Chapter 4

19 1 0
                                    

Ang dapat ay mabilis na byahe ay tumagal because of traffic. Pero nakarating din naman kami kaya okay na yon.

2 pm ng makarating kami sa Venice Grand Canal Mall. I've been here for so many times and tuwing babalik ako hindi ko mapigilan na ma-amaze pa rin sa scenery dito. The grand canal of Venice right in Manila gives me an Italian vibes. Kahit hindi ka mag punta ng Italy ay mafefeel mo na parang nasa Italy ka na. It also has a beautiful set up shopping mall with the opportunity to chill on a gondola ride.

"Siguro naman nakapunta kana dito?" tanong ko sa kanya pagka baba namin ng sasakyan nya.

"Yeah. Ikaw?" tanong naman nya. Tumango lang ako.

Naglalakad kami ngayon papasok sa loob ng Venice mall. And as expected madaming tao. Well Venice Grand Canal Mall is so famous kaya dinadayo kahit ng mga taga probinsya.

"Where do you want to go first?" tanong sakin ni Aziel.

"Kain?" sabi ko sabay tingin sa kanya tumaas naman ang kilay nya.

"You love eating huh? That's why you have chubby cheeks." sabi nya sabay pisil sa pisngi ko kaya napahawak naman ako dito.

"Epal mo. Hindi naman ganong chubby a." sabi ko sa kanya hawak hawak pa rin ang dalawang pisngi ko.

"Yeah medyo lang." sagot nya na natatawa. Umirap lang ako.

Dire diretso at medyo bumibilis ang lakad ko kaya medyo naiiwan na si aziel. Pero nahabol din naman nya ako.

"Hey! Wait! Ang bilis mo mag lakad." sabi nya sa likod ko.

"Kung mabilis ako mag lakad edi sana nakalayo na ko sayo. Mas mabilis kapa din nahahabol mo ko e." sagot ko sa kanya,  hinila nya ang palapulsuhan ko kaya napahinto ako at napaharap sa kanya.

"Stop. Where do you want to eat? Rice & Dough, Ponte Rialto, Kyotako. Where?" tanong nya at nag suggest ng ilang restaurant dito.

"Cafe Del Mar." simpleng sagot ko at wala iyon sa mga nabanggit nya. Tumango naman sya at naglakad na kami papunta sa restaurant na sinabi ko. By the way, Cafe del Mar is an Italian restaurant and cafe that serves specialty coffee, pizza, pasta, bruschetta, and crepes. At night, they have acoustic bands that perform at the al fresco area of the restaurant.

When we arrived at Cafe Del Mar we decided to seat near the glass wall where we can see the view of the Venice Grand Canal.

Pagka upo namin ay nag tawag agad si aziel ng waiter para maka order na kami. Nang iabot ng waiter ang menu ay namili agad ako.

"What's yours?" tanong ni aziel sabay tingin sakin.

"Salsa caliente then breaded calamari." sagot ko sa kanya sabay lapag na ng menu.

"And also add shrimp croquettes and grilled salmon. That's all." sabi nya sa waiter pagtapos ay bumalik na ito papunta sa counter.

Naglabas si aziel ng phone kaya naglabas na din ako. I decided na mag story sa ig ko. I captured the scenery in front of me at kasama si Aziel sa litrato na iyon. Hindi naman makikilala kung sino sya dahil nakayuko naman ito.  I caption my story  'amazing.' without further explanation.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now