Chapter 3

8.2K 354 217
                                    

Chapter 3

Kakaunti lang ang nasa cafe. When we went inside, agad na sumalubong sa akin ang amoy ng brewed coffee at ilang pastries. Pati na ang classical music, dinig na dinig ko sa paligid.

Um-order na muna kaming dalawa. I noticed that he didn't order a coffee. Hindi ko na sana pupunahin pero wala naman kaming magpag-uusapan kapag hindi ko tinanong.

"Hindi ka mahilig sa kape?" I asked when we finally sat down.

Napalingon sa akin si Lael at ngumiti.

"I like it." He said. "But I'm a tea-kind of person..." He chuckled.

Tumango ako at namangha. I didn't know that.

"Hindi halata." I told him and he chuckled.

"Pakiramdam ko hinuhusgahan mo na ako agad nang sobra kahit hindi naman tayo close." He chuckled pero medyo umiiwas ng tingin dahil nahihiya siguro dahil nag-aalangan sa biro.

Napangiti ako. He's right. Ilang beses n'ya na akong ginugulat ngayong gabi. Hindi ko naman kasi talaga s'ya ka-close. I hate making friends. Ngayong gabi, siguro medyo nag-loosen up ako nang kaunti. Nagkataon na gusto ko ng kausap ngayon.

"Ano pa bang tingin mo sa'kin?" He smiled, still unsure of his actions towards me.

All of his attention is on me, though. Kahit na kumportable naman s'yang naka-upo sa upuan n'ya, pakiramdam ko, sa'kin lang talaga s'ya nakatingin.

"Maingay." I smirked and he laughed.

"Tama ka naman." Aniya at umayos ng upo. "Sina Caleb kasi. I'm not usually like this."

Tumango ako at tiningnan ang counter nang tinawag ang mga pangalan namin.

"Ako na." He said before he stood up, hindi na ako hinintay pang umalma.

I watched him. Kitang-kita ko ang kilig ng babae na nagbigay sa kan'ya ng order dahil sa presensya n'ya. It made me remember Ynna.

Agad kong tiningnan ang phone ko at nakitang may messages nga ro'n si Ynna para sa akin.

Ynna:

Where are you?

Napabuntong-hininga ako. Tiningnan ko pa ang isang message na halos kadarating lang din.

It was from Seve. Bubuksan ko na sana ang message pero agad na napa-angat ang tingin ko kay Lael nang dumating s'ya. Nakatingin s'ya sa phone ko pero nang makitang nakatingin ako sa kan'ya, ngumiti naman s'ya at inilapag ang mga inumin namin sa table.

"Si Ynna?" He asked, giving me his warm smile.

Tumango ako. "Hinahanap ako."

"Babalik ka?" He asked.

Umiling ako kaagad at napangiti nang mapait.

"Ayaw ko pa." I said.

Nando'n pa si Seve. As much as I want to spend time with him more, I'm sure that I will see him with a girl again. Ayaw ko ng gano'n. Sumasama ang timpla ng mood ko.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin