Chapter 8

11 1 0
                                    

Nag stretching muna kami bago mag start at pagkatapos ay nag simula na kaming mag practice, hindi ako makapag sayaw ng maayos dahil naiilang ako kay aziel. Nakakahiya na mag sayaw habang nanonood sya at titig na titig sa ginagawa ko.

Yung iba ay nakalimutan ang ibang steps na itinuro kahapon kaya inulit ulit namin hanggang sa mag sabay sabay na kami at makuha na ng lahat.

Pasimple akong lumingon sa gawi nya at nakita ko na titig na titig pa din sya sa gawi ko. Fvck! Bat ba kase to nandito e!

Binalik ko nalang ang atensyon sa ginagawa ko kase habang inaalala ko si aziel na nadito nawawalan ako ng focus.

"So dahil naalala na ng lahat yung steps kahapon. Let's now proceed sa kasunod na steps." sabi ni charlene at itinuro na ang sunod na steps.

Madali ko naman nakuha at ganon din ang iba kaya sinundan pa nya ng iba pang steps. Nang medyo madami dami na ang itinuro nyang bago pinaulit nya ito samin mula sa umpisa.

"One, two, three, four, five, six, seven eight... eight, seven, six, five.." bilang nya habang sinasabayan namin ng steps na tinuro nya.

Tatlong beses naming inulit ang buong steps na itinuro nya hanggang sa naisipan nyang isabay na ito sa tugtog. Napatingin naman ako sa gawi ni aziel ng mapansin na tumayo sya sa inuupuan nya at lumakad papunta sa kung saan.

Nakatitig lang ako sa kanya habang unti unti syang nawawala sa paningin ko. San naman kaya pupunta yon. Napansin din nila megan ang pag alis ni aziel kaya nagtanong ito.

"Kai san yon punta?" tanong ni megan. Napabaling naman ako sa kanya saka nag kibit ng balikat.

Ako pa tinanong syempre hindi ko din alam kase hindi naman sinabi sakin. Okay na din na umalis sya para hindi na ako mailang mag sayaw.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa harapan habang iniintay na mahanap yung kanta na sasabayan namin. Makalipas ang ilang minutong pag hahanap nakita din ito.

"Okay guys pwesto na muna ipe-play ko na ang tugtog." sabi ni charlene habang nakatingin samin.

Nang umayos na kaming lahat ay pinatugtog na ang kanta na sasabayan namin. Nag intay kami ng sign na galing kay charlene bago namin sayawin ang itinuro nya. Medyo mahaba kasi ang intro na to hindi namin alam san kami papasok.

"Three, two, one.. go." sigaw nya bilang sign na dito na ipapasok ang steps na itinuro nya.

Isinabay namin ang steps na itinuro nya sa kanta. Pasok na pasok sa beat ang bawat galaw namin dito, bagay na bagay. Nang matapos namin sayawin kung hanggang san lang ang itinuro nya. Break daw muna kami ng 30 mins.

"Guys 30 mins lang ha tas balik na kayo agad. Para matapos na din natin yung sayaw konti nalang naman." sabi ni charlene bago nag hiwa hiwalay ang mga kaklase ko para kumain muna at mag pahinga.

Lumapit ako sa gamit ko para kunin ito ganon din naman ang ginawa nila megan.

"Nagugutom ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ako hindi. Nauuhaw lang." sagot ni gwyneth.

"Tara makabili ng tubig." sabi ko naman sa kanila sabay lakad papalapit sa pinaka malapit na nagtitinda ng tubig.

Bumili ako ng para sa akin at ganon din naman sila. Napatingin ako kay ana ng kinalabit nya ako.

"Look at that bitch! He bought you food." sabi nito sabay turo sa bandang likod ko kaya napatingin doon.

Nakita ko si aziel na may dalang paper bag from McDo and a Milktea. Binalik ko ang tingin kay ana sabay kibit balikat.

"How sure are you na sa akin yan ana? Malay mo nagutom sya kaya bumili ng makakain nya." sabi ko sabay taas ng kilay sa kanya napairap naman sya tsaka nag salita.

Belle Le ChaosWhere stories live. Discover now