Chapter 6

17 1 8
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw mag mula nung ihatid ako ni aziel dito sa tinutuluyan naming apartment. Simula din non lagi na syang nag tetext sakin pero ako madalang lang na mag text sa kanya kase medyo busy din sa daming pinaga gawa.

Naglalakad kami ngayon papunta sa Mini Forest kase napag desisyunan ng mga classmates ko na dito mag practice ng sayaw para sa performance namin sa Engineering week. E-week na sa susunod na linggo meaning walang klase kase buong week puro program lang kaya ngayon sabay sabay ang projects and activity na pinagagawa samin dagdag mo pa ang pag papractice ngayon kase nga may performance kami non.

Nang makarating kami sa Mini Forest ay nag hanap agad kami ng pwesto na pwedeng pag practisan. By the way sayaw ang gagawin namin performance at ang napili naming magtuturo ay si Charlene since member sya ng dance group sa school namin.

Thursday today and buti nalang wala kaming klase ngayong hapon kase nga may meeting ang mga teachers from engineering department para pag usapan ang mang yayari sa E-week.

Nng nakahanap kami ng pwedeng pag practisan ay nag start na kami para naman maaga kami matapos. Inuna muna namin yung steps bago ang formation para pag natapos ang sayaw formation na lang.

"Okay, from the top!! And 5 and 5 and 5..6..7..8" sigaw na sabi ni Charlene sabay palakpak.

Sinunod namin ang sinabi nya, umulit kami sa umpisa at sinayaw ang steps na tinuro nya base sa pagkaka sunod sunod nito. Bumibilang lamang sya dahil wala pa kaming tugtog, nakalimutan kase ni aliana na mag dala ng speaker, sya pa man din ang nag presinta na mag dadala at nung sinubukan naman naming magpatugtog gamit lamang ang cellphone ay mas matimbang lang ang tunog na nanggagaling sa mga sasakyan.

Isang oras at kalahati ang nakalipas ng mag simula kaming mag practice ay napag desisyunan muna nila na mag take ng break since madami na din naman ang napapractice namin. Bali 5 mins ang maximum na pwedeng performance at sinakto na naming 5 mins ang sayaw since kaya naman gawan ng steps ng mag tuturo samin.

"Bili tayo ng tubig." yaya ko kila megan na naka upo sa sahig.

"Oo nga tara nauuhaw na din ako." sabi naman ni ana sabay tayo at tumayo na din sila megan.

Habang nag lalakad kami nila megan papunta sa bilihan ng tubig biglang nag ring ang phone ko. Nakita kong tumatawag si aziel kaya sinagot ko agad ito.

"Hey." sabi ko pagka sagot sa tawag.

"Hey. How are you?" tanong nya naman.

"Okay lang bakit? Ikaw?" sagot ko naman sa kanya.

"Im not fine." sabi nya sabay buntong hininga. Napakunot naman noo ko sa sagot nya.

"Ha? Bakit? Anong nangyari sayo?" medyo may pag aalalang tanong ko.

"Wala naman. Miss lang kita." sabi nya kaya napa tahimik ako tumingin ako sa mga kasama ko sa takot na baka nadinig nila ang sinabi ni aziel. Napayuko nalang ako at napa iling bago sumagot.

"Nasan kaba ngayon?" tanong ko naman hindi pinansin ang sinabi nya.

"Office. Ikaw? I miss you." sabi pa nya kaya mas lalong namula ang pisngi ko. Inulit pa  talaga.

"A okay. Papunta kami sa bilihan ng tubig nila megan, bibili kami." sabi ko sa kanya hindi pa din sinasagot ang i miss you nya.

"Bakit? Nasan ba kayo?" tanong pa nya.

"Nagpa practice kami ng sayaw dito lang malapit sa school." sagot ko, hindi naman sya sumagot.

"Wait lang aziel bibili lang ako." sabi ko ng makarating kami sa bilihan. Tahimik pa din naman sya sa kabilang linya kaya hinayaan ko nalang at bumili na din.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now