Chapter 17

6.7K 340 47
                                    

Chapter 17

Pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming mga building ni Lael. Medyo malalim na ang gabi. Kakaunti na lang ang mga sasakyan at payapa na ang halos lahat. Sakay kami ng luma n'yang sedan. Nakababa nang bahagya ang mga bintana dahil sariwa naman ang hangin sa labas dahil walang masyadong mga sasakyan.

Nang tinanong ako kanina ni Lael kung gusto ko nang umuwi, sumang-ayon ako dahil 'yon naman talaga ang plano kong gawin kanina. I simply texted Ynna that I'm going home so if anyone would try to find me, alam na nilang umuwi na ako.

I bit my lip and crossed my arms to my chest when I suddenly remembered what happened earlier.

I can't deny that I liked the hug.

I cleared my throat. Why am I suddenly being shy? It's a hug shared by two friends. It's not like it was the first time I hugged a guy.

I sighed before I looked at Lael.

Dalawang kamay n'ya ang nakahawak sa manibela pero ang kaliwang kamay n'ya, maluwag at bahagya lang ang hawak doon. Ang kanang kamay, nakahawak sa ibabaw ng manibela at medyo mas mahigpit ang hawak doon kaysa sa kaliwa.

Ang kaliwang siko ni Lael, nakapatong sa pintuang nasa kaliwa n'ya at napansin ko ang paninitig n'ya sa kalsada.

What is he thinking?

"Umalis kayo kaagad sa birthday ni Iea?" I asked so we could talk about something.

Napalingon sa akin si Lael at nagtama ang mga tingin namin. He brought his eyes back on the road before he slightly nodded and smiled.

"Oo," he said. "Umalis din kami kaagad."

I got confused with what he said. Umalis kaagad?

Nang nilingon ulit ako ni Lael para sulyapan ang ekspresyon ko, mukhang napansin n'ya ang kalituhan ko kaya agad s'yang nagpaliwanag.

"Hindi kami sumali sa 18 roses," he said.

Agad akong nagulat. I watched him closely as he avoided my eyes. Napatingin ako sa tainga n'yang namumula at lalo akong naguluhan.

"Why?" Naguguluhang tanong ko.

Lael pursed his lips and he glanced at the window beside him pero pakiramdam ko, gusto n'ya lang umiwas nang kaunti sa mga mata ko.

"We told her, weeks before her debut," aniya, hindi direktang sinasagot ang tanong ko. "Humanap na lang kami ng puwedeng kapalit namin."

"Bakit ayaw n'yo na?" I asked.

Tumikhim si Lael at kumunot ang noo n'ya nang kaunti bago ako nilingon. Parang gusto kong mapangisi sa ekspresyon n'ya. He looks like he doesn't want to answer the question.

"Caleb wants to go here," he said before he looked back at the road. "Gusto n'ya akong isama."

Tumango ako pero hindi naman naniniwala. Napangiti ako bago tumingin sa labas ng bintana.

Ilang segundo kaming natahimik bago s'ya nagsalitang ulit.

"Ano'ng sinabi ni Seve?" He asked so I had to look at him again.

Seryoso na ang ekspresyon n'ya at wala na ang nahihiyang ekspresyon n'ya kanina.

I sighed before I looked outside again.

"Just the usual..." I mumbled.

Natahimik kaming dalawa. Parang hinihintay n'yang dugtungan ko pa ang sinabi ko. I bit my lip and sighed.

"That the girl he was with was just a friend," I smirked. "And that I'm the only one for him."

That sounds like crap.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz