Chapter 2

32 1 3
                                    

"Trinity wake up anak! Andyan sila Megan sa baba!" dinig kong sigaw ni Mommy sabay katok sa pintuan.

Kinapa ko ang phone ko sa side table at tiningnan kung anong oras na. 11 am na pala. Well as expected tanghali na talaga ako magigising kase ba naman anong oras na ko naka uwi 2 am na ata non. And grabe wasted na wasted si Megan at Ana. Buti nalang talaga hindi nalasing ng sobra si Argel kung hindi baka hindi na kami maka uwi. Walang mag ddrive and wala din akong balak inaantok na ako non baka maibangga ko pa. Nag presinta pa nga si Aziel na ihatid kami kaso tumanggi naman ako. Nakakahiya hindi naman kami close, well kami lang palang dalawa ang hindi close, kase close naman sya kina Megan. Tsaka hindi din naman sya nagpumilit pagka sabi ko ng hindi kaya okay na din yon.

"Anak wake up! Nag iintay sila Megan sa baba." dinig ko pang katok ulit ni Mommy kaya sumagot na ako.

"Yes mommy susunod na po." medyo malakas na sagot ko sakto lang para madinig ni mommy.

Naghilamos ako tapos toothbrush pagkatapos lumabas na ng banyo para mag suklay ng buhok then after that nag decide na ako na bumaba. Naka suot pa ko ng pantulog ko. Hindi ko na naisipan na magpalit okay naman to.

Pagbaba ko ng hagdan naka upo sa sala sina Megan, Gwy, Ana at Argel. Aba wala ata si Blair.

"Oh kulang ata ng isa." pasada ko ng tingin sa kanilang apat. Habang sila ay titig na titig naman sa akin.

"Tulog pa din syempre, galing kami sa kanila ang hirap gisingin iniwan nalang namin." sabi naman ni Anastasha.

Ang weird ng mga to. Hindi ko alam kung bakit nakatitig sila sa akin, pag baba ko pa lang ng hagdan mga nakatitig na kaya pinagtaasan ko lang sila ng kilay.

"Mag kwento ka anong pinag usapan nyo kagabi ni Aziel." naniningkit na tanong sakin ni Megan.

San naman nya nakuha yung ideya na nag usap kami ni aziel?

"Wala." sagot ko habang nakataas pa din ang kilay.

"Wala talaga?" tanong naman ni Gwy.

"Oo nga wala nga. Ano naman pag uusapan namin?" medyo naiinis na tanong ko sa kanila.

Bat ba ganyan sila. Ano ba pag uusapan namin ni Aziel? E hindi nga kami close. Duh!!

"Ewan. Kahit ano. Wala ba talaga?" pilit pa ding tanong ni Megan. Naguguluhan na ko ha.

"Wala nga. Wait. Bat ba ganyan mga tanong nyo. Yan talaga ipinunta nyo dito? Yung tanungin ako kung ano pinag usapan naming dalawa?" inis na na sabi ko sa kanila. Naguguluhan na talaga ko.

"Oo." sabay sabay na sagot nila.

The fvck! Napakunot ang noo ko. Bat ba ganto tong mga to. Sarap pag kokotongan. Nagpunta para dito. Mga baliw ata to e.

"Si aziel kase nag chat kay argel." sabi ni gwyneth kay mas lalong napakunot ang noo ko.

"Ano naman ang sinabi?" curious na tanong ko naman sabay lingon kay argel para maghanap ng kasagutan.

"Tinatanong yung IG acc mo." sagot nya.

"O tapos?  Yun lang nag punta na kayo dito? Jusko edi sana binigay mo." natatawang sabi ko. Jusko yon lang pala akala ko na kung ano.

Nang mapatingin ako kay Megan mas lalong naningkit ang mata nya. Ano ba tong babae na to chinese na ngayon? Singkit na ang mga mata e. Akala nya ba maganda sya sa itsura nya na yan. Natawa nalang ako.

"At tumatawa ka pa talaga." sabi pa ni megan habang pinaninindigan ang pagiging chinese nya. Aba lalo pa talagang isiningkit ang mata.

"Meg anong trip mo! Muka kang chinese na napuyat." natatawang sabi ko kay Megan.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now