Chapter 7

19 1 18
                                    

Mabilis lang ang naging byahe at nang makarating kami sa apartment nag text agad ako kay aziel na naka uwi na ako, nag reply naman sya na maliligo kaya hindi ko na naireplyan ulit.

Dumiretso agad ako sa kwarto para mag linis at mag bihis. Ang lagkit ng feeling ko dahil sa pawis sa practice. Pagka bihis ko ay lumabas na ako ng banyo, naabutan ko si megan na nasa harap ng closet nya nag hahanap siguro ng maisusuot.

"Magpa deliver na lang daw ng dinner kai sabi nila argel." sabi ni megan ng mapansin ako na nakalabas na ng banyo.

"Okay kayo bahala. Ako ba oorder?" tanong ko pa.

"As always." sagot nya sabay pasok na ng banyo.

Kinuha ko ang phone ko at lumabas na ng kwarto para tanungin sila kung ano ang gusto nilang kainin. Naabutan ko si argel and gwy sa sala na naka bihis na ng pambahay habang nanonood ng tv. Dumiretso ako sa pwesto nila para tanungin kung ano ang oorderin ko para sa kanila.

"Ano order nyo?" tanong ko pagka upo sa pang isahang couch kaya napa lingon sila sa gawi ko.

"Saan ka ba oorder?" tanong naman ni argel.

"Ewan. McDo or Jollibee?" sagot ko naman sabay taas ng kilay.

"Jollibee na lang." sabi ni gwy kaya tumango ako.

"Okay. Ano sa inyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Kinuha ko ang order nilang dalawa, pati kila ana, blair and megan. Tinype ko muna sa memo ko bago i-dial ang number ng jollibee na pag oorderan namin.

Nang sumagot ito sinabi ko na ang mga orders namin. Sabi naman nila dedeliver nila ito within 15 minutes. Pagka end ko ng call tsaka ko lang naalala na hindi pala ako naka order ng para sakin.

"Fvck! Nakalimutan ko umorder ng para sakin." sabi ko kaya napatingin sakin sila megan na nanonood ng TV.

"Lutang ka ghorl?" sabi ni blair habang tumatawa napailing na lang ako sa katangahan ko.

Dinial ko ulit ang number ng jollibee na pinag orderan ko. Nang sumagot ito sinabi ko na ang orders ko. Nagtaka pa nga yung kausap ko kung bakit kakatawag ko lang ay tumawag nanaman ako. Sabi ko lang is may dinagdag pa ulit. Nang natapos ko ito kausapin ay pinatay ko na din ang tawag.

"Kai, nasan daw si aziel?" tanong sakin ni argel habang may pinagkaka guluhan sila ni gwyneth sa cellhphone.

"Nasa kanila. Bakit?" tanong ko naman sabay taas ng kilay.

"Nasa kanila? Walang sinabi sayo na gagawin?" tanong pa ni argel.

"Kanina sabi nya maliligo daw sya." sagot ko naman sabay pakita nya sakin ng isang litrato ng lalaki at babae na magka akbay habang nasa isang bar. Aziel and Aurora. Seryoso ang itsura ni aziel sa picture si Aurora naman ay malaki ang ngiti. Binasa ko ang naka caption dito 'Back Together' maraming reactions sa picture nayon. Binasa ko din ang ilan sa mga comments.

'Sabi ko na kayo talaga e!'

'Finally nag comeback din.'

'Haynako bagay talaga.'

'Perfect together!'

'A & A forever'

Hindi ko na tinapos ang pag babasa at binalik ko na kay argel ang cellphone nya. Tinutok ko nalang ang atensyon ko sa TV. Kita ko din sa gilid ng mata ko na inabot naman ngayon ni argel kay megan ang phone nya at nag salita ito ng makita ang nasa larawan.

"Omg!!" halatang gulat sa nakita nya.

"Kaia kilala mo to?" tanong naman ni ana habang nakikigulo din sa pag tingin. Tumango naman ako.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now