Part 15

35K 2K 1.6K
                                    



"H-HOW—... Did Jersey
tell you?" tanong ni Helga sa asawa.

Umiling ito. "Nakausap ko si Danson."

She was confused. "W-when?"

"Last Tuesday. Nagpunta ako sa gallery niya para tumingin ng maireregalo sa wedding anniversary ng parents ko. I saw him there, he recognized me. We talked for a while. His wife was there, too."

Helga was speechless for a few seconds. "B-bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"I—i didn't know how."

"What do you mean?"

"Helga..."

"Ayaw mo ba akong masaktan kung malalaman ko? Is that it? Pinuprotektahan mo ako?"

Nabanaag niya ang gumuhit na guilt sa mukha ng asawa ngunit bukod pa roon ay iba pa siyang nakita na hindi niya matukoy. His jaw clenched.

"Sloane..." Bumuntonghininga siya. "Hindi naman maiiwasan iyon, 'di ba? Yes, I am hurting; but I am dealing with it," pag-amin niya, na sa kanyang pagtataka ay parang nakagaan iyon ng kalooban niya. "I can handle this, I will be fine," she firmly declared. "Look, I appreciate your concern but you don't always need to be my shield when something like this happens."

"Paano kung hindi lang ikaw ang gusto kong protektahan?" mababa ang boses na tanong ni Sloane.

Nagsalubong ang mga kilay ni Helga.

"P-paano kung gusto ko rin palang protektahan ang sarili ko? Na ayaw ko ring masaktan kung makikita ko ang reaksiyon mo sa pagpapakasal ng ex-boyfriend mo?"

"W-what? Pero Sloane, asawa mo na ako."

"Exactly."

She tasted the bitterness in his tone.

"Are you jealous of him?" kastigo niya.

"It's beyond jealousy, Helga." Humilot ito sa batok. "You have no idea," he muttered under his breath.

"Try me."

"I-it's like..." Nagbuga ito ng hangin, parang binubuo muna sa isip ang gustong sabihin. "You love him," nagtitiim ang mga ngipin na sabi nito, naniningkit ang mga mata. There were pain on them; fury, jealousy. "And you are married to me because of obligation. Do you understand what I mean? 'Yung... 'yung parang nasa buhay mo lang ako ngayon, kasi... k-kasi wala ka nang ibang choice. I know I'm not supposed to think this way, and I'm sorry but I just can't help it right now." Naglayo ito ng tingin. "Never mind me, anyway. This will pass."

Nakaramdam si Helga ng hinanakit. "Sa palagay mo ba, hindi rin ako nag-iisip ng ganyan? Funny that you think that way pala kasi pinipigilan ko lang ang sarili kong isipin na all this time ay asawa mo ako dahil marunong ka lang mag-adjust. Na nagugustuhan mo ako kasi wala ka na ring choice, nandito na kasi tayo. Might as well na magkagustuhan na lang—" 

Naputol ang sasabihin niya nang makarinig sila ng tunog ng cellphone. Alam ni Helga na iignurahin iyon ng asawa kaya inunahan na niya ito.

"Answer your phone, Sloane," nahahapong sabi niya rito.

"It's just a reminder for my rehearsal today," he flatly said.

"Then go. Traffic is bad out there, baka ma-late ka. Gusto ko na ring umuwi. I'm tired."

"We will talk later," sabi nito saka siya hinagkan sa pisngi bago ito tumalikod.




HELGA took a short nap when she got home, trying to clear her head and ease the turmoil in her chest. Hindi siya sigurado kung saan siya mas nasasaktan, sa pagpapakasal ba ng dating nobyo o 'yung komprontasyon nilang mag-asawa kanina. Pagkagising niya ay naging malinaw sa kanya ang mas matimbang na sakit.

My Husband Beside Me (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now