Chapter 28

5.8K 283 37
                                    

Chapter 28

"I'll take my things," I said.

Agad na lumabas si Lael ng kotse n'ya nang sabihin ko 'yon habang nilingon naman ako ni Caleb.

Tahimik ang parking area ng ospital at may iilang sasakyan ding naka-park doon. Mabilis kaming naka-uwi. Hindi ko alam kung pa'no nagawa ni Lael na gano'ng kabilis na magmaneho para makarating kaagad kami rito. The drive was 4 hours long yet it felt so short.

I looked at Caleb and our eyes met. Mukhang naiintindihan namin ang gustong sabihin ng isa't isa pero ni hindi kami nagsabi ng kahit ano.

Nandito na kami sa ospital na sinabi sa akin ni Tyrone. He told me that he will help me with my things once I'm finally here at pababa na nga s'ya kanina para salubungin ako. I expected that he will be here already pero mukhang wala pa nga s'ya.

Bumaba na ako ng kotse at tiningnan si Lael na seryosong nagbababa ng mga gamit ko mula sa trunk ng sasakyan. My heart clenched and I watched him silently. I saw how his arm flexed as he took my luggage out from his car's trunk with one hand.

Lumapit ako at agad na kinuha ang luggage na naibaba n'ya habang isinasara n'ya ang likod ng sasakyan.

"Lael," I called.

The sun is calm now and almost setting. The sky's turning warmer and darker and the wind is getting a bit chillier. May kakaunting mga tao sa parking area pero masyado silang malayo para makaagaw ng pansin. 

Hinipan ng panghapong hangin ang buhok ni Lael at kuminang ang mga mata n'ya sa emosyong hindi ko maintindihan nang magtama ang mga tingin naming dalawa. His lips would usually have a small smirk, but he doesn't have it today.

I did something wrong to him... but I don't know what I should say.

May sasabihin pa sana ako pero narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"I'm glad you're safe, Zen," biglang sulpot ni Tyrone na ibinalot ang isang braso sa balikat ko para sa isang akbay.

Dahil sa pag-akbay ni Tyrone, inalis ko ang tingin ko kay Lael at inangat ang tingin sa kan'ya. Tyrone watched me as I stared at him. He's wearing a stylish polo today like his usual style.

What should I do? Do I just say goodbye? For Pete's sake... I've never been in this kind of situation before. I want to talk but I couldn't even think of any word to start with.

I clenched my jaw.

Ibinaling ni Tyrone ang tingin n'ya kay Lael at nakita ko ang bahagyang gulat n'ya nang ma-realize kung sino ang kasama ko. Tumango si Tyrone sa kasama ko at ibinalik ko naman ang tingin kay Lael na nasa akin na ang tingin.

I wonder what he's thinking. He probably realized how much of a bad news I am to him.

Now that he's standing with me and Tyrone, our contrast looked more evident to me. I feel like he shouldn't be seen with me because it will taint his good record.

Who would have thought that I'd get close with Lael Lozoya? Kung sasabihin ko 'to sa dating Zenica, t'yak hinding-hindi s'ya maniniwala.

"Thank you, Lael," I said, tasting disgust in my throat, not for anyone else but for myself.

Nakita ko ang pag-iisip sa mga mata ni Lael at ang pagkuyom ng panga n'ya, not because he's mad, but he looks like he's thinking. Bumaba ang tingin ni Lael at bahagyang naitago sa paningin ko ang mga mata n'ya.

Inangat n'ya ang tingin n'ya kay Tyrone at nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi n'ya.

"How's Seve?" Lael asked casually and I got a bit uncomfortable to hear Seve's name from him.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now