Chapter 5

19 2 3
                                    

Five am ng magising ako sa alarm ko kinaumagahan.

Bumangon na ako ng higaan ko para mag hilamos at mag toothbrush then pagkatapos bumaba na ako para mag punta ng kusina. Ako pa lang ang gising kaya nag decide ako na mag luto na nang breakfast.

I decided to cook bacon, egg, hotdog and fried rice.

After ko magluto sakto at gising na ang mommy. Nagulat pa sya ng makita ako sa kusina.

"Ang aga mo naman nagising anak. And wow! You cooked breakfast!" sabi ni mommy sabay lapit sa mesa para maupo.

"Maaga talaga ako gumising mom kase dipa ako nag aayos ng gamit. Kinatamaran ko na po kagabi." sabi ko kay mommy at inayos na ang mga plato sa lamesa.

"Dalawa lang tayo anak wala ang dad mo nasa site nanaman hindi naka uwi kagabi may inaayos daw sya." sabi ni mommy kaya naman ibinalik ko ang isang plato sa lalagyanan.

"May problema ba sa site si dad, mom? Bat madalas na syang hindi umuuwi hindi naman sya ganon dati." sabi ko kay mommy sabay upo sa upuan sa harap nya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay mommy yung nangyari noon kay daddy or hindi na para hindi na sya mag alala? Idk.

"Wala namang nasasabi ang dad mo. Pag tinatanong ko naman kung may problema laging sinasabi wala. I hope okay lang talaga." sabi ni mom pag tapos ay bumuntong hininga.

Hindi na ako muling sumagot sa sinabi nya kase baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mabanggit ko pa yung nangyari kay dad nung isang araw. Tahimik lang naming ipinagpatuloy ni mommy ang pagkain ng breakfast. Pagtapos naming kumain ay si mom na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Pinaakyat na nya ako ng kwarto para makapag ayos ng gamit.

Nang maka akyat ako ng kwarto naisipan kong itext si argel, try ko makisabay. But if nasa apartment na sya its fine.

To argel,

Gel, nasa apartment na ikaw?

I don't know if sumama ba sya kila megan kagabi or what. Wala akong balita sa lakad nila kagabi, i dont know kung natuloy ba or hindi. Nag ayos na ako ng gamit ko and konti lang ang damit na dinala ko since may mga damit pa naman ako na naiwan sa apartment. Ilang minuto ang lumipas ng nag reply si argel. May klase sya ng 7:30 am kaya malamang gising na sya.

From argel,

Yes kagabi pa. Why?  Im with blair.

Shookt. So it means struggle is real. Nag reply ako sa kanya pagka basa ng text nya.

To argel,

Yay! Okay. Sasabay sana ako hehe

Pagka reply ko sa kanya ay nag reply din naman sya. Bilis ha.

From argel,

Luh nasa apartment na kami. Hindi mo sinabi agad kagabi. Sayang.

To argel,

Akala ko kasi natuloy kayo kagabi and hindi ko din kase alam na hindi umuwi ang dad. But its fine! See you later :))

From argel,

Sorry kai! Sige gagayak na ako. See you later!!

Hindi na ako nag reply kay argel kase baka maabala ko pa sya sa pag gayak nya. I decided na pagtabi tabihin ang mga gamit na dadalhin ko para wala na akong makalimutan. After kong ayusin ang mga gamit na dadalhin ko nahiga ako ng kama para umidlip sana nang biglang nag ring ang phone ko.

Aziel's calling.

I don't know if sasagutin ko ba ang tawag nya or hindi. Kasi kahapon ng ihatid nya ako nag thank you lang ako sa kanya and then bumaba na agad ng car nya hindi na ako nag intay kung may sasabihin pa ba sya or wala na. I know i've been rude to him. Hindi ko ma gets sarili ko kung bakit.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now