Part 3

62.1K 2K 4.8K
                                    





INIS na sumagot
si Sloane sa tawag ni Chelsea sa cellphone ni Helga. Natutulog noon ang kanyang misis at masama ang pakiramdam.

"My wife is sick, alright?"

Mas lalo namang nataranta ang executive assistant ni Helga. "H-ha? Anong nangyari sa kanya?"

"Naulanan kami kahapon," simpleng sagot ni Sloane.

"Kailan ba kayo uuwi? Nagagalit na sa akin si Sir Vasco."

"He's not your immediate superior, don't mind him. Kausapin niya kamo si Helga."

"So matatagalan pa kayo?"

"Yes. Call it indefinite leave. Kailangan ni Helga ng pahinga. For God's sake, bumalik nga siya agad sa trabaho pagkalibing ng Lolo niya."

"Okay, Sir. Ang totoo ay okay naman kami dito ni Sir Elian, makulit lang ang Dad ni Helga. Ang sungit pa lately, pati si Sir Elian pinapagalitan niya."

Bumuntonghininga si Sloane. Si Vasco Tuazon ang dahilan kaya nagpakalayo muna silang mag-asawa. Helga couldn't take it anymore, lumala ang pagka-overbearing ng ama nito mula nang pumanaw ang matandang Tuazon. His wife broke down in front of him, admitting she was not happy. May pumiga na naman sa kanyang dibdib nang maalala ang tagpong iyon. He could recall that terrible pain again, pain from feeling what she had been going through.

But everything should be okay now, he thought; or at least 'workable'. Pinapapasok na siya kahit paano ni Helga sa buhay nito at ipinapadama nito sa kanya kung gaano ito nagpapasalamat na magkapiling sila.

He had promised his wife that he would be there for her no matter what, and he would be beside her as she finds happiness in this life. Siguro, kung may masakit pero pinaka-profound na pangyayari sa kanyang buhay ay iyon na 'yun. It had hurt him but it had also made him stronger and more resilient.

"Tell him to leave my wife alone," galit na sabi ni Sloane bago nagpaalam sa kausap.

Hinintay ni Sloane na mai-deliver ang mga pagkain bago siya bumalik sa kuwarto ni Helga. Gising na ang babae pagpasok niya doon.

"Kakain na?" nakangiting tanong nito kahit medyo paos ang boses.

Her smile warmed his heart. If he could only keep that on her face forever, he would pay any price for it to happen.

Helga used to be so cold and stiff around him. Hindi siya nito gusto at naaalibadbaran ito sa kanya sa mga unang encounter nila. Palagi itong masungit at hindi makahirit ang kanyang abs kahit halos nagka-pulmunya na siya sa kakahubad-baro sa paligid nito. But as time went by— almost four months now, to be exact; she had learned to gradually softened and more accepting to him. She also learned to acknowledge the attraction that she had for him. Hindi man maganda ang naging dahilan kaya sila nauwi sa pagsi-sex sa Maldives ay lubos niya pa ring ikinatutuwa iyon dahil doon sila nag-umpisang magkalapit. They could deny everything else about them except the mutual sexual attraction.

"Huwag ka nang bumaba sa kama. I'll feed you right here," sabi niya at mabilis na inilapag sa kama ang mga pagkain na nasa mga disposable plastic containers.

"Feed me? Okay na ako, konting sinat lang iyong kanina," nakangusong sabi ni Helga.

"Huwag matigas ang ulo," he insisted as he opened the container for the tom yum soup.

Mabilis namang dinampot nito ang kutsara. "Huwag mo akong susubuan!"

Napailing na lamang si Sloane. "Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? That you'd let me take care of you?"

"Yes," she replied with a prolonged S. "Inaalagaan mo naman ako ngayon, but I can feed myself, you know?"

Ibinigay niya rito ang container ng soup. "Right."

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now