Chapter 11

11 0 0
                                    

"Aziel upo na tayo nangangawit na ko." sabi ko sa kanya ng hindi ko na nakayanan ang ilang minutong pag tayo. Kinalas muna nya ang pagkaka yakap nya sa akin bago sya sumagot.

"Yeah, sorry. Let's go." sagot nya sabay hawak sa kamay ko at lakad papunta sa couch na inuupuan namin.

Nang makalapit kami sa couch na inuupuan namin si Argel at Gwyneth na lang ang nandon, nag tatawanan pa sila nh datnan namin kaya napatigil silang pareho ng makita kaming dalawa ni Aziel.

"O Kai nasan si Megan?" tanong sakin ni Gwyneth pagka upo ko sa tapat nya.

"Ewan baka nandyan dyan lang yon." sagot ko naman.

Akala ko uupo si Aziel sa tabi ni Argel pero nagka mali ako, umupo sya sa tabi ko kaya naman napausog ako bigla.

"Put your foot here in my thigh." sabi nya sabay tapik sa hita nya napataas naman ako ng kilay at napatingin sa gawi nila Argel at Gwyneth. Sabay naman silang umiwas ng tingin kaya binalik ko na kay Aziel ang tingin ko.

"Wag na." sagot ko bago kunin ang juice na nakalapag sa lamesa.

"Juice pa ba?" tanong ni Aziel pagka tapos kong uminom.

"Yes please." simpleng sabi ko at nag tawag agad sya ng waiter.

Habang kausap ni Aziel ang waiter, napatingin ako sa gawi ni Argel dahil nag salita ito.

"Kai, anong oras ka uuwi?" tanong nito sakin.

"Anong oras ba? Sabay ako sa inyo e." sagot ko naman habang nakatingin sa kanya.

"Bakit sa kanila ka sasabay e ako yung kasama mo mag punta dito." biglang sabi ng naka simalmal na si Aziel.

"I mean kung anong oras sila uuwi, non ding oras tayo uuwi." paliwanag ko naman kaya napataas sya ng kilay.

"Akala ko ayaw mo nanaman akong kasama." sabi pa nito sabay abot sa baso na may alak na nasa lamesa at agad agad itong nilagok.

I stared at him as he drank and it makes him look so freaking hot while doing it. Muntik pa nya akong mahuli na nakatitig sa kanya buti na lang at naka iwas agad ako ng tingin ng lumingon sya sa gawi ko.

"Gwyneth hanapin kaya natin sila Megan." sabi ko dito kaya lumingon lingon naman sya sa paligid at ganon din ang ginawa ko.

"Hindi nyo sila mahahanap Kai, wag nyo na subukan." biglang sabi naman ni Argel.

Argel is right. Sa dami ng tao hindi namin mahahanap sila Megan and I'm scared na baka kung sino na ang kasama nila at baka mamaya kung san din sila dalin ng mga iyon.

"Kaya na nila sarili nila malalaki na yung mga yon. Baka nga mamaya nauna pang umuwi yung mga iyon kaso hindi natin sure kung kaninong bahay umuwi." sabi naman ni Gwyneth kaya natawa naman si Argel, si Aziel naman ay napangisi lang sa tabi ko.

"Bat kayo tumatawa?" tanong ko sabay lingon sa katabi ko.

"Baby you're too serious. Gwy is right malalaki na ang mga iyon kaya na nila sarili nila." sabi pa nito pero hindi na ako sumagot pa.

Napa sandal na lang ako sa inuupuan ko at lumingon lingon sa paligid nagbabaka sakali na makita ang mga nag kalat na kaibigan.

Sa kakalingon ko sa paligid napa dako ang tingin ko sa mga babaeng nakatayo sa di kalayuan na pare parehong nakatitig sa lalaking katabi ko. I know they are planning to do something kaya tumitig lang ako sa kanila.

Nang matapos silang mag usap sa kung ano ay nag apir silang tatlo. Nakita ko naman na naglalakad papalapit sa gawi namin ang isang babae na matangkad na naka suot ng itim na fitted na dress yung dalawang babae naman na kasama nya ay naiwan lang na naka tayo sa kung saan ang pwesto nila. Nang makalapit ang babae sa pwesto namin ay nakatitig lang ito kay Aziel. Bitch hindi lang si Aziel ang nandito, may kasama din sya kung maka tingin ka kala mong si Aziel lang ang nakikita mo.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jun 19, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Belle Le ChaosOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz