The Killer App 25: When I Jump, You Jumped!

451 32 0
                                    

The Killer App 25: When i Jumped, you Jump! 

Ilang kilometro nalang ay makakarating na sila sa dulo. Pagod at masakit na ang katawan ni Heaven at ganoon din si Topaz pero hindi niya ito ipinapakita sa dalaga. 

Nang malapit na sila sa dulo ay biglang nadapa si Heaven, lumapit kaagad si Topaz at inalalayan siya. 

"Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni Heaven sa binata. 

"Kaya pa. Kaya, kayanin mo rin okay?" tumango habang nakangiting tumugon si Heaven hanggang sa marating nila ang dulo kaso paglabas nila ay nakatutok na sa ulo ni Topaz ang isang baril. Hawak-hawak pa niya si Heaven ng minutong iyon saka dahan-dahan niya itong binitawan at nakipagbuno siya sa killer at nakipagagawan ng baril rito, saka niya sinabi kay Heaven na tumakbo ito nh mabilis. Diretsuhin lang nito ang daan at makikita nito ang isang talon at kinakailangan niyang tumalon roon. 

Habang nakikipagagawan siya ng baril ay nakatayo parin si Heaven, muntikan na siyang matamaan ng bala ng paputukan siya ng Killer na kinataranta niya ng minutong iyon. 

"Tumakbo ka na!" malakas na sigaw ni Topaz sa dalaga saka ito dali-dali na tumakbo habang umiiyak. 

Samantala sinapak naman si Topaz ng killer sa mukha tapos sinundan pa ito sa kaniyang sikmura at ganoon din sa tagiliran. Napangiwi si Topaz sa sobrang sakit sa natamo niya mula sa Killer saka sinaksak siya sa hita doon siya napasigaw at malakas na sinipa ang killer, bumulagta ito at saka siya pumunit ng damit na kaniyang suot at itinali sa kaniyang hita at muling sinugod ang Killer, muli siyang nakipagbuno dito. Gumanti siya ng suntok sa mukha nito pero nakaiwas ito. Kinuha niya ang kutsilyo sa kaniyang tagiliran at sinaksak nito ang braso ng Killer at itinutok ito sa leeg ng Killer saka niya mabilis na tinanggal ang maskarang suot nito. 

Nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nakita saka siya sinipa nito at tumilapon siya ng di kalayuan, saka muling tumayo at kinausap ang taong humahabol sa kanila. 

"Hans?" 

"Oo, ako nga!" 

"B-bakit?" pagtataka pa ni Topaz. 

"Kailangan ko ng pera, Topaz. Para sa Mommy ko may sakit siyang brain cancer okay. Kaya please ibigay mo na sa akin si Heaven." giit pa nito habang nagiikutan silang dalawa. 

"Kung pera lang ang kailangan mo, bibigyan kita. Marami akong pera, Hans." giit pa ni Topaz. 

"Alam mong hindi maaari gusto mo, imposible Topaz. Alam mo iyan." 

"Magagawan natin ng paraan, Hans. May kakilala akong Surgeon, pwede kitang iindorso doon." 

"Mahahanap parin nila tayo, alam mo naman ang patakaran nila hindi ba?" naluluha nang sabi ni Hans ng minutong iyon. 

"Makakayanan natin, okay. Basta kailangan ko lang ang tulong mo." 

"A-anong gagawin ko?" 

"Ibaba mo ang baril mo, tapos mag-usap tayo ng mabuti." saka naman sinunod ni Hans ang sinabi ni Topaz. Saka sinipa ni Topaz ng malayo ang baril nito, nanlaki naman ang mga mata ni Hans sa ginawa nito. 

"B-bakit?" tanong ni Hans saka siya tinutukan ng baril. 

"Naniniwala ka ba sa akin?" tanong ni Topaz sa kaklase. 

"Topaz, huwag!" sigaw ng malakas ni Hans. 


Saka napahinto si Heaven ng marinig ang malakas na putok ng baril ng minutong iyon. Napaluhod At muli na naman siyang napahagulgol. Kaunti nalang at malapit na siya sa talon at maya-maya ay may narinig siyang tila tumatakbo, kaagad na pumasok sa isip niya na baka iyong Killer na iyon at muli siyang tumayo at tumakbo at pagkalipas ng ilang minuto ay narating na rin niya ang Talon. 

Patuloy parin siya sa pag-iyak at iniisip ang kaibigang si Topaz. Naaawa siya nangyari dito. Paano na siya ngayon, paano niya ililigtas ang sarili niya. 

Hanggang sa may narinig siyang isang pamilyar na boses. 

"Hindi ba sinabi ko na tumalon ka!" nanlaki ang mga mata niya sa gulat at dahan-dahan itong humarap nang muli niyang makita ang mukha nito at masigurong hindi siya nananaginip ay tumakbo ito sa bisig ng binata at niyakap ito ng mahigpit. 

"Namiss mo naman kaagad ako." sabi pa ni Topaz. 

"Pinag-alala mo ako. Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo," wala paring humapay sa pag-iyak si Heaven ng minutong iyon kahit na pinapatahan na siya ni Topaz. 

"Oh, tara na." 

"Seryoso ka, tatalon talaga tayo diyan?" tumango lang si Topaz.

"Baka naman may ibang daan pa." tumingin pa siya sa paligid nagbabakasakaling may makita siyang ibang daan. 

"Wala! Wala ng ibang daan." sagot ni Topaz. 

"Bumalik nalang tayo sa safehouse." sabi pa ni Heaven. 

"Heaven! Naniniwala ka ba sa akin." hawak ng dalawang kamay niya ang braso ng dalaga at nakatitig ito nang husto sa mga mata nito. 

"Oo, pero…" 

"Kung talagang nagtitiwala ka sa akin, kapag tumalon ako tatalon ka." umiling iling pa ni Heaven tila hindi niya talaga gusto ang ideya nito. Bukod kasi sa takot siya sa matataas na mga lugar, nangangamba rin siya na baka hindi maging maayos ang kalalabasan ng lahat hanggang sa hinawakan ni Topaz ang nanlalamig na kamay ng dalaga. 

"When i Jumped, you Jump!" saka tumakbo si Topaz at saka ito tumalon. Sinubukan pang pigilan ni Heaven ang binata pero huli na nakatalon na ito hanggang sa nagsign of cross siya at saglit na nagdasal sabay sabing "Lord, kayo na pong bahala sa buhay ko po." saka sumunod na rin siya kay Topaz. 

Lumubog si Heaven sa malalim na tubig at maya-maya ay nagawa niyang maiangat ang ulo at makahinga, di kalayuan sa kaniya ay nag-aantay si Topaz. Lumangoy ito palapit sa binata. 

"Sabi ko sa iyo pagkatiwalaan mo lang…" hindi na naituloy ni Topaz ang sasabihin nito dahil bigla nalang siyang hinalikan ni Heaven. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon