Part 12

44.9K 2K 934
                                    






BISITA ni Helga
si Jersey isang umaga, pinapunta niya ito sa bahay niya para kunin 'yung mga ibibigay niyang gamit dito para ibenta. May buy and sell business ito ng used designer's items, kasosyo ang kaibigan.

"Wala kang pasok?" tanong sa kanya ng kapatid habang paakyat sila sa hagdanan pagtungo sa master's bedroom.

"I decided to work from home today."

Liningon siya nito. "Himala."

Natawa at napailing na lang siya. Pati mga kasambahay ay nagtataka rin dahil hindi siya pumasok nang araw na iyon at wala naman siyang pupuntahan.

"Hey, are you on Facebook? Trending na naman ang asawa mo mula kagabi."

Nangunot ang noo ni Helga. "No, I'm not in Facebook. Ano na namang balita 'yan?"

"Oh, it's good news, actually."

"Ano'ng news?"

"'Yung maid niyang si Connie, nag-post sa Facebook. Nagkuwento siya about sa buhay niya, kung paanong tinakasan niya ang abusive husband niya sa probinsiya. Tapos binida niya si Sloane, napakaswerte daw niya na naging amo niya ito kasi mabait at galante. Pinapaaral daw siya, na kahit lumipat na ng tirahan si Sloane ay pinatira pa rin siya sa dating bahay. So basically, she was saying that Sloane changed her life."

"And it's trending?" nagtatakang usal niya.

"Yes! Alam mo naman ang good deeds ngayon; minsan, magbigay ka nga lang ng limos e trending na. Saka deserved naman ni Sloane iyon, para makita din ng mga tao ang other side niya."

"Well, that's nice at least. Sana matabunan na rin mga intriga sa kanya."

"Oh, it's working. Buti naman at natabunan na 'yung video naming sumasayaw sa pool party. May mga umaway sa akin online at pinagalitan ba naman ako ni Papa."

"I'm sorry you got dragged into this, Jersey."

"It's alright." Tumawa ito. "Dumami din customers namin sa Blitz. Saka siyempre nag-post din ako ng disclaimer ko, ano? Ay, like ko pala 'yung paliwanag ni Sloane sa IG niya, straight to the point. Okay 'yun sinabi niyang my wife and my marriage is none of your business. Antaray! Pero in fairness, daming likes tas biglang dami din followers niya."

"Yeah, I saw that. Pinag-usapan na namin na huwag siya magpo-post masyado tungkol sa marriage namin. Okay na 'yung isang pic namin doon."

"Dapat lang 'yun, huwag siyang mag-post masyado tungkol sa private life niya kasi pati ikaw makakaladkad din sa showbiz lalo na ngayon at pasikat nang pasikat na siya. Grabe, sold-out na daw 'yung concert ni Alina and everybody was saying it was because of Sloane."

Hindi itinago ni Jersey ang pagkamangha nang pumasok sila sa kanyang kwarto. She gasped really loud in pure awe and wonder.

"Wow! What are you, Queen of England?" eksaheradong bulalas nito na iginala ang paningin sa paligid ng maluwag na silid. At mas lalo itong namangha nang buksan niya ang walk-in closet at pinapasok ito roon. "Hot damn! This is like a fucking boutique!" Agad itong gumala roon. "Ooh, gosh! Look at these Blahniks and Louboutins!"

"I can give you two of my Blahnik flats." Dinampot niya ang isang pares ng itim na Manolo Blahnik Hangisi crystal-buckle satin flats.

"What size are those? Parang kasya yata sa akin."

"Seven."

"Aaay! Pareho tayo ng size. Akin na lang 'yan!"

"Jerusha, akala ko ba nandito ka para kumuha ng ibebenta sa business mo?"

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ