Chapter 7

1.2K 24 2
                                    

Nagkakasiyahan na ang Bebob, nag-aya na silang uminom sa bar. Sila Bea kasama ang Ninjas ay nahuling sumunod sa kanila. Pagkakita ni Thirdy kay Bea, inabot niya dito ang baso.

Inabot naman ni Bea at nilagok ito.

"Thanks Thirds", inabot niya ang basong walang laman kay Thirdy. Saktong lumapit naman si Van sa kanya na may dala ding baso na may lamang beer. Iaabot yun sa kanya pero hindi niya ito napansin kaya natapon sa damit niya ang laman nito.

"Shocks", hinawakan niya ang damit niya, basang basa ng beer ang Tshirt niya. Umiling iling siya. Buti na lang suot niya sa loob ang top ng red na swimsuit niya.

No choice. Malakas ang hangin, she feels icy already. Ano pa nga ba, e December na kasi. She removed her shirt and natira ang red top bikini at maong shorts. Yun na lang ang suot niya. Itinali niya sa bewang ang basang shirt.

Napanganga si Thirdy sa ginawa ni Bea. Grabe, ang hot na ni Bea ngayon. Lumapit siya dito at bumulong.

"Sure ka, ok ka lang? Gusto mo samahan kita sa cottage para magpalit ng damit?", bulong niya dito.

"No, I'm ok Thirds. I think mas hindi ok if I will stay my wet shirt kasi I feel icy na e", sabi niya dito.

"Sorry Bei, I didn't mean it", sabi ni Van.

"No, it's ok Van, nobody is at fault. Let us just enjoy the night", saad niya.

Hindi mapakali si Thirdy. Ang daming mga lalaki ang nandun sa bar at tinitingnan ng mga ito si Bea. Sino ba naman ang hindi titingin, Bea is so damn hot sa outfit niya ngayon. Maybe she didn't noticed that. Anyways, kahit saan namang angle, she is always slaying effortlessly.

"Bea, can you come with me, I forgot to bring my phone, nasa cottage pala, please", iniabot ni Thirdy ang braso niya kay Bea.

Totoong naiwan niya ang phone niya at pasalamat siya kasi naiwan nga niya, meron tuloy siyang reason para mailayo si Bea sa mga mata ng mga lalaking nandoon.

Tumango naman ito at sumama sa kanya. Akmang hahanapin sana nito sila Cel pero nasa gitna na ang mga ito ng dance floor at sumasayaw na kaya iniwan na nila muna ang mga ito.

"This bar is so lit, ang dami ng tao", sabi ni Bea habang naglalakad na sila palabas ng bar.

"Oo, ang dami nga", gusto ni Thirdy sabihin na Oo, madami ngang nakatingin sayo and I hate that idea of having a lot of men enjoying the view of her sexy frame.

Nakakalayo na sana sila pero biglang may sumugod na fans. Dali daling inilagay ni Thirdy ang sumbrero siya sa ulo ni Bea at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.

"Idol, papicture", sabi ng babae.

"Ok, sure", sabi ni Thirdy.

Nakatungo lang si Bea pero nakilala ito ng isang kasama nila.

"O my God, guys, si BDL", sabay turo kay Bea.

Lalo ng nagkagulo ang mga fans. Wala na silang nagawa. Hindi pa din binibitawan ni Thirdy ang kamay ni Bea. Baka kasi madumog ito ng mga tao.

"Ate Bea sama ka sa picture", sabi ng isa.

"No, sorry I can't. Later na lang, I'll be back", sagot ni Bea habang itinatago ang mukha niya. Nakunan naman ito ng photo ng isang fans.

Buti na lang andun si Thirdy. Hindi siya pwedeng magpakuha ng photos kasi ayaw na niya ng issue. May Julia na si Thirdy at ayaw na niyang pumasok sa eksena.

Pagkatapos ng mahabang picture taking with fans, nagpaalam na Thirdy pero talagang makukulit ang mga ito, sinundan pa sila. So Thirdy protect Bea by all means. Hinila niya ito sa bandang likuran niya.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now