Part 4

49.2K 1.9K 2.8K
                                    




SA Le Monet
Hotel sila nag-check-in nang araw na iyon at nagpasya silang manatili muna sa loob ng hotel at bukas na lang mamasyal sa labas.

It still felt weird for Helga, running away from everything like that. Kanina ay tumawag sa kanya ang Papa niya at matigas siyang tumanggi na umuwi. She knew she was making him madder at her, pero ang nararamdaman na lang ba nito ang palagi niyang isinasaalang-alang? Besides, this was not about him at all. This was about PhilGold Bank, where she was working as executive vice president for operations. Mahigit tatlong buwan pa lamang ang merger niyon sa Tuazon Banking Services ngunit na-acquire nila agad ang pinakamalaking rural bank sa bansa, ang Prime Network Bank. And now they were already on the way to be the largest bank in the Philippines. Dahil doon kaya mas pressured ang kanyang ama na pag-igihin ang paghawak nila sa negosyo. And to be honest, she was starting to get sick of it all.

Kapapasok nilang mag-asawa sa kuwarto nang tumawag sa kanya si Elian at kinakamusta siya. Na-touch siya sa concern ng kanyang half-brother, ramdam niya ang pag-aalala nito sa boses. Hindi sila lumaking malapit sa isa't-isa, kailan lamang sila nito nagkakausap. Even his bratty little sister Jersey, kailan lang din niya ito nakasundo. But so far, masasabi niya namang they were getting there, slowly but surely.

"Are you sure you're okay? Chelsea told me you were sick," usisa ni Elian.

"Yes, I'm okay. Medyo sinipon lang ako kahapon dahil naulanan ako. Don't worry about me, OA lang ang asawa kong nagsabi kay Chelsea."

"Bakit ka naulanan?"

"Actually, naligo ako sa ulan."

"Wow, really?"

"Yeah." Tumawa siya. "Anyway, kamusta ka diyan? Balita ko ay ikaw ang pini-pressure ni Papa habang wala ako diyan." Elian was her assistant VP.

"Nah, I'm good. Everything is good, actually. Huwag kang mag-alala sa trabaho."

"That's good to hear."

"Yes. Kaya magbakasyon ka lang hanggang gusto mo, okay? Kapag nagkaproblema dito at kinailangan ang tulong mo, I will let you know at once."

"Thank you, Elian."

"No problem."

Masaya siyang nagpaalam sa kanyang kapatid. Such a strange feeling to be that way. She usually get anxious when she was away from work, but now, she was actually relieved. And she was not used of that it was still freaking her out a bit.

"Okay lang talaga sa iyo na magkakuwarto tayo at magkatabi sa kama?" ngingiti-ngiting tanong ni Sloane kay Helga nang inaayos niya ang mga damit sa closet.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Gusto mo pa yatang magbago ang isip ko?"

"Hey, I'm not complaining here!" masayang-masaya namang sabi ng loko bago nag-dive sa kama kasama ang teddy bear. "Do you ever dive at beds?"

"Not really."

"Come, try it!" He patted the space beside him. "C'mon, babe," pilit nito nang nakitang nag-atubili siya.

"Fine," usal ni Helga saka bumuwelo sa pagtalon.

Well, it could've been a perfect landing kung hindi lang siya tumalbog mula sa kutson. Hindi naman agad nakaiwas si Sloane sa kanya at ang resulta ay nagkauntugan silang dalawa.

May tig-isa tuloy silang bukol sa noo na kumakain sa balcony ng kanilang hotel room. At hindi sila makakain nang maayos dahil kada tumingin sila sa isa't-isa ay natatawa sila pareho.

"Stop it," masakit na ang lalamunan na sabi ni Helga. "Kanina ka pa, nakakainis 'to!"

"Sorry, I can't help it," pigil ang pagtawang sabi ni Sloane saka dinampot ang baso para uminom ng tubig.

Noon na niya pinakawalan ang tinitimping pagtawa na sinundan naman ng kanyang asawa habang nasa bibig pa ang tubig. He tried swallowing most of it pero may kaunti itong naibuga.

"Ayan kasi," naaawa at natatawa pa ring sabi niya habang nagpupunas ng bibig ang lalaki. Pagkuwa'y mabini niyang inabot ang mukha nito at maingat na hinaplos ang bukol nito sa kaliwang bahagi ng noo. "Sorry," malambing niyang sabi.

Helga thought she was always cold and distant. Ngunit kay Sloane ay lumabas lahat ng itinatago niyang katangian— she'd say, both negative and positive traits. Naranasan niyang magalit at mainis nang roundtrip sa langit at impiyerno ngunit naranasan niya ring maging pasensiyosa, mabait at malambing. Akalain niya iyon? Malambing. May lambing din pala siya sa katawan! Ni hindi siya naging sweet noon sa ex-boyfriend niya. But then again, naniniwala siyang hindi basta-basta nagkakaroon ng bagong trait, it was either you have it or you don't. So maybe deep inside her, she really had the capacity to be a total sweetheart. Sloane just peeled off layers that were already there.

Kinuha ni Sloane ang kamay niya sa sa mukha nito at hinalikan ang likod niyon. "Sorry din na pinatalon kita sa kama at nauntog ka sa akin."

"Buti nga sa gilid ang bukol mo. Tamo sa akin, gitna pa talaga ng noo, parang unicorn lang na may patubong sungay."

Siyempre pa, nauwi na naman sila sa pagtawa. She couldn't remember any time of her life that she had laughed that much. And it felt so good.




ABALA sa pagpo-post si Sloane sa kanyang Instagram account nang lumabas si Helga mula sa shower. Instantly, her sweet scent filled the room.

Nilingon niya ito at nginitian. "I'll be done in a while, then we can order foods for dinner." Nag-dekuwatro siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

"Are the photos okay? Sorry, I'm not really good at taking pictures," nakangiwing tanong ni Helga.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang smartphone. "They're fine, sweetheart. You did good."

Namasyal sila kanina sa Burnham Park at doon siya kinunan ni Helga ng mga picture suot ang mga ini-endorse niyang damit at sapatos.

"Come to think of it, wala pala akong photos sa phone ko na ako ang kumuha."

"Problema ba 'yun?" sabi ni Sloane bago ibinaba ang smartphone sa katabi niyang maliit na mesa at dinampot ang iPhone ni Helga ni Helga doon. "Come here, let's take selfie with your phone."

Natatawang lumapit ito sa kanya, inayos ang suot na bathrobe. "I look plain. Wala man lang akong pulbo sa mukha."

"No, you look beautiful," sabi niya naman at iginiya ang babae sa kandungan niya matapos iabot dito ang smartphone nito.

Nakatatlong shots din sila bago nakuntento ang babae sa mga pictures.

"O, pili ka na ng pang-wallpaper ng phone mo," biro niya rito.

"Ugh. But, I like my wallpaper plain and dark," ani Helga na hindi umaalis mula sa kanyang kandungan. "Ang ganda talaga ng ngiti mo, your teeth are perfect," saka sabi nito na nakatitig sa kuha nitong picture sa phone. "No wonder kinuha ka ng Colgate for their ads."

"Good genes," sabi niya na lang.

"Nag-post ka na ng pictures natin sa Instagram mo?"

Umiling si Sloane. "Hindi pa, hindi ka pa kasi pumapayag. Magaganda naman 'yung pictures natin kahapon."

"I'll choose later." Iniitsa nito ang iPhone sa kama.

Napangisi siya. "Parang may masama kang balak."

"Excuse me!" Kinurot siya nito sa tiyan. "Kanina ko pa nararamdamang may matigas akong inuupuan, 'no?"

He chuckled. "Well, can you blame me? I have very hot woman sitting on my lap."

"Hmm..." Helga delicately caressed his neck. "Want me to take care of it?"

"Ayaw mong kumain muna? Past seven na."

"Ikaw na lang kakainin ko, mas masarap ka," pilyang sabi nito at unti-unting dumausdos pababa mula sa kanyang mga hita at lumuhod sa pagitan ng mga iyon. 

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now