Chapter 23

6.3K 299 41
                                    

#WYENTwentyThirdNotice

Chapter 23

Tahimik sa backseat si Caleb dahil hindi na n'ya napigilan pang matulog habang si Lael naman, patuloy lang sa pagda-drive. 

Kanina ko pa s'ya kinaka-usap. I'm worried that he might fall asleep kaya kahit hindi naman ako sanay, I always try to strike a conversation. No'ng una, nahihirapan akong mag-isip ng pag-uusapan, pero habang nag-uusap kami ni Lael, parang natural na lang na nagtuluy-tuloy ang pag-uusap naming dalawa.

I was smiling at what he was talking about when I looked at him. Nakangiti rin si Lael habang nagku-kuwento, hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Puwede akong mag-drive kung inaantok ka na," I told him.

Tumango si Lael at ngumisi. 

"Bakit? Mukha na ba akong inaantok?" He chuckled. Sumulyap s'ya sa akin at tumagal ang tingin n'ya nang kaunti bago may gumuhit na ngiti sa mga labi n'ya. "You should sleep. Hindi ka pa natutulog," he thoughtfully said, returning his gaze on the road.

"Ikaw din," I pointed out. 

"Just talk to me," Lael smiled and I saw his eyes glinting nang may tumamang ilaw doon dahil sa kasalubong na sasakyan.

I stared at his side profile. Hindi n'ya inaalis ang tingin sa kalsada.

"That's enough to make me stay awake," aniya.

I hissed and rolled my eyes pero hindi ko na rin napigilan ang ngiti. 

"What a smooth talker," I commented.

Lael chuckled and adjusted his hold on the steering wheel.

Nang makarating kami sa bungad ng La Union, I heard Caleb grunting from the back seat, mukhang nagigising na kaya lumingon ako ro'n. I saw Caleb yawning while ruffling his hair, like a mannerism that he does to wake himself up.

Now that I'm watching him, t'saka ko lang napagtanto na hindi n'ya nilagyan ng kahit ano ang buhok n'ya. Sa tuwing nasa campus kasi kami, laging naka-ayos ang buhok n'ya dahil gusto n'yang itago ang haba no'n. Medyo mahigpit kasi ang SAU pagdating sa buhok ng mga lalaki. Ngayon, dahil wala sa school, he's letting his medium length hair free. It actually looks good on him.

We made a stop at Rosario, La Union. Sa isang convenience store kami tumigil para sa washroom na kanina pa nire-request ni Caleb.

Ipinarada ni Lael ang sasakyan sa parking area at lumabas na kami ng kotse para sa isang stop ulit. 

Si Caleb ang dumiretso sa washroom habang kami naman ni Lael ang pumasok sa convenience store para bumili ng mga puwede naming kailanganin.

Lumapit ako sa isang specific na brand ng chips at lumapit din sa akin si Caleb, humahawak sa rack habang nasa akin ang buong atensyon.

"Are you hungry? Puwede tayong lumipat. May nakita akong mga resto kanina," Lael told me as we went straight to the shelves where the snacks were.

Umiling agad ako at tumingin ng mga snacks do'n. Busog pa ako dahil sa mga kinain kanina no'ng nasa Pampanga pa kami.

I grabbed a couple of chips at lumingon ako kay Lael para tanungin kung ano ang gusto n'ya pero hindi ko naituloy dahil may inabot s'ya sa'king basket para sa mga bitbit ko. 

Inilahad n'ya sa'kin 'yon at napangiti naman ako bago inilagay do'n ang mga dala. Tanging phone at wallet na lang ang bitbit ko. 

Malamig dahil madaling araw na. Malamig din sa convenience store kung nasaan kami. I'm glad that I'm wearing Lael's hoodie. Lael's wearing a hoodie too. Kulay gray naman 'yon pero nagtataka ako kung bakit dalawang hoodie ang dala n'ya.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Där berättelser lever. Upptäck nu