The Killer App 24: Assignment

429 30 0
                                    

The Killer App 24: Assignment

Nang makarating si Heaven sa kaniyang kwarto ay sinundan naman siya ni Aling Emelda, tinanong siya nito kung mayroon pa ba itong kailangan.

"Wala na po. Salamat po." magalang na sagot ng dalaga sa matanda.

"O siya, mauna na ako. Magpahinga ka na." isasarado na sana ni Aling Emelda ang pintuan ng muling magsalita si Heaven.

"May naging girlfriend na ba si Topaz?" hindi niya alam bakit naitanong niya ito sa matanda pero wala, lumabas na ito sa kaniyang bibig.

"Hindi ko alam. Masyado kasing malihim iyang si Master Pierre." sagot ng matanda sa kaniya.

"Ah, ganoon po ba?"

"Bakit mo naman naitanong hija?"

"Po? A-ah, wala po. Curious lang po ako." ngiting sagot nito sa matanda.

"Alam mo bang ikaw palang ang unang babaeng nadala niya dito?" nanlaki ang mga mata ni Heaven ng minutong iyon, kaso bigla niyang naalala na safehouse nga pala ito so ibig sabihin tago at lihim talaga ang lugar na ito.

"Hehe, kayo po talaga Aling..." saka bigla nalang natumba si Aling Emelda at nag-aalalang lumapit si Heaven nang pagkalipas ng ilang segundo ay napansin niyang umawas ang dugo sa ulo ng matanda at doon na siya napasigaw ng malakas sa sobrang takot.

Nang marinig ni Topaz iyong ay dali-dali siyang umakyat sa ikalawang palapag at pinuntahan si Heaven saka siya napatingin sa wala nang buhay na si Aling Emelda.

"Dapa!" sigaw pa ni Topaz kay Heaven saka siya dumapa at umiiyak habang nanginginig ang katawan. Kaharap niya ang kawawang matanda ng minutong iyon.

"Gumapang ka." utos pa nito sa kaniya.

"Hindi ko maigalaw ang katawan ko." nanginginig na sabi niya rito.

"Pilitin mo!" giit pa niya hanggang sa paputukan na naman siya at muntikan na siyang matamaan sa kaniyang hita nang malapit na siya sa pintuan ay sinabi ni Topaz na abutin nito ang kaniyang kamay, ang kamay ni Topaz na nakalahad sa kaniya ng minutong iyon. Hinigit naman ni Heaven ang kaniyang kamay hanggang sa maabot siya nito saka siya buong lakas na hinila ni Topaz at tumakbo sila sa hallway, habang tumatakbo sila ay sinabi ni Topaz na iyuko lang raw ni Heaven ang Ulo nito na siyang sinunod naman ng dalaga hanggang sa paulaan sila ng bala. Nang malapit na nilang marating ang bintana ay siya namang pagtama ng bala sa braso ni Topaz at napahinto si Heaven sa pagtakbo ng mapansin niyang dumudugo ang braso ng binata.

"May tama ka!" nanlalaking mga mata habang huminti siya sa pagtakbo.

"Tumakbo ka lang! Tapos tumalon ka sa bintana na iyon."

"No! Hindi ako tatakbo hangga't di kita kasama!" naingayan na si Topaz sa bibig ng dalaga kaya binuhat na niya ito at tumalon sila sa bintana at nahulog ang dalawa sa swimming pool. Muntikan nang malunod sa sobrang lalim ng tubig at mabuti nalang at nahila siya ni Topaz sa kaniyang bisig at hinaon ito sa may gilid ng pool.

Hingal na Hingal silang dalawa pero pinatayo kaagad ni Topaz si Heaven dahil kinakailangan na nilang makaalis doon.

"Get up, we need to hurry. Nagloload lang iyon ng bala for sure kaya kailangan na nating makaalis dito." giit pa ni Topaz habang inaalalayan na tumayo si Heaven.

At tinungo nila ang isang sikretong daan palabas ng Safehouse. May isang Drainage canal at doon sila pumasok dalawa, sa dulo nito ay may falls iyon ang end point nito pero hindi niya sinabi sa dalaga dahil alam niya na magdadalawang isip na naman itong sumunod sa kaniya.

"Ang braso mo!" sabi ni Heaven saka sila saglit na huminto. Nagpunit ito ng tela sa damit niyang suot at itinali ito sa braso ng binata.

Habang ginagawa iyon ni Heaven ay nakatingin lang si Topaz sa mukha nito. At nahuli naman ng dalaga na tinititigan siya nito.

"Bakit?" biglang umiwas si Topaz.

"Wala."

"Gosh, akala ko tapos na. Hindi pa pala." malungkot na sabi ni Heaven ng minutong iyon. Tungkol iyon sa pagpaslang sa kaniya, akala niya wala na. Tapos na. Dahil napatay na ni Topaz ang unang killer niya sa Gubat pero narito sila ngayon nakikipaghabulan na naman kay kamatayan.

"Mukhang hindi talaga sila titigil hangga't hindi ka namamatay." nalungkot lalo si Heaven sa kaniyang narinig.

"Uy, huwag ka nang malungkot. Hindi naman kita pababayaan." giit pa ng binata.

"Paano kung mapatay ka nila? Paano na ako? Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, Topaz. Sana kung marunong lang akong humawak ng baril, o kaya gumamit ng kutsilyo. Hindi ko kayang proteksyunan ang sarili ko." pangangamba pa niya sakaling may mangyaring masama kay Topaz.

"Well, una. I'll make sure na hindi niya ako mapapatay. Pangalawa, hindi ako papayag na patayin ka nila, okay?" hinawakan pa ni Topaz ang baba ni Heaven saka niya ito pinaharap sa kaniya.

"Do you trust me?" mata sa matang tanong ni Topaz kay Heaven.

"Oo, i trust you." sagot ni Heaven saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"Okay, tumayo ka na ulit and we need to hurry, baka maabutan pa niya tayo." sabi pa ni Topaz sa sila muling naglakad sa Drainage habang tinatahak nila ang daan na iyon, muling nagtanong si Heaven kay Topaz.

"Bakit nga pala hindi mo tinanggap iyong assignment?" hindi kaagad nakasagot si Topaz. Bakit nga ba? Sa totoo lang, nakita na niya ito, gaya ng ibang killer sa bansa na nakatanggap noon. Pero, sa hindi maintindihang bagay ay humindi siya.

"Well, ayaw ko lang."

"Bakit nga?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo,"

"Okay, kasi hindi ka worth it patayin." hindi alam ni Heaven kung magpapasalamat ba siya sa narinig niya o maiinis o maooffend.

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon