The Killer App 30: Bestfriend

483 33 0
                                    

The Killer App 30: Bestfriends 

Nagtatalo nanaman sina Anastacia at Bryne kung saan sila kakain ng dinner.

Kanina pa silang dalawa nagtatalo pagkatapos nilang manood ng pelikula sa movie house. Gusto kasi ni Bryne sa Casa Cafe pero ayaw naman ni Anastacia kasi nagsasawa na raw siya, hanggang may isang promodiser ang lumapit sa kanila at napansin at narinig niya na tila nagtatalo ang dalawa sa kung saan sila kakain ng dinner. Nilapitan niya ito at inabutan sila ng pamphlets tapos bigla nalang umalis iyong babae. Napailing nalang na tinignan ni Bryne ang nilalaman ng ibinigay ng babaeng promodiser at natakam siya sa mga pagkaing nakalagay doon. 

"Mukhang masarap." nanlalaking mga mata ni Bryne ng minutong iyon, habang si Anastacia ay naiirita naman sa naging reaksyon niya. 

"Seriously? Alin ang masarap, iyong babae o iyang pagkain?" napailing nalang si Bryne at nauna nang naglakad palabas papuntang parking lot. Naiinis namang sinundan ni Anastacia ang kasintahan kasama ang dalawang bodyguard niya. 

Nang nasa loob na sila ng kotse ay muli silang nagtalo. 

"Hindi mo ako dapat iniwan ng ganoon!" galit na sabi ni Anastacia sa kaniya. 

"You know what, uuwi na ako. Kung gusto mo, mag-isa ka nalang kumain, tutal sanay ka namang mag-isa." inis na sabi ni Bryne pero maya napansin niyang tila na tahimik si Anastacia, mukhang nasaktan niya ata ang feelings nito. 

"Oh babe! Look, I'm sorry. I didn't mean what i said, okay? I'm just pissed, you know. I'm sorry." pilit pang inaamo nito ang umiiyak niyang kasintahan ng minutong iyon. 

Tama naman kasi si Bryne sa sinabi nito. Mayaman nga siya pero hindi naman niya makuha ang atensyon na gusto niya sa mga magulang niya dahil pare-pareho na silang may sariling mundo. 10 years old palang si Anastacia noong naghiwalay ang mga magulang niya. It was her mom's decision. Nahuli kasi nito na nangbabae ang kaniyang Asawa kaya nang araw na rin na iyon, iniwan na nila ito. Hanggang sa nagfile na nang annulment ang Mommy niya, at nangyari na nga ang kinakatakutan ni Anastacia, tuluyan nang nagkahiwalay ang mga magulang niya. 

Tapos habang lumalaki, halos hindi naman siya mabigyan ng kaniyang Mommy ng oras. Ganoon din ng kaniyang Daddy dahil nga may bago na itong pamilya, habang ang kaniyang Mommy naman ay alipin ng trabaho. Si Heaven lang talaga ang mayroon siya. 

Mula elementary, magkaibigan na sila ni Heaven. Seatmate silang dalawa at hindi mapaghiwalay. Kung nasaan si Heaven nandoon rin dapat si Anastacia. At si Heaven pa mismo ang nagpakilala kay Bryne na noong mga panahon na iyon ay may ibang nararamdaman na para kay Heaven. Oo, mas unang nagustuhan ni Bryne si Heaven kaysa kay Anastacia. Well, hindi lang talaga siguro type ni Heaven si Bryne kasi nakatutok ang mga mata nito palagi kay Terrence, na kaibigan lang din naman ang turing sa kaniya. 

Isang gabi sa bahay nila Anastacia. Habang nagrereview sila sa kwarto nito ay may biglang tumawag kay Heaven, saka ito lumabas sinundan naman ito ni Anastacia tapos doon niya nakita si Bryne, may dalang bulaklak mukhang aamin na ata ng nararamdaman niya para kay Heaven pero laking gulat na ibinalik ni Heaven ang bulaklak kay Bryne at kitang-kita ni Anastacia ang malungkot na mukha ng lalaking gusto niya. 

Kinabukasan, kinausap niya si Bryne inamin ni Anastacia na nakita niya ito kagabi. Nahihiya man pero inamin na ni Bryne sa dalaga na binasted siya ng kaibigan nito. 

Hanggang sa nagsalita si Anastacia na ipinagtaka ng binata. 

"Bakit ka kasi tingin ng tingin sa iba, e nasa tabi mo naman na iyong hinahanap mo." ngiting sabi pa nito kay Bryne hanggang sa bigla niyang hinalikan sa labi anh binata at doon na nagsimula ang lahat. 

Bagamat nasa iisang circle lang sila ng mga magkakaibigan ay bigla nalang iniwasan ni Anastacia ang bestfriend niyang si Heaven. Naintindihan naman ito ng dalaga marahil ito ang kagustuhan ni Bryne, pero sa totoo lang si Anastacia ang may plano noon. Simula noon, palagi nalang binabara at turing na nito kay Heaven ay kaaway. Kung ano-ano na ring mga bagay o salita ang sinasabi niya rito pero hindi naman siya nito pinapatulan. 

Nang gabing iyon napagdesisyunan nila doon nalang sa Helena's Diner sila kakain. Ang restaurant na ibinigay ng babae kanina doon sa labas ng Movie House. 

At maya-maya ay nakarating na nga sila roon. Napansin kaagad ni Anastacia na maganda ang exterior ng Restaurant, inaasahan nito na ganoon rin raw sana sa loob at namangha siya at napangiti ng makita nito ang loob ng Restaurant. Pinaghalo ang old at modern ng design sa loob nito, at ang mga staff nila ay sobrang welcoming at nakangiti pa silang lahat. 

"Sir. Name sir?" tanong ng isang staff na biglang lumapit sa kanila. 

"Oh, I'm sorry wala kaming reservation. Pero, ibinigay lang kasi ito ng isang babae sa Movie House sa amin." saka inabot nito ang leaflet sa lalaking staff. 

"Ah, okay po. Uhm, good for two?" tanong nito kay Bryne. Tumango naman si Bryne bilang tugon rito saka sila dinala sa isang kwarto, na kung saan doon sila kakaing dalawa. Sobrang natutuwa si Anastacia ng minutong iyon, hindi niya akalain na hindi niya alam ang restaurant na ito. Halos lahat kasi ng restaurant sa lugar nila ay napuntahan na niya, maliban sa isang ito. Pakiwari niya ay bago lamang ito. Tapos, mayroong dalawang babae ang pumasok sa loob ng kwarto, ang isa ay ang order taker at ang isa naman ay ang naglagay ng complimentary drink na champagne sa kanilang wine glass. Nang matapos ng makapili sila Bryne at Anastacia ay nagtoast silang dalawa. 

Noong una, akala ni Bryne simpleng dinner lang ito pero nang mapansin niya na tila parang tuwang-tuwa ang kasintahan, pakiramdam niya ay para na rin silang nagdate. 

Pagkatapos nilang kumain ay nagkwentuhan pa muna sila. At nagpagusapan nila ang nangyayari sa kanila ngayon. 

"I hope na matapos na ito." nagwoworry na sabi ni Anastacia. Ang kaninang masayang mukha ng dalaga ay napalitan na naman ng pangamba. 

"Babe. Matatapos din ito, okay. We just have to believe to Terrence." tugon naman ni Bryne sa kaniya. 

"Ayun na nga ang problema, palagi nalang si Terrence. E, hindi nga niya mapatay si Topaz e. Tapos pagkakatiwalaan pa natin siya." inis na sabi ni Anastacia kay Bryne. 

"Babe, ginagawa naman ni Terrence ang lahat. I'm sure, may plano siya." 

"Look, Bryne. Isa-isa na tayong nalalagas okay? Hindi ka ba natatakot sa buhay mo?" 

"Well, natatakot pero kasi kung panahon muna, panahon muna. Walang makakapigil sa iyo kapag oras mo na talaga." paliwanag pa nito sa kaniyang kasintahan na hindi naman maintindihan ni Anastacia. 

"Weird mo, umuwi na nga tayo!" saka pinatunog ni Bryne ang bell at maya-maya ay pumasok ang isang staff at nang akmang ilalabas na sana ni Bryne ang kaniyang card ay sinabi ng staff na bayad na raw ang kanilang inorder na siyang ipinagtaka naman ng dalawa. 

"What did you say?" pinaulit pa ni Anastacia ang sinabi ng staff sa kanilang dalawa. 

"May nagbayad na po ng bill niyo po." sagot ulit nito sa dalawa. 

"Sino?" pagtataka ni Anastacia sabay kunot ng noo nito. 

 "Siya po oh," sabay turo nito sa labas ng bintana. May isang tao na nakatayo hindi kalayuan sa kanilang kinalalagyan. 

"Bestfriend niyo raw po." dagdag pa ng staff ng biglang bumulagta si Bryne at nang tignan niya ito ay bumulwak ang dugo sa ulo nito. Saka muli siyang humarap sa may glass window ang kaninang taong nasa malayo ay halos nasa harapan na niya, tapos dahan-dahan nitong tinanggal ang suot nitong hood at doon nanlaki ang mga mata ni Anastacia at bigla nalang din siyang bumulagta katabi ng pinakamamahal niyang lalaki. 

"Goodbye, bestfriend." ngiting sabi pa ni Heaven bago ito umalis sa lugar na iyon. Pagpasok niya sa loob ng kotse ay kinamusta siya ni Topaz. 

"Are you…"

"Madali naman pala itong trabaho mo." seryosong sabi pa ni Heaven ng minutong iyon. Napatingin siya sa mga mata ni Heaven at naalala tuloy niya ang kaniyang sarili noong bago palang siya sa Killer's Inc. Ganitong-ganito rin ang mga tinginan niya at salitang nasabi niya pagkatapos niyang makapatay ang kaniyang unang biktima, ang isang buntis. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon