The Killer App 15: The Plan

454 32 0
                                    

The Killer App 15: The Plan

Isang linggo pagkatapos ng pangyayaring pagkidnapped kay Terrence ay muling bumalik ang binata sa Academy. Nang makita siya ni Heaven ay nag-excuse siya sa kausap niya ng minutong iyon at saglit itong iniwan saka lumapit sa dati niyang mga kaibigan. 

Kasama ni Terrence ang mga kaibigan niya ng oras na iyon at sinabi nito na mauna nalang sila at naiwan siyang mag-isa sa harapan ni Heaven. 

"Wala ka na ba talagang pakialam sa akin?" malamig ang tono ng boses ni Terrence ng minutong iyon. 

"Sana hindi ito isang palabas lang, Terrence." biglang sabi ni Heaven sa kaniyang na ipinagtaka ng binata, wala silang pinagsasabihan sa kanilang mga plano maliban kay Dorothy pero, hindi naman ito magsasalita against sa kanila. 

"A-anong sinasabi mo?" pagtataka nito sa sinabi ng kaniyang kaibigan. 

"Nakakapagtaka kasi, sa lahat ng mga kinidnap ikaw itong nakukuha pang makangiti ngayon. I just want ro remind you na maraming nakapanood ng mga interviews mo. Pero, it does not mean na naniniwala silang lahat sa iyo, galing-galingan mo naman ang arte mo." akmang tatalikod na sana si Heaven ng bigla siyang hinawakan ni Terrence sa braso at napahinto ito. 

"Hindi ako umaarte, okay. Kung nakangiti man ako ngayon hindi ibig sabihin hindi ako nasasaktan. Hindi ako natatakot. Nagtetheraphy ako, Heaven at isa sa sinabi ng Doctor ay kinakailangan kong ibalik ang normal na buhay ko." paliwanag pa ni Terrence kay Heaven. Pero, nahihirapan paring maniwala ang dalaga sa kaniyang mga sinasabi. 

"Kasama na rin ba doon ang pagkitil sa buhay ng mga walang laban?" 

"Ano bang sinasabi mo?" 

"Alam mo ang sinasabi ko, Terrence." saka pilit na tinanggal ni Heaven ang kamay ni Terrence sa kaniyang braso. Sakto naman at tumunog na ang bell at iniwan na niya ito ng minutong iyon. Napailing na lamang na pumasok si Terrence sa loob ng classroom nila, pero hindi niya inaasahan na makakasabay ni si Topaz na masama ang titig sa kaniya. Gustuhin man niyang sugurin ito ay hindi niya magawa. Isang pagkakamali nalang at maaari na siyang mapatalsik sa Academy. 

… 

"So, what's the plan?" tanong ni Anastacia sa mga kasama. Nasa Casa Cafe sila at doon nila naisip na magplano sa susunod nilang gagawin. Napansin nila ang pagiging tahimik ni Terrence ng minutong iyon. 

"Are you, okay?" tanong ni Dalton sa kaibigan. 

"Sorry, may iniisip lang." sagot niya rito. 

"Uhm, si Penelope ba?" umiling ito. 

"Si Heaven?" sabi naman ni Princess. 

"Naisip ko lang, if si Heaven kaya ang ipapatay natin? Gamit ang 10 million?" nanlaki ang mga mata ni Dorothy sa narinig. 

"S-seryoso ka?" nanlalaking mga matang tanong ni Dorothy kay Terrence. 

"If, importante si Heaven kay Topaz gagawa at gagawa ito ng paraan para iligtas ito, o hindi ba? Para na tayong nakahuli ng dalawang ibon sa isang itsa ng bato? Gets niyo?" sabi pa ni Terrence sa mga kaibigan. Natahimik sila saglit. 

"Uhm, Terrence nagbibiro ka lang right?" nakangiting tanong ni Dorothy. 

"No. Itong mukhang ito, mukha ba akong nagbibiro?" seryosong sagot niya rito. 

"Uhm, alam ko may mga bagay na hindi niyo pinagkakaunawaang dalawa. Pero, ang patayin siya, bakit? Hindi ko gets!" dagdag pa ni Dorothy. 

"Sakit lang siya sa ulo, and besides baka maging problema pa natin siya. Remember, marami siyang alam? Baka mabuko pa tayo sa mga nagawa natin. Gusto mo bang humimas sa loob ng rehas?" tanong ni Terrence kay Dorothy at mabilis na umiling ito. 

"Ayun naman pala e. Are you with us." nanginginig na si Dorothy ng minutong iyon. 

"Dorothy, I'm asking you. Are you one of us?" 

"Yes!"

"Mapagkakatiwalaan ka ba namin?" naiiyak na si Dorothy at nagulat ng biglang hinampas ni Terrence ang lamesa sa kaniyang harapan. 

"Oo! Oo, Terrence." sagot nito, habang umiiyak. 

"Good." ngiting sagot pa ni Terrence ng minutong iyon. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon