Chapter 10

14 2 0
                                    

Umalis din naman agad si aziel ilang minuto matapos kaming makakain. Sabi nya susunduin na lang daw nya ako mamaya.

Nandito ako ngayon sa kwarto nakatitig sa kisame. Kanina inaantok ako pero sa dami ng bumabagabag sa isip ko hindi na ako nakatulog. Ilang oras na din ako nakahiga pero wala, paulit ulit na nag p-play sa utak ko yung sinabi nya.

"I will buy that reason for now, pero pag sigurado na talaga ako sa feeling ko. Hinding hindi ko na paniniwalaan yang rason mo. Note that kaia, konti na lang."

Pano nya nasabi na may gusto ako gayong wala naman akong pinapakitang motibo. Wala nga ba? Am I too obvious with my feeling towards him? Kung ganon kailangan ko ba syang layuan or what. Ano dapat gawin? Nakaka frustrate!

Natigil na lang ang pag iisip ko ng katukin ni mommy ang kwarto ko dahil kakain na daw.

"Yes mommy sunod po ako." sabi ko sabay tayo para mag ayos ng sarili at ng matapos ay bumaba na din naman ako kaagad.

Nang makapasok ako sa kusina nabutan kong naka upo na ang mom and dad habang nag iintay sakin na makababa.

"How are you anak?" tanong sakin ni dad ng makalapit ako sa pwesto nya para humalik.

"Fine dad. Ikaw po?" sagot ko sabay lapit sa upuan para maupo. Bali ang ayos namin everytime na kakain is ako yung nasa left side then si mommy sa right.

"Medyo stress lang sa work but kaya naman anak." sabi pa nito kaya napalingon ako sa kanya.

Kung tititigan mo sya makikita mo na parang ang dami ngang iniisip, and parang medyo namamayat na din ang daddy. Hindi na ako makapag intay na makapag tapos at makapag trabaho para mapatigil ko na sila sa work nila at mag relax, relax na lang sila.

"Wag mo gano stressin sarili mo dad mas mahalaga ang kalusugan kesa sa work. Kaya pa ba dad?" sabi ko pa at tumango naman ito at sinuklian din ang ngiti ko. Habang nag sasandok ako ng pagkain ay nag tanong ulit si dad kaya napabaling ako dito.

"Ikaw kamusta pag aaral, sinabi sakin ng mom mo may nag hatid daw sayo kanina, sino yon?" sabi nito habang nakataas ang isang kilay.

"Kaibigan daddy." simpleng sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Kaibigan? Anak alam mo naman na hindi ako magagalit pag nagka boyfriend ka basta ipapakilala mo lang sakin, samin ng mom mo ng sa gayon malaman namin kung papasa ba sya." sabi pa nito.

"Dad wala pa naman akong boyfriend, and wag kang mag alala once na magkaroon papakilala ko din agad." sabi ko naman sabay ngiti. Nakatingin lang ito sakin at hindi na sumagot pa.

"O sya. Kumain na kayong mag ama baka mamaya magka iyakan pa kayo." pagbibirong sabi ni mommy kaya natawa naman ako si daddy napailing lang.

Habang kumakain ay patuloy ang kwentuhan namin, ang daming kwento ng daddy, ang dami ding jokes na corny pero syempre dahil supportive ako tinatawanan ko pa din si mommy naman naiiling lang.

God knows how much I miss them. Sobrang namiss ko makipag kulitan kay dad, makipag chikahan kay mom, at makipag tawanan sa kanilang dalawa. Minsan na lang kasi kami makumpleto kasi minsan pag uuwi ako kundi ang mom ang wala, ang dad naman kaya wala na kaming bonding as a family.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto para makapag ayos. Sabi ni Aziel kanina 8:30 daw nya ako susunduin at mag e-eight na ay hindi pako nag aayos. Hindi ko din nabanggit kanina kay dad na aalis ako, siguro si mom na ang bahala if hanapin ako kase alam naman ni mommy na may lakad ako tonight.

Dumiretso agad ako sa banyo ng makapasok ako sa kwarto. Pagka tapos kong maligo ay nag toothbrush ako and then nag apply na ng skin care ko then pagkatapos ay pumunta na sa walk in closet ko para makapag hanap na ng damit na susuutin.

Belle Le ChaosHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin