Chapter 2

9.8K 403 388
                                    

Chapter 2

It was quite loud dahil sa upbeat music na sumasabog sa speakers, madilim din pero naliliwanagan naman ng mga strobe lights.

Kasama namin kanina ang iba pa naming mga kaibigan sa table namin pero may kakilala si Ynna sa kabilang couch kaya lumipat kami saglit.

"I really hate her!" Inis na sabi ni Ynna habang matatalim na tingin ang ibinabato kay Vaughn na ngayon ay kasama si Zarin.

It's surprising that she's here. I mean, I know that she hasn't turned 18 yet.

Napakunot lang ang noo ko nang makita na may kasama naman si Zarin na isang lalaki. Sinubukan kong kilalanin kung sino 'yon. I got shocked when I realized who it was. The height and built. Sage Del Valle? Sa bar?

Hindi ko lang bahagyang nakilala dahil ngayon ko lang nakitang hindi uniform ang suot at sa labas pa ng SAU.

Of course, we know him. His brother Rage Del Valle, was a heartthrob ng batch nila. Isa pa, parehas lang kami ng strand kaya madalas kong makita sa hallways.

"Tingnan mo't nagdala pa ng lalaki! Hindi ba naiisip ni Vaughn na ginagamit lang s'ya ng babaeng 'yan?" Inis na sabi ni Ynna.

Agad akong napa-irap. Naniniwala talaga s'yang ginagamit lang ni Zarin si Vaughn?

Napa-iling na lang ako. Hindi naman talaga gusto ng mga babae si Zarin. I don't know. Maybe because she's aloof and intimidating. But I don't feel irritated with her. Wala naman kasi s'yang ginagawang masama sa akin.

Isa pa, I can't see what Ynna's talking about. Ginagamit si Vaughn? Sa lahat ng pag-snob n'ya kay Vaughn? Really? I don't think so.

At kung ginagamit nga n'ya si Vaughn, sana ay lagi s'yang nakadikit dito, like what Ynna does.

At ano naman ang makukuha n'ya kay Vaughn? Fame? I don't think she's even interested in that. Money? No. She's rich! To gain friends? I don't think she's interested in that too.

Lumapit na kami sa kumpol nila. Ipinakilala ni Vaughn si Zarin sa ilang mga kaibigan naming nandoon. Vaughn has many friends from different strands and tracks kaya medyo marami rin kami.

Kaya naman hindi na rin ako nagulat na may katabi na namang babae si Seve. May isa pang lumapit at pinagitnaan s'ya.

I pursed my lips and downed a glass of whiskey.

One of the girls was wearing little clothes. Maikling palda. Halter tube top. Long straight hair. Ang isa naman, hot pink na tube dress at kulot ang buhok.

Does Seve really like those kinds of clothes? Agad akong napangiwi.

I'm wearing a tube dress too. Black. Pero hindi kasing ikli ng suot ng isa sa mga babae n'ya na kaunting tuwad lang, makikita na ang gustong makita.

"Oh no." Iling ni Ynna pero nakangiti naman sa akin nang makita siguro si Seve na may kasama ngang mga babae.

She has this treacherous smile I sometimes give her too.

I glared at her and looked away.

"Looks like you need to be drunk tonight, babe." She told me and I ignored her.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now