Part 16

35.1K 1.8K 1.6K
                                    




KASAMA ni Helga
sina Elian at Jersey na nagla-lunch sa isang restaurant. Natutuwa siya at kahit paano ay nagkakalapit na silang magkakapatid. Nabubuwag na ang pader na matagal na nakaharang sa pagitan nila at napag-uusapan na nila ang kahit ano. Parang may isang espasyo sa kanyang kalooban ang napunan at lubos niyang ipinagpapasalamat iyon.

"How's Blitz?" pangangamusta niya kay Jersey.

"It's doing good," masayang sagot nito. "May bumili nu'ng LV bag mo noong isang araw."

"That's awesome!"

"Iniipon mo ba ang tubo?" sabad naman ni Elian.

Inirapan ito ni Jersey. "Of course! Wala ka talagang tiwala sa akin kahit kelan, eh."

"Masisisi mo ba ako?"

Muling bumaling si Jersey kay Helga. "Dumami sales namin noong nag-model si Sloane ng mga product namin," tumatawang balita nito. "Pati mga pambabaeng bag at sapatos, pinatulan niya; he posed with them talaga. I don't know how he was able to pull it off but he did! 'Yung naging datingan ng picture e mister na nagsha-shopping para sa wife niya. Ang galing lang! Napaka-natural talaga ang charm at convincing power ng asawa mo, Ate." Tumingin ito kay Elian. "'Di gaya ng iba diyan, kahit yata buy one, take five na 'yung products e hindi makakabenta dahil sa masamang hilatsa ng mukha."

Tumawa si Helga. "Leave our poor brother alone, Jersey."

Lumabi pa ito. "Totoo naman! Palibhasa walang girlfriend. Ay, wait... 'Di ba single pa si Beryl? Baka puwedeng ireto mo si Kuya sa kanya. What do you think?"

"Jerusha!" asik dito ni Elian.

Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Helga. "Hmn, why not? Kausapin ko nga si Sloane."

"What the—... No!" bulalas ni Elian.

"Hindi mo pa siya nakikita, 'di ba? Invite ko nga siya minsan ng lunch sa penthouse para makilala mo," nakangising sabi niya rito.

"She's very pretty, Kuya," segunda naman ni Jersey. "She's like three years older than you yata, pero okay lang kasi parang forty years old naman ang looks at mindset mo."

Napailing na lamang ang pobreng si Elian at yumuko para ipagpatuloy ang pagkain.

Sinenyasahan naman ni Helga si Jersey na tumigil na sa pang-aasar sa lalaki.

"Ay alam n'yo, trending pa rin mga video clips ni Sloane sa concert ni Alina," pagkuwa'y balita ni Jersey. "My gosh! He literally stole the show! Si Sloane talaga ang pinag-uusapan ng mga tao hanggang ngayon. Asar na asar tuloy 'yung nanay ni Alina."

Aware si Helga roon. Mas inabangan ng mga nagpunta sa concert ang performance ni Sloane. They yelled 'more' everytime he finished a song and the director had to ask him to sing extra. Mabuti na lang at nakapag-practice ito ng ibang kanta na wala dapat sa performance nito doon.

"At 'yung picture natin palang magkakatabi nina Beryl at Natalia ay naging meme na," sabi pa ni Jersey.

"Meme?"

Tumawa ito. "Oo. Sino daw sa atin ang misis ni Sloane? Kasi pare-pareho tayong mukhang naiiyak at kinikilig noong nagpa-piano siya at kumakanta. Kaloka!"

Humalakhak si Helga sabay sapo sa noo, natawa din si Elian. Wala sa mga plano niya sa buhay na maging internet meme, utang-na-loob! Diyos na mahabagin, literal na bumaliktad talaga ang buhay niya mula nang mag-asawa siya.

"E, napaka-soulful kasi 'yung pagkanta niya ng I Need You," kinikilig pang sabi ni Jersey. "Grabe, damang-dama talaga 'yung gusto niyang iparating sa iyo."

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now