Chapter 6

7.2K 354 105
                                    

Chapter 6

"Ililibre mo na ba 'ko n'yan?" Tawa ni Lael nang mapansin n'ya ang titig ko sa kan'ya nang tuluyan nang umalis si Ynna.

I scoffed and I rolled my eyes. 

"You didn't need to do that," I mumbled.

I appreciated it. Ayaw ko na muna talagang kausapin si Seve kaya nang alisin n'ya ako sa situwasyong 'yon kanina, I really appreciate it. Hindi ko lang s'ya mapasalamatan nang diretso dahil nagbibiro na naman. 

Mahilig talagang magbiro si Lael, lalo na si Caleb kaya sanay na ako na palagi silang nakangiti o 'di kaya ay nakatawa. Hindi ko tuloy maseryoso minsan ang sagot sa kan'ya.

"You're welcome," tawa ni Lael.

Tumaas ang isa kong kilay, then my eyes turned into slits, naghihinala ang tingin sa kan'ya.

"Mag-uusap ba talaga tayo tungkol sa project?" I looked at him closely. "Bakit ikaw na naman ang ka-grupo ko?" Nagtatakang tanong ko.

Ka-grupo ko na nga s'ya sa thesis, ka-grupo ko pa s'ya sa project kay Ma'am Santos?

Napangiti si Lael dahil sa tanong ko at do'n pa lang, alam ko nang may kalokohan na naman s'yang gagawin.

Itinuro ni Lael ang sintido n'ya at bahagyang yumuko para ilapit nang bahagya ang mukha sa akin. Hindi ako umatras at kinunotan lang s'ya ng noo. I watched his thick eyelashes as he blinked teasingly at me.

Is he trying to make me feel uncomfortable?

I noticed that his eyes are brown. Lalo na kapag tinatamaan ng liwanag. Ngayong malapit ang mukha n'ya, parang nalulunod ako sa mga mata n'ya.

"People get wise when it's about the person they like," Aniya at ngumisi pa pagkatapos bago umatras ulit at tumayo nang maayos.

He looks confident with what he did pero halata naman ang pamumula ng leeg.

Napamura ako at napangisi, hindi inaalis ang titig ko sa kan'ya. Napangiti si Lael at nakita ko na naman ang dimples sa mga pisngi n'ya.

Ang landi ng isang 'to. Halatang nagbibiro si Lael pero alam ko ring totoo ang sinabi n'ya.

So, he likes me kaya nagawan n'ya ng paraan 'yon? How? S'ya ba ang nag-group sa klase namin?

"Are you serious?" Tanong ko.

Natawa si Lael at tumango, hindi itinatanggi 'yon.

Why is he so vocal about what he feels for me? Dahil alam n'yang hindi naman ako maaapektuhan?

"Ikaw lang yata ang hindi nakakahalatang crush kita," iling n'ya bago naglakad na palabas ng room. "Kain tayo," aya n'ya sa'kin, iniiba na ang usapan.

Lumapit ako sa kan'ya at sabay na kaming naglakad papunta sa ibang cafeteria, iniiwasan ang cafeteria kung saan madalas sina Vaughn.

"'Yung project kay Ma'am Santos?" I asked because although it seems like he just used it as an excuse for Ynna, baka lang kasi gagawin talaga namin 'yon ngayon.

"Matagal pa 'yon," Ngisi n'ya, nililingon ako. "'Wag mo munang isipin."

Tumango ako. Hindi ko matandaan ang detalye ng project na 'yon pero ipapaalala naman siguro ni Lael sa akin 'yon kung kailangan nang gawin. 

He's responsible. Kaya nga sa klase, tuwing may groupings, laging nagdidiwang ang mga kaklase kong nakaka-grupo n'ya. Bukod sa masipag, responsable at considerate pa. Buhat na buhat n'ya ang grupo kapag isa s'ya sa members, lalo na kung s'ya ang leader.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now