Part 14

36.6K 1.8K 857
                                    




HELGA and her mother-in-law
went for a quick shopping after going to the spa at doon sila sinipot ni Sloane na bigla na lang umakbay sa kanilang magbiyenan.

"How are my lovely girls?" bati nito sa kanila ni Natalia at binigyan sila ng tig-isang halik sa pisngi.

"Nagugutom na ang asawa mo, antagal mong dumating. May taping pa ako mamaya!" asik naman ni Natalia sa anak sabay kurot sa tiyan nito.

"Sorry, traffic was bad," paumanhin ng lalaki saka iniyakap ang kamay sa sa beywang ni Helga.

Magkasama silang tatlo na nag-late lunch. Hinayaan lang ni Helga na magkamustahan at mag-usap ang mag-ina. Matagal-tagal ding hindi nagkita ang mga ito.

"Ewan ko ba, anak. Ako itong parang nenerbiyos," sabi ng ginang nang mapunta ang usapan tungkol sa guesting ni Sloane sa concert ni Alina. "Excited ako noong una pero ngayong malapit na e ewan ko't bigla akong nenerbiyos for you. Are you rehearsing enough for it? Baka nali-late ka—"

"Mommy, relax lang kayo diyan. Ako na'ng bahala. Alam n'yo namang flexible ang unico hijo ninyo, kaya kong mag-adjust kahit sa pinakamahirap na sitwasyon," sabi ni Sloane na kumindat pa kay Helga.

Maya-maya ay nagpaalam na si Natalia, hindi na nito hinintay ang dessert dahil hahabol pa daw sa taping sa hapong iyon.

"You're too quiet," puna sa kanya ni Sloane nang maiwan silang mag-asawa sa mesa.

She saw that 'look' again. 'Yung tingin nitong parang nag-i-expect na sasabihin niyang hindi siya okay. Was there something wrong that she had been missing all this time?

"Pinapanood ko lang kayong mag-usap ng mommy mo, nakakatuwa kasi," nakangiting sabi niya, trying to beat the nagging feeling of overreacting to that weird look her husband was giving her. "Are you ready for your big night? Next Friday na pala iyon."

Bumuntonghininga si Sloane at naghilot ng batok. "Yeah, I guess."

Nagsalubong ang mga kilay ni Helga. "Sloane, ha? Baka pala all this time ay napipilitan ka lang gawin ito dahil napasubo ka na sa usapan namin ni Alina."

Umiling si Sloane. "No, no. I want this, too. Hindi lahat nabibigyan ng chance na ganito. Besides, nakasingit ang PhilGold Bank as a sponsor sa last minute."

"You know, I heard, sold out ang concert dahil sa iyo."

Pangiwi itong natawa. "Nah, nagkataon lang iyon," humble nitong sabi.

"Alam mo, minsan, nakakainis ang humility mo," ani Helga. "Mga ganitong pagkakataon ka dapat magyabang, Cartagena!"

Humalakhak si Sloane. "It just feels surreal, I guess. I mean, who could've thought I would be guesting in a major concert?"

Inabot ni Helga ang kamay nito. "You'll be fine. I will be there, clapping for you," nakangiting sabi niya sa asawa.




NATULOY din ang ipinangakong shopping ni Helga sa kanyang kapatid. Kalahating araw din sila nitong magkasama.

"Baka may gagawin ka pa sa office?" sabi ni Jersey nang hinihintay nila ang order nilang lunch.

"Kanina mo pa ako tinataboy!" pabirong asik niya rito.

Tumawa si Jersey, napansin niya namang parang sintunado ang tono nito. Actually, kanina pa siya may napapansing parang kakaiba rito. Parang may gusto itong sabihin sa kanya ngunit nagdadalawang-isip.

"What's wrong?" sita ni Helga. "Kanina ka pa parang... 'di ko ma-describe sa totoo lang."

"Eh. Doesn't matter, I guess," gusot ang ilong na sabi ni Jersey. "I mean, may asawa ka naman na."

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now