Chapter 3

24 1 3
                                    

Nang magising ako kinaumagahan hindi ko alam kung bakit hinanap agad ng mga mata ko ang phone ko para tingnan kung may text ba si Aziel kagabi. Nakatulugan ko kase ang pag iintay sa kanya na makauwi kaya hindi ko alam kung tinext ba nya talaga ako o hindi.

Nang buksan ko ang phone ko nakakita ako ng apat na message mula sa kanya.

From Aziel,

Im home.

Gising kapa?

Kaia?

Good night.

Good night ang huling text nya, siguro naisip nya na nakatulog na ako kaya hindi na ako nakakapag reply. Nag type ako ng reply sa kanya ngayon saying sorry kase nakatulugan ko sya.

To Aziel,

Hey, im sorry nakatulog na ako kagabi hindi ko na naintay ang text mo. Have a good day! :))

Pagkasend ko ng text kay aziel ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pagka baba ko naabutan ko ang mom and dad na kumakain ng breakfast. Nagulat pa ang mommy dahil bibihira lang naman ako magising ng maaga.

"Oh anak ang aga mo naman ata nagising, may lakad kaba?" tanong sakin ni mommy pagka pasok ko ng kusina, napatingin din naman sa gawi ko si daddy.

"Wala mi. Hindi ko din po alam bat maaga ko nagising." sagot ko kay mommy pagkatapos ay umupo na sa tapat nya. Bali ang ayos naming tatlo is si dad ang nasa center si mom ang nasa right side ni daddy and ako naman sa kaliwa.

"Anong oras ka umuwi kagabi kai?" tanong sakin ni daddy pagkatapos sumubo na ng pagkain.

"3 am na ata dad. I don't know." Sagot ko habang kumukuha ng pagkain.

"Hinatid ka ba ni argel?" tanong pa ulit nya.

"No po pero hinatid naman ako ng friend nya. Lasing na din kasi si argel kagabi kaya hindi napo ako nahatid." sagot ko naman at tumango lang sya buti naman at hindi na nag usisa pa.

Hindi na muling nagtanong si daddy ang mommy naman ay nakikinig lang. Tahimik lang kaming kumain nang natapos naman ay nag presinta ako na mag hugas ng plato.

"Anak may duty ako ngayon and ang dad mo pupunta ata ng site. Wala kabang pupuntahan ngayon?" tanong sakin ni mommy habang nagliligpit para mailagay na sa lababo at para mahugasan ko na din.

"Wala mom. Matutulog lang siguro ako maghapon." sagot ko kay mommy at sinimulan na ang paghuhugas ng mga pinagkainan.

Nang matapos akong mag hugas ng pinagkain lumabas ako ng garden para mag dilig ng mga halaman. Minsan lang ako magising ng maaga sulitin na.

Nang malapit na akong matapos sa pag didilig sabay na lumabas ang mom and dad. Pareho silang bihis na bihis. Ready for work.

"Anak aalis na kami ng dad mo, ikaw na bahala dyan ha. Wag kalimutang mag lock ng pinto syempre ng gate din." paalam sakin ni mommy sabay diretso papunta ng sasakyan nya. Si dad naman humalik sa noo ko bago din lumapit sa sasakyan nya. Tig isa ng sasakyan ang mommy and daddy since magka hiwalay ang work nila. Nung una mag kasabay sila lagi kaso simula ng maging busy ang dad napilitan silang mag tig isa ng sasakyan paiba iba din kasi ng location ang work ni dad kaya sabi ni mommy mag tig isa na sila ng car para hindi na mapagod pa ang daddy sa pag sundo sa kanya since sanay naman ang mommy na mag maneho.

"Yes mom. Take care! Dad take care! Ingat po." sabi ko sa kanilang dalawa at tuluyan na nga silang umalis.

Nang matapos akong mag dilig bumalik na ako sa kwarto para maligo pero bago ako makapasok ng banyo nakita kong umilaw ang phone ko.

Belle Le ChaosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora