Chapter 10

6.8K 405 163
                                    

Chapter 10

She's pretty. That's the first word that entered my mind when Lael's sister finally came home. Soot n'ya ang uniform sa bangkong pinagtatrabahuhan. She has a long straight hair, balingkinitan, at maputi. She has thick eyebrows, thick eyelashes, a small nose, and a pair of soft lips na tulad ni Lael ay laging nakangiti. 

She looks young. I think she's in her mid-twenties. To think na ang bilis n'yang na-promote sa trabaho, she must be really hardworking and dedicated. For years, she took care of Lael. That's amazing.

Hindi ko na suot ang gray shirt ni Lael at natanggal ko na rin ang silk scrunchie ng ate n'ya dahil tapos na ang niluto kanina at naghain na lang muna sa lamesa si Lael. Apat ang pinggang nandoon sa pang-apatan ding lamesa. Caleb seems like he's close to Lael's sister dahil sinalubong n'ya kaagad ang ate ni Lael ng bati.

"Zenica?" Agad na ngiti ng ate ni Lael at nagulat ako dahil alam n'ya ang pangalan ko. "Sorry. Lagi ka kasing naiku-kuwento ni Jax."

Oh, he's usually called through his second name in his house?

"Karmi na lang," she smiled at me.

Her voice is soft and welcoming.

"Crush ni Lael, Karmi," tawa ni Caleb.

"Hay nako, 'Leb. Why do you keep on calling me Karmi? Mag-Ate ka nga? Bastos na batang 'to," iling ni Ate Karmi at inilapag na ang handbag sa isang malapit na counter.

Napatawa ako at pinagmasdan si Caleb na natatawa rin.

"Ate, don't put your bag in the kitchen. Tapos magrereklamo kang nadumihan ang bag mo," irap ni Lael pero halatang nagbibiro bago kinuha ang bag ng ate n'ya at umalis papuntang sala para ilagay do'n ang bag.

"Nakalimutan ko lang!" Tawa ng ate ni Lael at nahihiya s'yang ngumiti sa akin. "Sorry, Zen. These boys are really annoying. Buti nakapunta ka? Laging si Caleb ang nakikita ko rito, eh."

"Suwerte n'yo nga't nakikita n'yo ako parati," Caleb said cockily.

"Ewan ko sa'yo! Dapat nagbabayad ka na ng renta rito. Lagi kang nakikikain," balik ng ate ni Lael sa kan'ya.

I laughed and Caleb laughed too.

"Ba't kasalanan ko? Si Lael naman ang laging nag-aaya?"

Narinig ko ang mura ni Lael para kay Caleb, nakabalik na galing sa sala at natatawa sa paninisi sa kan'ya.

"Lael Jaxtyn," saway ng ate n'ya sa kan'ya.

Lael smirked at his sister. 

"Sorry," he said before he sat with us.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Nagsimula na rin naman kaming kumain. I don't know why although the process of Lael's cooking is simple, it still tasted really good. 

Tulad ni Lael, ma-kuwento rin ang ate n'ya. She told us about some of the things that happened with her throughout the day. 

"Magkaka-klase kayo, 'di ba?" She asked me.

I nodded and smiled a bit at her.

"Mababait ba 'tong dalawa?" She smiled at me.

"S'yempre naman," simangot ni Caleb.

"Maingay," I said.

"I knew it!" Ate Karmi said and I smirked at the two guys. 

Pero tumagal ang tingin ko kay Lael na napatitig din sa akin, amusement is all over his face. Hindi ko alam kung bakit uminit ang mga pisngi ko nang magkasalubong ang mga tingin namin. He shifted his gaze to his sister when Ate Karmi slapped his shoulders.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now