang umalis sa loob nh kwarto niya. Habang siya ay naiwan doon na tulala at nagtataka sa mga nangyari. 

"Weird." sabi niya saka niya kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Topaz. Sinagot naman kaagad ng binata ang tawag niya. 

"Good afternoon, uhm. Alam ko na late na, pero pwede ba kitang yayain sa school party?" 

"Wala ka bang ibang matawagan, marami kang mga kaibigang lalaki ah?" bigla niyang naisip si Terrence, pero hindi parin mawala sa isip nito ang inis niya sa binata. 

"Please, ikaw ang gusto kong makapartner. Feeling ko kapag kasama kita, ligtas ako." 

"Pinagsasabi mo?" 

Bigla tuloy siyang nataranta. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. 

"I mean, i feel protected when I'm with you." nagpakatotoo nalang siya. 

"Gusto mo lang ng bodyguard. Mahal ang oras ko." 

"Kahit magkano ka pa. Please, sige na. Last na ito, promise after this hindi na kita kukulitin pa." 

"Sabi mo iyan ah. Okay, I'll pick you before 8pm." sabi pa ni Topaz saka na niya binaba ang tawag ni Heaven ng oras na iyon at naghanap na rin siya ng susuotin niya para sa Party. 

Habang iba naman ang pakiramdam ni Heaven ng minutong iyon. Para siyang nakalutang sa langit. Hindi niya maintindihan pero kapag kasama o kausap niya si Topaz pakiramdam niya ay ligtas siya. Para siyang hulog ng langit. 

Kaya muli siyang umupo sa harapan ng salamin at inayos ang make-up na ginawa ng nagwalk-out niyang kaibigang si Dorothy. 

7:45pm halos patapos na si Heaven sa kaniyang pag-aayos, nakakain na rin siya ng kaunti kasi hindi siya nakahindi sa adobong baboy na luto ng Mommy niya pagkatapos noon ay nagtoothbrush nalang ulit siya. 

"Mukhang si Topaz na iyon." sabi ng kaniyang Mommy. Saka na siya bumaba mula sa hagdanan at pinagbuksan naman ng kaniyang Mommy si Topaz. 

"Good evening, Tita. Susunduin ko lang po sana si Heaven." 

"Pababa na rin siya, pumasok ka muna." 

"Sige po." saka siya sumunod sa Mommy ni Heaven at pumasok sa loob ng bahay sakto pagpasok niya ay siyang pagbaba ni Heaven ng minutong iyon. 

Wearing a Long Satin white dress pair with swarovski necklace, and black pearl earrings, Michael Kors na sling bag na kulay itim at Gucci na black stilettos. Habang nakalugay ang straight na straight na buhok niya. Tamang-tama sa theme ng party Black and White. 

She's so stunning and sexy sa kaniyang suot at itsura. At hindi ito maipagkakaila ni Topaz. Namangha siya sa sobrang ganda ni Heaven ng gabing iyon. 

"Mananalo na po siya ng Star of the night." pabirong sabi pa ni Topaz sa Mommy ni Heaven saka niya nilapitan ang dalaga para alalayan sa pagbaba. 

"Thank you at ang gwapo mo rin." 

"Walang ano man. Shall we?" 

"Uhm, Topaz please ibalik mong buhay ang anak ko, okay?" ngumiti ang binata at saka ito sumagot. 

"Yes, Maam. Promise, ibabalik ko po ng buhay si Heaven." sabay tingin niya sa napakagandang dalaga. 

"Mauna na po kami, Ma." 

"Enjoy, the party. I love you, anak!" hindi maintindihan ni Heaven kung bakit tila parang ang sweet ng kaniyang Mommy ng gabing iyon. 

"I love you too, Mom!" saka na sila sumakay sa loob ng kotse ni Topaz. 

… 

8:3pm ang simula ng party at hindi pa naman sila late kaya nirequest ni Heaven na dumaan muna sila sa sementeryo na ipinagtaka ni Topaz ng minutong iyon. 

"Sa ganitong oras?" 

"Takot ka?" 

"Uy, bata lang ang takot sa sementeryo at isa pa wala akong kinatatakutan." giit pa ni Topaz sa dalaga. 

"Well, sabi mo e." saka sila huminto sa Sementeryo. At naglakad ng kaunti nang marating nila ang isang museleyo. Doon napansin ni Topaz na kaapelyedo ni Heaven ang puntod na pupuntahan nila saka pumasok sa isip nito na marahil ay Daddy niya ito. 

"Daddy sorry kung bigla akong dumalaw, gusto ko lang po kasi na ipakita sa inyo iyong suot ko po. Sabi po ni Topaz ang ganda-ganda ko po." 

"Baka po iniisip niyo na boyfriend ko po si Topaz, hindi po a. Kaibigan ko lang po siya. Gwapo nga po siya e, kaso lapitin ng away. Kawawa po ang magiging girlfriend niya, sasakit lang po ang ulo." 

"Daddy, miss na miss na po kita. Pati rin po si Mommy, kanina ang weird niya. Para bang nagpapaalam siya, hindi ko siya maintindihan."

"Sige po, baka masira pa ang make-up ko po. Aalis na po kami. Dadalaw nalang po ulit ako. I love you po." saka siya nagflying kiss pa na para bang nasa harapan niya lang o nasa tabi ang kaniyang Daddy. 

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Topaz si Heaven. May pagkakapareho din pala sila, mabuti pa nga siya buhay pa ang Mommy niya, samantala si Topaz, kahit ang kinikilala niyang Amain, ni hindi man lang niya nasilayan kahit kailan. 

"Sorry, tara na?" tumango lang si Topaz sa kaniya. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon