Part 7

35.7K 1.9K 1.2K
                                    





"BABE!" tawag ni
Helga kay Sloane sabay kaway dito. Bumaling siya kay Jaidon. "That's him, that's my husband," may pride sa kanyang boses na sabi niya rito.

"Ah. Lagi ko siyang nakikita sa TV commercial," tila nagulat namang sabi ng gobernador habang tinitingnan si Sloane na papalapit sa kanila. Hindi siguro inaasahan na isang celebrity ang kanyang pinakasalan.

Sinalubong ni Helga ang kanyang asawa at bago pa siya nakahawak sa braso nito ay mabilis nitong ipinaikot ang kaliwang kamay sa kanyang beywang. He was holding her possessively.

Ipinakilala ni Sloane ang sarili sa gobernador at nakipagkamay. Hinangaan ni Helga ang pagdadala nito sa sarili. Her husband was really something, kaya nitong humarap sa kahit na sinong tao.

"I'm sorry but I have to excuse myself," pagkuwa'y sabi sa kanila Sloane. "Kailangan na kasi ako sa backstage."

"Oh, right! Your number is coming," naalala ni Helga.

"Yeah. Hinanap lang kita para magpaalam."

Natawa siya. "Bakit ka pa magpapaalam?"

"Baka hanapin mo ako bigla sa table natin." Bumitiw na ito sa kanya. "I'm glad to finally meet you, Governor Silvanus," baling nito kay Jaidon.

"My pleasure," sabi naman ng gobernador.

Nagpaalam na rin si Helga rito, kahit na-appreciate niya naman na gustong hayaan lang siya ng kanyang asawa na tumayo doon kasama si Jaidon ay mas gusto niyang bumalik sa kanilang mesa at doon panoorin ang performance ni Sloane.

"Iyon pala 'yung crush mo," sabi ni Sloane habang naglalakad sila palayo kay Jaidon. "Hindi naman kaguwapuhan sa personal."

Ang lakas ng tawa ni Helga. "You got jealous, didn't you? Ang sama ng tingin mo sa amin kanina."

"Oo. Pero kinilig ako bigla noong tinawang mo akong 'babe'. Ang rupok ko talaga pagdating sa iyo."

"Oo na, mas guwapo ka na sa kanya! And that's a fact, by the way."

"What is he doing here anyway? Ah, baka isa siya sa sponsors pala."

"Won't be surprising, madami siyang sinusuportahang charities. Alam mo na, politician kasi. Kailangan din niyang maging visible sa mga tao. Saka I heard he might consider running for senator."

"Hey, I gotta go," paalam na sa kanya nito nang maihatid siya sa mesa.

"Break a leg," sabi niya at humalik siya sa pisngi nito.




UNANG nag-perform sa number na iyon ang singer-dancer na si Alina, kasama nito ang mga lalaking celebrity na nakasuot ng sleep wear gaya ng tank tops, boxer shorts at pyjama bottoms. She was wearing a short nude sheer dress with crystals embellishments and singing Don't Stop Now while the male models walked the ramp. Mayroon itong nilapitang dalawa sa mga iyon at sensuwal na dinikitan sabay giling. Umingay ang mga nanonood doon; may mga pumalakpak, pumito at tumili.

Kung hindi nagkakamali si Helga, si Alina 'yung naririnig niyang wala raw totoong talent sa pagkanta at dinadaan na lamang sa sayaw ang performance. Payak lang ang singing voice nito sa kanyang pandinig, may nahimigan pa nga siyang nawala ito sa tono; but at least Alina was singing live and she could dance really, really well. Partida, sobrang taas pa ng heels ng mga sapatos nito.

Sumunod ang number ni Sloane kung saan siya kumanta ng Slow Hands habang rumarampa naman ang mga babaeng celebrity ng ATI. Tulad ng mga lalaki kanina ay nakasuot din ang mga ito ng mga sexy na pantulog at underwear. Kulang na lang mga faux wings na nakakabit sa mga ito at magmumukhang Victoria's Secret ang performance. Nakasuot si Sloane ng medyo hapit na denims na may tastas sa magkabilang tuhod, naka-white shirt na bakat sa katawan at itim na Adidas daily sneakers. The pretty girls on the stage made him looked more dashing and hot.

"I just wanna take my time. We could do this, baby, all night, yeah. 'Cause I want you bad. Yeah, I want you, baby."

Napatawa si Helga nang kumindat sa kanya ang asawa habang kumakanta at mabagal na umiindak sa stage. May ilan sa mga babaeng modelo ang lumapit kay Sloane at hinawakan ito sa balikat at inikutan habang sumasayaw. Mayroon din itong mga inalalayan sa paglakad. Sinabi ni Sloane ang lahat ng mga ito ni Helga kaya expected na niya ang mga mangyayari sa stage.

Pagkatapos ng performance ni Sloane ay may duet ito kasama si Alina. Kinanta ng mga ito ang Señorita habang nakatayo sa magkabilang dulo ng stage at naglalakad ang mga babae at lalaking modelo na naka-swimming attire. Sa kalagitnaan ng kanta ay naglapit ang dalawa sa gitna ng stage at doon sumayaw habang kumakanta. Umingay uli ang audience nang haplusin ni Alina ng dibdib ni Sloane habang gumigiling ito. At nagsigawan ang lahat nang baklasin nito ang suot na t-shirt ng lalaki.

May ganoon talaga?! Wala yatang nasabi sa kanya ang magaling niyang asawa?

Bitch. I should've brought my gun, natatawang naisip ni Helga.

Mahahalatang nagulat naman si Sloane sa ginawa ng kapareha ngunit tuloy pa rin ito sa pag-indak at pagkanta. He tried to look cool amidst his obvious uneasiness when Alina started twerking with her butt near his crotch. That reminded Helga of that Miley Cyrus fiasco some few years back. Nang sa bandang interlude ay inilapit ni Sloane ang bibig sa tenga ni Alina habang sabay na nagsasayaw ang mga ito at parang may sinabi ito rito. Nakita ni Helga na nanlaki ang mga mata ng babaeng performer sa narinig nito at tumingin pa sa mesang kinaroroonan niya bago ito pasimpleng lumayo kay Sloane.

Natapos ang number sa masigabong palakpakan ng mga tao roon. May standing ovation pa. The audience were very pleased, especially the members of media. May bagong scoop na naman kasi ang mga ito.

Nagulat naman si Helga nang lumapit sa kanya si Alina, hindi pala ito tumuloy sa back stage kasama ng mga kasama nito sa performance.

"Hello, Mrs. Cartagena. I'm Alina," tila awkward at nahihiya nitong pagpapakilala sa kanya.

Tumayo siya at nakipagkamay. "Hi, Alina. You can call me Helga, please."

Pinagsalikop nito ang dalawang palad sa dibdib. "I am very, very sorry, Helga. Hindi ko alam na married na pala si Sloane kundi pa niya sinabi sa akin during our number. Oh, my gosh. Nakakahiya!" natataranta nitong sabi na mukhang genuine naman ang apology. "Sinunod ko lang kasi 'yung napag-usapan naming sayaw ni Von, kung alam ko lang sana na—"

"Oh, no need to apologize, really," bukal sa loob na sabi naman ni Helga. "Sana hindi na lang sinabi sa 'yo ni Sloane doon, mukhang nasira pa yata ang sayaw ninyo."

"Okay lang iyon. Wala naman talagang choreography iyon."

"You both did an excellent job," sabad naman ni Rada. "Congratulations."

"Thank you," ani Alina rito. Bahagya itong tumawa, parang lumuwang ang dibdib. "Anyway, maiwan ko na kayo. Thank you for being a good sport, Helga."

"No problem. It's nice meeting you, Alina."

Nakangiting tumalikod na ito sa kanya. Naka-dalawang hakbang ito nang lumingon sa kanya. "I like your dress, by the way. You're very pretty and fabulous. Magaling pumili si Sloane," nakangiting sabi nito saka mabilis na naglakad palayo.  

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Onde histórias criam vida. Descubra agora