Part 11 (SPG)

65.4K 2.4K 720
                                    


NAG-FLASHBACK sa isipan ni Helga noong unang pagkakataon na hinihintay siya ni Sloane sa kanyang opisina. Hindi pa sila ikinakasal noon at kinukulit siya ng lalaki na kumain sila ng lunch. Ewan niya talaga kung ano'ng gayuma ang taglay nito at nagpapakulit naman siya talaga.

Here he was again in her office, patiently waiting to take her out for lunch. Kaibahan lang ngayon, may trabaho na ito. At asawa na rin niya ito.

She told him maybe for the third time na last ten minutes na lang, pero as usual, inaatake na naman siya ng pagka-OC niya at hindi niya matapos-tapos ang tsini-check na report sa kanyang computer.

"Take your time, babe. Don't worry about me. Nakikipag-brainstorming ako kay Colberto para sa next pictorial," sabi naman nito na nakatingin sa smartphone.

Sa pagmamadaling matapos ang ginagawa ay hindi na namalayan ni Helga na twenty minutes na naman ang lumipas. Hindi na rin niya namalayan ang paglapit ng kanyang asawa sa kanyang office desk. Nang mapansin niya ito ay nasa tabi na niya, looking warmly at her.

"What?" nakangiting sita niya rito.

Masuyong hinawakan ni Sloane ang kanyang baba saka siya ginawaran ng banayad na halik sa bibig. Napapikit siya sa tamis na dulot niyon.

"That's what," nakangiti ring sabi nito saka bumalik na sa inuupuan nitong sofa.

"That's not fair," kunwa'y asar niyang sabi nang ibalik ang tingin sa monitor ng computer, hindi maalis-alis ang kilig na parang kumikiliti sa kanya. "Now I'm distracted."

Tumawa si Sloane. "Sorry for kissing you, babe. Well, 'not really sorry. You were just too irresistible."

"Ah, fuck it." Tumayo na si Helga at dinampot ang bag. "Let's go."

"'You sure? I told you, makapaghihintay ako—"

"I'm sure." Naglakad na siya palayo sa kanyang mesa. "C'mon, bago magbago ang isipan ko."

Ang lunch na usapan nila ay nauwi sa paggala sa labas. They went shopping and then to the theater. Pasado alas-diyes na ng gabi nang makauwi sila.

"I need a shower," sabi ni Helga habang hinahatid siya ni Sloane sa kanyang silid.

"Yeah, me too. Ang init sa labas kanina."

"Wala kang lakad bukas?"

"I have a meeting with ATI. Saka pictorial with Alina. Pero mga tanghali naman iyon."

"Are you tired?"

Tumawa si Sloane nang hilahin niya ang kamay nito pagbukas niya ng pinto ng master's bedroom.

"Misis, may masama ka yatang balak?"

Pabirong inirapan niya naman ito. "Well, kung gusto mo lang naman mag-shower kasama ko. And, well, andami kong kinain today, lalo na 'yung popcorn sa sinehan." She winked at him. "I need to... you know, burn calories."

"Pinagsasamantalahan mo na naman ang kahinaan ko."

"Kung ayaw mo naman—"

"Tinatanong pa ba 'yan? C'mon, let's burn the god damn calories!"

Ito tuloy ang humila sa kanya papasok ng kwarto at diretso sa banyo. Ito rin ang humubad sa kanyang mga kasuotan at doon pa lang ay nag-init na siya dahil lahat ng dinaanan ng mga kamay nito ay siniguradong hindi rin pinalampas ng bibig nito.

"Let's get in the shower," Helga reminded him with a giggle.

Sloane set the wide square overhead shower on a gentle rain setting while they soaped each other's body.

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now