Chapter 26

1.2K 22 0
                                    

Pagbaba ni Thirdy sa kotse, sumalubong sa kanya ang dalawang malalaking corgis. Ang taba ng mga ito. Malamang, alagang alaga talaga ito nila Mama Mozzy niya. Binilin niya talaga sa mga ito ang dalawang "anak" niya bago siya umalis ng bansa.

Tumalon si Jill at umikot naman si Jack sa may paanan niya. Hay, namiss niya ang mga ito.

"Hello Babies, did you missed Daddy? Did you missed Daddy?", sabi niya sa mga ito habang nilalaro ang balahibo.

Tumahol ang mga ito.

Pumasok siya sa bahay na karga karga ang dalawa kahit pa mabigat sila. Dati ang cute pa nila, ngayon grabe ang laki na nila.

"Kamusta na kaya Mommy nyo no", bulong niya sa mga ito.

Dinilaan siya ni Jill at tumahol. Natawa siya. Ang talino ng mga aso na to, sumasagot. Para bang sinasabi na, e di puntahan mo.

Sumagot ulit si Thirdy. Baliw na kung baliw.

"Don't worry Babies, promise that I'll bring home your mommy", sabi niya sa mga ito at niyakap niya yung dalawang aso. Umakyat sa muna siya sa kwarto para magpahinga.

Napagod siya sa byahe.

Namiss niya yung kwarto niya. Ibinagsak niya yung katawan niya sa kama ng may biglang isang bagay na bumagsak sa mukha niya.

Pagbuklat niya, shoot the painting that Bea gave to him nung nanalo sila ng Championship. Pati ba naman ito nahulog na.

Natawa na naman siya.

"Pati ba naman ikaw, patay na patay pa din sa akin until now?", sabi ni Thirdy habang ibinabalik yung painting sa pagkakasabit nito.

Hays, memories brings back memories bring back yow!

Excited na siya sa mga susunod na araw. Akalain mong nalampasan niya yung 5 years na yun. Natupad niya yung pangarap niya sa career, yun nga lang lovelife na lang ang kulang. Pero alam niyang malapit na yun.

"Kuys, wake up. Dinner na daw sabi ni Mama", narinig niya si Danni.

Nakatulog na pala siya. 9:30pm na.

"Sige, susunod na ako, ligo lang ako saglit",sagot niya kay Danni.

Bumaba na siya sa dining area sakto namang naka-ere ang TWBA and guess what? Si Bea ang guest.

Natulala si Thirdy. Hindi niya natapos ang pagbaba sa hagdan. Kahit nakikita niya ang mga pictures nito na pinapadala ni Danni, sobrang ganda ng mahal niya sa TV. Parang gusto na niya itong dukutin sa TV, yakapin at halikan.

Ay Bea!

"Hoy Thirdy!", sigaw ni Alyssa.

Nagulat siya. Huli na, naihakbang na niya yung paa niya at nadulas na siya. Nahulog si Thirdy sa hagdan!

Tawanan ang buong Ravena. Tinawan din siya ng pamangkin niyang si Ali.

Masakit, tumama lang naman ang puwet niya sa pinakahuling step. Ganito ba ang epekto ni Bea sa kanya, parang nagiging shongga. Hahaha!

"Tito, you're so funny",sabi ni Ali na hawak ang tiyan. Panganay na anak na lalaki ni Manong at Ate Ly. Ang cute nito.

"Ouch, Ali, can you help Tito to stand up, I think I broke my bones", nakangiwing sabi ni Thirdy.

"Ok Tito, you're like shonnga kasi, are you star struck to Tita Bea?", sabi ng bata. Tumingin siya sa buong pamilya niya, lahat nagpipigil ng tawa pati si Yaya Mags.

"Ali, stop it. And you guys, what's funny ha", sabi ni Thirdy na di malaman kung matatawa o mahihiya.

"Kasi naman Kuys, ang epic ng reaksyon mo, nakita mo lang si Ate Bea, nawala ka na sa earth", sabi ni Danni habang tumatawa.

"Stop it Theris, lipat ka ng pwesto, dun ka sa kabila, di ko makita yung TV", utos niya dito.

"Ay yun, sobrang interesado, di man lang pinansin ang sinigang ko", sabi naman ni Mama Mozzy niya.

Hindi na umimik si Thirdy. Tumutok na siya sa TV. Hay, Bea bakit parang mas lalo ata itong gumanda sa paningin niya. At same na same pa din ito, ang galing pa din sumagot.

He missed those chinky eyes of her, that cute little dimple below her lips, her lips na sobrang lambot, her hair, her nose, her smell. Everything about her. Namimiss na niya talaga ito.

Tapos ang interview pero nakanganga pa din siya sa TV.

"Kuya naman, ang OA na. Tapos na o, commercial na po, nakanganga ka pa din", sabi ni Danni.

Parang nagising si Thirdy sa pagkatulala niya.

"Ok, ok. Sorry, kain na tayo", sabi niya habang kinukuha ang kutsara at tinidor.

"Tapos na kami", sabay sabay na sagot ng buong pamilya niya.

Tumawa ang mga ito ng malakas. Ibig sabihin ganun siya katagal na nakatanga lang sa TV. OMG, Thirdy what are you doing.

Umiiling iling na lang siya habang naguumpisa na siyang sumubo ng pagkain. Grabe ang epekto sa kanya ni Bea.

After niya kumain ng dinner, umupo siya sa living room para makipagkwentuhan sa pamilya niya.

"Thirds, ano masasabi mo sa interview ni Bei", nakangiting sabi ni Aly habang hinihimas ang tiyan nito.

"Huh? Well magaling pa din siya", simpleng sagot niya. Ang totoo ay wala siyang naintindihan sa interview ni Bea kasi sa mukha lang ni Bea siya nakatingin.

"Ate Ly, for sure wala yan nagets kahit isa, lutang e", sabi ni Danni.

Hinagis niya ng unan si Danni.

"DANIELLE THERIS!", sigaw ni Thirdy.

Natawa si Keifer.

"Para kay Thirdy, ireplay na lang natin", sabi naman ni Mama Mozzy niya.

Napagkakaisahan siya ng mga ito talaga. Pero hindi siya tumutol. Nireplay nga ang interview.

"Haha, well Tito Boy as I have mentioned kanina, priority talaga ang ginagawa ko. Now, for me kasi, lovelife naman can wait. And hey! If you're watching, I am waiting", sabay tawa ni Bea.

Sa buong part ng interview, naka50x niya atang inulit ulit yung part na yan. Bakit? Kasi kinilig siya don!

Inaantay naman pala talaga siya.

Right there and then, gusto niyang sumakay sa kotse niya, magdrive papuntang LGV, makita si Bea at yakapin ito ng sobrang higpit.

Gusto niyang sabihin dito na dumating na siya, na finally hindi na nito kailangan pang maghintay!

Wala siyang pakialam kahit pa alas-dos na ng madaling araw ngayon. Haha!

After ng interview, tumayo si Thirdy sabay sigaw ng Yes! Tinaas niya pa ang kamay niya, kinuha niya si Ali at itinaas nito ang pamangkin niya.

Sobrang saya niya. Hindi na siya makaantay.

"BALIW", sabay sabay na sabi ng buong pamilya niya.

Tumawa lang siya.

Pigilan mo ang sarili mo Ravena. Wag muna, sa Dec 7 pa ang usapan.

A/N : Excited masyado! Kinilig ang loko!
Yahooo!!!!

Hi to _wildrose08, thank you for staying!
Inaabangan talaga yung updates ko 🤩

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now