Part 10

41.1K 1.9K 2.3K
                                    






KATATAPOS lang nilang
mananghalian sa Binondo at kumakain ng halo-halo ang mag-asawa bilang panghimagas. Lubhang na-enjoy ni Helga ang gumala sa labas at nakisama naman ang panahon dahil hindi umulan sa buong araw na iyon.

"Andami-dami ko nang nakain!" sabi niya na sinundan ng subo ng toppings na leche flan at ube.

Hindi na niya matandaan kung ilang kainan na ang pinasok nila mula pa kaninang umaga.

"Slow down. Maghapon tayo dito, remember?" paalala naman ni Sloane na may binabasang text yata sa cellphone nito.

"Who is that, if you don't mind me asking?" she politely asked when he silenced the phone after it rang.

Bumuntonghininga ito bago siya sumagot. "Some old acquaintance."

"Babae?" pabirong tanong niya.

Tumango si Sloane. Mukhang hindi naman nagbabalak magsinungaling. "Kinukulit ako tungkol sa atin."

Tumaas ang isang kilay ni Helga, natigil sa paghalo ng kinakain. "What do you mean?"

"You know, about our marriage. Kung legit daw ba ang samahan natin."

"What? Sino ba 'yan? Parang kanina ka pa tini-text."

"Sorry about that, hindi ko sinabi sa iyo kasi ayokong masira ang araw mo. Anyway, never mind her, babe. Makulit lang 'yan minsan."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino 'yan, sabi? Ex-girlfriend mo?"

"Not really. More of ex-friend with benefits."

"Fuck buddy?"

Natawa si Sloane. "Yes."

"Nandoon ba siya noong pool party mo?"

"Oo, nandoon siya."

Napatango-tango si Helga nang may maalala. "Siya 'yung gumigiling na kasayaw mo noon, ano? 'Yung naka-red and black na bikini?"

Natawa uli si Sloane. "Oo, siya nga iyon."

"'Yung parang palakol ang mga ngipin? 'Yung malaki ang mga mata at buhaghag ang buhok?"

"What the hell?" He laughed so hard until he snorted. "Mapanlait ka rin pala."

She grinned. "Iba ang nanglalait sa nagsasabi ng totoo."

"Right."

"Kelan pa 'yan nagte-text sa iyo?"

"Last week 'yung una, hindi ko lang pinansin tapos kanina lang uli. Napanood kasi 'yung performance ko sa ATI, baka nagdudang hindi tayo okay kasi nandoon ako sa stage at nakikipagsayawan sa ibang mga babae."

"Hello! E, performance nga, 'di ba? Masyadong presumptuous 'yang babaeng iyan, ha? What's her name?"

"Alexa."

"Saan siya nakatira?"

"Helga, you are not going to hurt anybody!" nasisindak na sabi ni Sloane.

"Hurt agad?" Ngumuso siya. "Nagtatanong lang ako."

"Masisisi mo ba ako? Nakatikim na ako ng Black Widow moves mo."

"Babarilin ko lang sa tenga."

"Helga!" bulalas ni Sloane.

"Fine. Sapakin ko na lang." Hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagtawa. "I'm joking, alright?"

He grinned at her. "I thought you said you're not a jealous woman?"

"Hindi naman talaga." Humalukipkip siya. "Look, I can totally understand if other women would admire you, I mean... you're extremely good-looking. Kahit na sinong babae naman siguro diyan ay hindi ko masisisi. Pero ibang usapan na 'yung may sadyang umaaligid sa iyo na pinagdududahan pa ang kasal natin."

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now