Chapter 1

54 2 1
                                    

"Kai diba highest ka kanina sa Elective, alam mo na libre mo ko sa McDo ngayon." Maligayang sabi ni megan.

Natatawa kong inilingan si Megan ayan nanaman sya sa palibre nya.

"Eto nanaman si palibre, yung totoo tinitipid kana ba ni tito kaya sobrang kuripot mo these past few days?" tanong ko sa kanya habang umiiling.

Friday ngayon and as a weekly routine after class kakain muna kami sa McDo kase nga sis simula 8 am may klase na kami dire diretso hanggang 2 pm. Walang break break. Pero bumawi naman sa uwian kase 2 pm palang uwian na kaya maaga kami makaka luwas pauwing Manila.

Yes sa Manila kami mga nakatira. Pero we decided na mag aral sa Bulacan. Nag SHS kami sa FEU, then nag decide ako non na mag enroll sa Bulacan State University Malolos Campus. Dapat talaga ako lang kase gusto ko nang malayong school, palagi na lang kase akong nasa Manila kaya iniba ko naman kaso nung nalaman ni Megan na nag register ako online same day sinabi nya kila Anastasha and Gwyneth kaya ayon gumaya din sila pati si Argel at Blair.

Pare parehas kaming nag register online and same din kami ng nakuhang exam date. Ang hassle nga lang nung magpapasa kami ng requirements nakaka stress ang byahe ang haba pa ng traffic pero umabot naman kami sa cut off. Tsaka ginusto namin to e wala kaming magagawa. Tas naalala ko pa nung mismong exam date ang aga na naming umalis ng Manila pero nalate parin kami ng 10 mins kase naman  hindi namin mahanap kung san yung building na nakalagay sa test permit namin! Buti nalang din mabait yung bantay non kaya yon hindi naman kami ganong nasermonan.

The day ng malaman naming nakapasa kami sa exam grabe sobrang tuwang tuwa sila Ana nag hanap agad sila ng apartment na pwede naming pag stay-an. Apartment talaga kasi hindi mami pwede mag sama sama sa iisang dorm lang lalo na may lalaki pa. Pero buti nalang naka hanap sila, bali yung nahanap nila umalis yung mga nakatira kase nakapag pagawa na daw ng bahay. Okay naman yung environment and maganda din, malaki, 4 yung kwarto and may 2 cr. Ayaw pa nga non pumayag ng may ari kase nga bed spacer lang daw dapat pero mabait naman sya kaya pumayag sya. 8k ang rent namin sa buong bahay sa kanila pa kuryente kaya ayos na ayos.

And well ngayon nga 4th year na kami and no regrets naman kase maganda naman ang course na engineering dito. Di namin inakala na massurvive namin to. Syempre nung una dahil baguhan nahihirapan pero kinaya naman. Laban lang!

"Huli ka."

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin mula sa likod.

"Bullshit! Kinabahan ako blair akala ko kung sinong demonyo. Charot!!" natatawang sabi ko sa kanya sabay peace sign.

Maski si Megan ay natawa sa sinabi ko kaya napakamot ng ulo si Blair.

"Grabe ka talaga sakin. Kaibigan ba kita?" pagtatampong sabi nya sabay lakad
palayo.

Natawa nalang ako sa pag walk out nya. Jusko bat ba ganito ang mga kaibigan ko. Mga artistahin silang lahat e. Medyo masakit sa ulo at sobrang sakit din sa bulsa. By the way naglalakad kami ngayon palabas ng main gate kase nga kakain kami ng lunch sa McDo.

"Hoy blair! Ang arte mo di bagay! Sunod kana lang samin sa McDo pag di kana nag iinarte. By the way, treat ko!" pasigaw na sabi ko sa kanya habang patuloy syang naglalakad palayo hindi ko alam kung nadinig ang sigaw ko.

"Guess where is ana and gwy at?" tanong sakin ni Megan habang may tinitingnan sa phone nya.

"Oo nga pala. Asan nga ba ang dalawa?" balik kong tanong sa kanya sabay tingin sa kung anong kinakalikot nya sa phone nya.

Huminto kami saglit sa gilid dahil hindi ko maaninag kung sino ang nasa video na pinapakita nya.

"The heck?!" gulat na sabi ko ng makita ang video.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now